CHAPTER 1: Promises

37K 598 121
                                    

Masayang naglalaro ang pitong taong gulang na batang si Kathryn sa loob ng servant’s quarter ng palasyo. Kasama niya roon ang tatlong taong gulang na kapatid na si Nash na mahimbing namang natutulog. Paminsan-minsan ay isinasama na lamang sila ng kanilang ina kapag kinailangan ang serbisyo nito bilang tagapagsilbi. Ngunit lagi naman nitong ibinibilin ang mga mahigpit na alituntunin. Tulad na lamang ng pagbabawal sa kanilang gumala sa loob at labas ng palasyo…

Habang abala siyang nakikipag-usap sa laruang manika na gawa pa sa mga pinagtagpi-tagping retaso ng tela ay bahagya rin naman niyang sinusulyap-sulyapan ang natutulog na kapatid…

Nanay: O, Kathryn, binabantayan mo naman ba ‘yang kapatid mo? Baka masyado ka ng nawiwili sa paglalaro ha…

Dahil nasa pinakamababang bahagi ang kinalulugaran nila ay madaling nakadungaw ang kanyang ina mula sa labas ng bintana…

Kathryn: Hindi po, ‘nay… Kanina ko pa nga po siya binabantayan eh…

Nanay: Siguraduhin mo lang bata ka ha at ayoko na talagang maulit ‘yung ginawa mo dati… Naku! Hindi na lang bugbog ang aabutin mo sa akin ‘pag nagkataon…

May mga pagkakataon din kasi na naiiwan silang magkapatid sa bahay kapag wala siyang pasok sa public school na pinapasukan. At dala na rin ng katigasan ng ulo ay hindi lang iisang beses na iniiwan niya itong mag-isa upang makipaglaro siya sa mga kasamahang bata sa labas.

Minsan tuloy ay nadatnan siya ng kanyang ina at kung minamalas nga naman ay naabutan pa nitong pumapalahaw na sa iyak ang kapatid. Dahil doon ay wala tuloy siyang awa na pinagbubugbog nito…

Kathryn: Opo, ‘nay… Hindi ko na po talaga uulitin ‘yon… Pero ‘nay… ano pong ginagawa niyo jan sa labas? ‘Di ba po dito sa loob ng palasyo ang trabaho niyo?

Nanay: O, ayan... Mangungulit ka nanaman… Basta dito ako ipinunta ngayon at may pagtitipon sa bulwagan mamaya… O siya, maiwan ko na kayo… Kath! ‘Yang kapatid mo ha!...

Tumango na lamang siya sa bilin nito. Pero nang mawala na ito sa bintana ay hindi niya maiwasang hindi sulyapan kung ano ang kaganapan sa labas. Pagdungaw niya ay natanawan niya ang ina sa ‘di kalayuan kasama ng ibang mga tauhan. Mukhang abala nga ang mga ito sa pag-aayos ng bulwagan….

Ngunit dahil sa pagiging likas na bata ay agad na nabaling ang atensyon niya sa mga napakaraming bulaklak sa hardin. Nanlalaki ang mga mata niya sa iba’t-ibang kulay ng mga iyon….

Napalingon siya sa kanyang kapatid na mahimbing pa ring natutulog. Naisip tuloy niyang maaari siyang pumitas ng ilan sa mga bulaklak kung bibilisan lamang niya….

Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mabilis na niyang inabot ang pasimano ng bintana saka dahan-dahang kumapit habang maingat na ibinababa ang mga paa sa lupa….

Nang makalabas na ay nagmamadali siyang tumungo sa hardin at tuwang-tuwa na pinagpipitas ang mga bulaklak. Napapakanta pa siya habang naglalagay ng ilang mga piraso sa kanyang tenga.

Maya-maya ay nagambala ang kanyang kasiyahan ng isang ingay malapit lamang sa kanyang kinatatayuan. Mabilis siyang nagtago sa mga halamanan sa pag-aakalang baka siya mapagalitan.

Sa patuloy na naririnig niyang ingay ay dahan-dahan tuloy siyang gumapang sa damuhan upang hanapin ang pinagmumulan ng naririnig. Unti-unti ay sumilip siya sa uwang na nakita at nanlaki muli ang mga mata niya sa nakita.

I hate you! I hate all of you! Why do they keep on telling me to do this?! To do that! Why can’t I just play with my friends?!

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now