CHAPTER 5: Bang! Bang! Bang!

21.2K 205 26
                                    

Lumipas ang ilang buwan ay labis na nga niyang naging matalik na kaibigan si DJ… Gustung-gusto niya lagi itong nakakasama dahil marami itong naiisip na ideya sa kung ano ang mga lalaruin nila… Dati ay masaya na siya sa pakikipaghabulan lang sa mga kalarong kapitbahay o kaklase… Pero ngayon ay tila naiinip na siya sa ganoong mga laro… At kahit tawagin pa siya ng mga ito ay pilit na siyang tumatanggi…

Kathryn, bakit ayaw mo ng makipaglaro sa amin?

Tanong iyon ng isa niyang lalaking kaklase habang naglalakad na sila pauwi galing paaralan…

Pano kasi meron na siyang kalarong iba… at siguro naaaliw siya dahil mukhang halimaw ‘yun!

Nagtatawanan ang mga iba pa… Ilang beses na niyang naririnig sa ibang mga bata na halimaw daw ang kaibigan niya. Labis siyang nasasaktan sa tuwing sinasabi nila iyon. Kaya hindi lang iisang beses na nakikipag-away siya dahil doon…

Pero sa pagkakataong ito ay pinili na niyang ‘wag makipag-away. Nangako kasi siya kay DJ na hindi na siya muling makikipagsuntukan pa… Kaya nagbibingi-bingihan na lang siya habang binibilisan na ang paglalakad…

Pagdating niya sa loob ng bahay ay agad na siyang nagbihis ng pambahay na damit. Sasamantalahin niya ang pagkakataong iyon dahil nasa bayan ang kanyang ina at kapatid… Mabilis na niyang tinungo ang daan patungong kagubatan…

Natitiyak niyang naghihintay na roon ang kaibigan… Bagama’t magka-edad lamang sila ay hindi na nakapag-aral ito. Kung tutuusin ay makakaya naman sana nitong tustusan ang sarili sa mga gastos sa pag-aaral dahil sapat na rin ang kinikita nito mula sa pangangaso…

Pero napansin niyang sadya atang may katamaran ito sa pag-aaral… Kaya mas pinili na nitong ‘wag pumasok. Pinipilit din naman niya itong turuan kung minsan. Nakikinig din naman. Pero nakikita niyang parati itong naghihikab…

Nang malapit na siya sa bangin ay agad na niyang natanawan ang tinitirhan nito. Habang tumatagal ay mas nagmumukhang maayos na ang bahay dala na rin ng mga ilang pagbabago…

Kathryn: DJ!... DJ!...

Patuloy niyang sigaw sa baba ng puno… Hinihintay niyang ibaba nito ang hagdanang gawa sa tali…

DJ: Umakyat ka na!

Base sa pinanggagalingan ng boses ay wala ito sa loob ng bahay… Mukhang nakatago nanaman ito sa iba pang malalaking puno na nasa paligid…

Kathryn: Ibaba mo na muna ‘yung hagdan!

DJ: ‘Di ba sabi ko ‘wag kang masanay na ‘yun ang ginagamit?! Akyatin mo na!

Kathryn: Eh nakapalda ako eh!

DJ: Bakit kasi nagpalda ka?! ‘Di na bale… Tayo lang naman andito eh!

Ang alam kasi niya ay hindi sila aakyat sa mga puno… Pero tila iyon ata ang gusto nitong laruin ngayon… Hindi na siya nagdalawang-isip pa… at nagsimula na niyang akyatin ang malaking puno na wala man lang masyadong makapitang sanga… Mukhang mahirap ang pag-akyat… Ngunit may mga itinuro itong pamamaraan…

Dati-rati ay ni hindi man lang siya nagsusubok na gawin ang bagay na ‘yon. Pero nang makilala niya ito ay napakarami na nitong mga itinuturo… Gaya na lamang ng pagpapa-apoy gamit ang mga ilang natuyong dahon at piraso ng kahoy…

Maging ang pag-tumbling o kaya ang tahimik na pagsisid sa tubig ay itinuro rin nito sa kanya… Labis siyang natutuwa sa mga bagong natuklasan… At utang na loob niya ang lahat ng iyon kay DJ…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now