CHAPTER 2: Meet The Bestfriend

25.7K 277 45
                                    

Nanay: Kathryn! Ano ba?!Hindi ka pa ba aalis?! Kanina ka pa jan sa kwarto mo ah! Pungung-puno na ng mga tao sa bayan! Baka hindi ka na makita ng prinsipe sa parada!

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng sarili sa loob ng kanyang maliit na kwarto. Sinisikap niyang maging maganda at maayos sa kabila ng suot niyang kupas na pulang bestida. Ito na lamang ang sa palagay niyang pinakamaayos niyang damit dahil ang karamihan ay masyado ng luma at kung hindi naman ay marami ng mga tagping retaso dahil sa mga butas…

Nanay: Kathryn!!!!!

Kathryn: Opo! Anjan na po!

Kahit papano ay nakuntento na rin siya sa itsura sa harap ng salamin. Kaya lumabas na rin siya at nagsimula na ring bumaba sa iilang hakbang nilang hagdanan…

Nanay: Wala na! Paano mo pa siya makikita kung kay tagal-tagal mo namang mag-ayos bata ka?!

Kathryn: Nay, sinigurado ko lang po na magiging maganda talaga ako. ‘Di ba po ‘yun ang lagi niyong bilin sa ‘kin…

Nanay: O siya! Sige na! Magmadali ka na! Saka eto, kunin mo… sampung piso para naman hindi ka magmukhang kawawa ‘pag nakita ka ng mga kaklase mo…

Namilog ang mga mata niya sa tuwa at agad kinuha iyon. Bihira siyang bigyan ng ina ng pera dahil kadalasan ay kumukuha na lamang siya ng baon sa napagbebentahang maliliit na isda na hinuhuli pa niya tuwing umaga sa ilog…

Kathryn: Naku, ‘nay! Maraming salamat po!...

Mabilis na siyang lumabas matapos magpaalam. Pero narinig pa niya ang pahabol na sigaw nito…

Nanay: ‘Wag kang tatakbo at baka madapa ka!

Ayaw na ayaw din nitong magkasugat siya dahil baka magpeklat daw ang mga iyon. Kabilin-bilinan nito na dapat siyang laging maging makinis para manalo raw siya sa mga sasalihang beauty contest paglaki niya.

Ilang buwan na rin simula nang magkita sila ng prinsipe sa hardin ng palasyo. At simula nga noon ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral mabuti at alagaan ang panlabas na anyo.

Muli niyang kinapa ang sampung piso sa bulsa. Pagkatapos ng parada ay bibili siya ng limang pisong ice cream kay Mang Rudy na parating nagtitinda sa plaza. At ang natitirang limang piso ay ibibili niya ng mga posters ng prinsipe na sigurado ay itinitinda rin ngayon. Madadagdagan nanaman ang mga koleksyon niya na nakadikit sa mga dingding sa kanyang kwarto.

Dala ng sobrang excitement ay mabilis na siyang tumakbo at hindi alintana kung siya man ay madapa….

______________________________________

Pagdating niya sa bayan ay nanlumo siya sa nakita. Hindi na mahulugang karayom sa dami ng tao na nagsisiksikan sa tabi ng kalsada. At base sa kanyang naririnig na tugtugin ay mukhang kanina pa nagsisimula ang parada….

Ang mahal na prinsipe! Kumakaway ang prinsipe!

Patuloy niyang naririnig na sigaw ng mga tao…. At kahit ano namang gawin niyang talon o takbo ay hindi talaga niya masulyapan man lang ang parada dahil na rin sa pagiging maliit niyang bata…

Napakagwapo talaga ng batang prinsipe!

Sabi pa ng isang nanay habang buhat nito ang anak na babae na mukhang kasing-edad lang din niya. Nahiling tuloy niyang sana ay andito rin ang ina na binubuhat siya. Pero halos hindi na niya maalala ang huling pagkakataong binuhat siya nito o kinalong man lang…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now