CHAPTER 27: Day-Off

19.7K 239 42
                                    

After that awkward breakfast, lumipas ang ilang araw at napansin niyang kahit papano ay nagbago na ng pakikitungo  si DJ. Civil na ito sa kanya. Hindi na rin siya pinapahiya gaya ng dati. Pero napakalayo na nito. At sa mga pagkakataong nasa trainings sila ay lalo lang niyang nararamdaman na hindi na maibabalik ang dati... Kung ano ang meron sila dati…

But somehow, she understands. What does she expects na sa isang pitik lang ay babalik na sila sa dati? Although she’s hurting… She’s well aware na mas nasaktan niya ang kaibigan…

Pero kahit papano ay masaya na rin siya… Masaya na siya na nakikita pa rin niya ito… Masaya siya na hindi pala ito lumayo… na hindi pala ito nagpakasal sa iba… Pero sa kasiyahang ‘yon, may kasamang kalungkutan…

Gaya na lamang ngayong gabi… It’s actually their day-off from trainings… And there’s a pool party goin’ on sa likuran ng palasyo... Few guests are there at halos mga anak ng higher officials… All are talking and laughing and everyone seems to be having fun… Maging ang mga kasamahan niyang kalahok ay halatang nag-eenjoy din…

Sofia: Uy Kath, kanina ka pa tahimik jan…

Nakaupo sila sa bar stool sa isang bar malapit lang sa pool area. Kapareho niya lang itong nakasuot ng backless one piece swimsuit na pinatungan lang ng sarong sa ibaba… 

Kathryn: Hindi lang kasi talaga ako sanay sa mga party eh…

Kanina pa niya pasimpleng pinagmamasdan si DJ na nasa ‘di kalayuan lang. A few crowds are gathered around him. And he sure knows how to handle them. He seems to be so confident and so comfortable. They’re laughing at his jokes or they seem pretty amused. And she has to admit that a huge part of her is really sad… Ito ba ang DJ na nakilala niya? Ito ba ang best friend niya?...

Sofia: Ano ka ba… Lagi mo na lang sinasabing ‘di ka sanay… Sanayin mo noh! Relax! Enjoy lang dapat tayo ngayon… Lalo ka na, you’re really doing well with your trainings…

Bahagya lang siyang ngumiti… At muling ibinalik ang tingin sa prinsipe… Tama, prinsipe ang nakikita niya ngayon at hindi ang best friend. It’s like she’s looking at a complete stranger…

Kathryn: Uhm… Sofia, ano bang alam mo tungkol sa prinsipe?...

Sofia: Huh? Anong ibig mong sabihin?

Kathryn: Kung ano ‘yung mga nalalaman mo tungkol sa kanya…

Sofia: Bakit? Hindi mo ba alam ang mga tungkol sa kanya? Siguro naman alam mo na ‘yang assignment na ‘yan bago ka pa nakapasok sa top 5 noh… Besides, hindi ka naman makakapasok kung hindi mo alam…

Kathryn: Alam ko… Pero gusto ko lang malaman sa point of view ng iba… Baka kasi may iba kang nalalaman na hindi ko alam ‘di ba?

Nagkibit-balikat lang muna ito…

Sofia: Well, common knowledge na sa lahat na super skilled and smart ang ating prince in all aspects. Pero secret lang natin ‘to ha… Sabi kasi nung isang katiwala dito na kapitbahay namin, spoiled-brat daw. Tapos, mainitin ang ulo at masungit daw, suplado…

Kathryn: Spoiled-brat?

Sofia: Yup, pero hindi na rin naman nakakapagtaka ‘yun given na prinsipe nga siya ‘di ba… Andami daw niyang mga rules and conditions even on simple things…

Bigla siyang na-curious sa sinabi nito.

Kathryn: Simple things? Gaya ng ano?...

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now