CHAPTER 3: Bow And Arrow

23.3K 251 34
                                    

Alam ng batang si Kathryn na walang matutuluyan ang bagong kaibigan. Kaya naisipan na lamang niya itong dalhin sa loob ng kanilang bahay. Bagay na labis namang ikinagalit ng kanyang ina…

Nanay: Kathryn! Pinayagan kitang pumunta sa bayan dahil sa prinsipe! Hindi ko naman akalain na sa pagbalik mo eh magdadala ka pa ng papalamunin natin!... Saka sigurado akong pinaghahanap na ‘yan ng mga masasamang tao na gumawa sa kanya nyan!... Gusto mo ba pati tayo madamay pa?!

Kathryn: ‘Nay… Hindi naman po siya magtatagal eh… Kahit ilang araw lang daw po… habang nag-iisip siya ng paraan kung saan makakahanap ng matitirhan…

Nanay: Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo bata ka?! Pitong taong gulang lang ‘yan! Wala ‘yang maiisip na paraan kung papano siya mabubuhay mag-isa! Baka ‘yang ilang araw na ‘yan eh mapunta pa sa ilang taon! Jusko naman! Hirap na hirap na nga akong buhayin kayo tapos magdadagdag pa tayo!

Napakalakas ng sigaw nito. Kaya sigurado siyang naririnig ni DJ iyon na nakaupo lamang sa maliit nilang sala.

Kathryn: P-Pero ‘nay… Kawawa naman po kasi eh…

Nanay: Kawawa?! At tayo hindi ba tayo kawawa ha?!

Kathryn: ‘Nay… Kahit ilang araw lang po…

Nanay: Kathryn!!! ‘Pag sinabi kong hindi pwede! Hindi pwede! Gusto mo ba pati ikaw palayasin ko dito ha?!

Kathryn: H-Hindi po…. P-Pero saan na nga po siya titira?...

Nanay: Aba’y ewan ko! At wala akong balak na problemahin pa! Bahala siya sa buhay niya! Tumira siya sa gubat kung gusto niya! Sige na! Umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mong mapalo nanaman kita!.... Paalisin mo na rin ‘yang batang ‘yan at baka nagtataka na ang mga kapitbahay kung sino ‘yan!...

Nalungkot talaga siya sa sinabi ng ina. Kaya laglag ang balikat niyang tinungo ang sala… Nadatnan niya doon ang bagong kaibigan na nakatingin sa baby picture niyang nasa lumang picture frame…

Kathryn: DJ…

Lumingon ito sa kanya… saka ngumiti…

DJ: Mas cute ka pala nung bata ka…

Hindi niya pinansin ang sinabi nito…

Kathryn: P-Pasensya ka na dun sa mga sinabi ng nanay ko ha…

DJ: ‘Wag mo ng isipin ‘yun… Tama rin naman siya eh… Magiging pabigat lang ako sa inyo…

Napansin niyang tila hindi ito apektado at kanina pa iniikot ang tingin sa buong bahay…

Kathryn: Eh pano ka na ngayon?... San ka titira?

DJ: Mmmm… Sa gubat…

Kathryn: S-Sa gubat? P-Pero bakit?

DJ: Narinig ko kasi ‘yung sinabi ng nanay mo na dun na ako tumira… Tingin ko tama naman siya… Madali ko pang mapagtataguan ang mga humahanap sa ‘kin…

Kathryn: Pero sobrang delikado kaya sa gubat…. Marami pang mga ahas dun… Saka san ka titira dun? Sa mga puno?

Bahagya itong ngumiti…

DJ: Oo sa mga puno nga… Kayang-kaya ko ‘yun!… Taga-Ninther ako kaya sanay ako sa gubat…

Tila nagyayabang pa ito. Pero hindi maikakaila ang takot na nasa mga mata nito…

A Fairytale's MishapDonde viven las historias. Descúbrelo ahora