CHAPTER 24: Hate That I Love You

19.2K 206 41
                                    

Sa paglabas niya sa kwarto ng prinsipe ay nadatnan pa rin niya ang dalawang babae sa labas… Nakapamewang at masama ang mga tingin sa kanya…

Lavinia: Anong ginawa mo sa loob? Ha?!

Bianca: Bakit ang tagal mo?! Anong ginawa niyo?!

Kahit anong pilit niyang pagpipigil ay napupunuan na rin siya kung minsan…

Kathryn: Ano pa nga bang ginagawa namin sa loob ng isang kwarto? Alangan namang nagtititigan lang…

Bianca: My God! Ang landi mo talaga! Pano mo nagawa ‘yon ha?!Pano mo nagawa ‘yon?!!

Kathryn: Hindi ko alam… Bakit hindi niyo tanungin ang prinsipe?

Lavinia: O, sige… Bahala ka!… Gawin mo lahat ng pagpapaka-cheap na pwede mong gawin… It doesn’t matter, anyway… Ang importante naman kung sino ang mananalo sa tournament… Kaya sige, sulitin mo na ang masasayang araw mo… Dahil pag ako na ang naging prinsesa… Sisiguraduhin kong mapapatapon kita palabas ng Zanarkand!...

Kathryn: That’s right, Lavinia… Keep on dreaming… Para kahit man lang sa panaginip mo eh magkatotoo ang mga sinasabi mo…

Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na sumagot pa ito… dahil mabilis na siyang umalis… Wala na siyang pakialam… Kung makikipag-away siya, gagawin na niya… Wala na ring kakwenta-kwenta ang pananatili pa niya dito…

_____________________________________

Matapos ang confrontation ay nagpatuloy na ang regular na routine sa buong araw… Trainings, lectures… Gawin mo ‘to… Gawin mo ‘yon… Nakakasawa na… But she has to follow… Kahit na… Kahit na patuloy pa rin niyang naiisip ang kaibigan… Kahit na ang sakit sakit na…

At nang sumapit muli ang gabi ay naroon lang siya sa kanyang kwarto… Nakaupo sa dulo ng kama… habang wala sa sarili na nakatingin sa sahig… Sa mga ganitong pagkakataon na mag-isa lang siya, mas lalo niya itong naaalala… Naaalala niya lahat ng mga ginagawa nito para sa kanya…

‘Yung pag-akyat  nito sa bintana ng kwarto niya… ‘Yung lagi siyang hinahalikan at niyayakap… ‘Yung paghaplos sa pisngi niya ‘pag umiiyak siya… ‘Yung masayang boses nito habang nagpapatawa… ‘Yung pangako nito na sabay nilang tutuparin lahat ng mga pangarap niya…

At sa isiping ‘yon, muli na naman siyang umiiyak… Gabi-gabi na lang na ganito ang nangyayari… Tumayo siya at tinungo ang balkonahe… Pinagmasdan niya ang kabuuan ng palasyo… Ang laking bahay… Sobrang laki… Kapag nanalo siya, dito na siya titira at maraming-marami na siyang pera… ‘Di ba ‘yun naman ang gusto niya?...

Kathryn: ‘Di ba ‘yun naman ang gusto mo, Kath? ‘Di ba?!...

Pero bakit hindi masagot ng sarili niya?... Bakit sa sitwasyon niya ngayon, hindi man lang siya makaramdam ng konting saya?... Nung mga panahong parati niyang kasama ang kaibigan… Wala siyang maalalang panahon na hindi siya masaya…

Pero ano pang sinukli niya? Habang lumalaki sila, lagi na lang ang prinsipe ang bukambibig niya... At sa huling sandali, nakiusap pa na ito ang piliin niya… Pero nagmatigas pa rin siya… at hindi pa siya nakuntento at nag-iwan pa ng masasakit na salita… Mga salitang pati siya ay hindi niya matanggap na nasabi…

Kathryn: Hindi ko kaya… Hindi ko kaya…

Mas gugustuhin pa niyang habang-buhay na maging mahirap kesa mawala ito sa buhay niya… Ang tanga-tanga niya para ngayon lang ‘yon maisip… But she’s hoping… She’s hoping that it’s never too late…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now