CHAPTER 20: Cry Me A River

19K 190 33
                                    

Kanina pa siya biling-baliktad sa kama ng hotel na pansamantala muna nilang tinutulugan ngayong gabi. Hindi pa rin siya dalawin ng antok kahit anong gawin niya. Para bang nag-eecho sa tenga niya ang boses ng prinsipe. Lalo na sa paraang pagkakasabi nito ng pangalan niya….

Nang sinabi nito ang “Kathryn”… Biglang pumasok ang kaibigan sa isip niya. Sobrang magkaboses talaga sila. Kaninang sumasayaw sila, sinubukan niyang pumikit habang nagsasalita ito. At ang kaibigan talaga ang naririnig niya. Iyon nga lang hindi ito marunong magsalita ng English…

Bumangon na siya sa kama at umupo… Naalala niya nung nagmomodelo ang prinsipe sa runway... ‘Yung katawan nito nung walang suot na pang-itaas. Kung wala lang ang mga pilat ng kaibigan, iisipin niyang parehong-pareho sila ng pangangatawan…

Memoryado niya ang bawat contours na meron si DJ… Kasama niya itong lumaki… Pero…. Ahhh!!! Kung anu-ano na ang naiisip niya… Pero ‘di ba ampon lang naman talaga ang kaibigan?... Saka bakit sinabuyan ng asido ang mukha nito?... Parang may pilit tinatago ang mga kumuha dito… Hindi kaya… Hindi kaya… may kakambal ang prinsipe…….. at si DJ ‘yun?

Para pa siyang kinilabutan sa mga naiisip… Maya-maya ay natawa na siya… Imposible talaga eh… Bakit naman nila ipapatapon ang kakambal ng prinsipe? Saka hindi ba agad malalaman ng reyna na kambal ang pinanganak niya? Sa isiping ‘yon ay lalo na siyang natawa… Naisip niya, siguro labis lang siyang nangungulila sa kaibigan… at kung sinu-sino na tuloy pinagkakamalan niya…

Kathryn: DJ… DJ… Nasan ka na ba?...

Patuloy niyang bulong… Bumalik na siya sa kama at muling nahiga… She curled up habang yakap-yakap ang sarili… Naaalala niya ‘yung mga panahong katabi niya ito sa pagtulog… ‘yung niyayakap siya nito hanggang sa makatulog na siya… Muli na namang tumulo ang mga luha niya sa isiping iyon…. She just misses him so much…

_________________________________

Hindi maganda ang gising niya ng umaga. Sobrang inaantok pa siya dahil sa pagkakapuyat. Pero kailangan nilang gumayak ng maaga. Ngayon ang araw ng paglipat nila sa palasyo. Doon sila patitirahin para sa time period ng kanilang training hanggang sa matapos na ang tournament…

Kanina pa nakuha ang mga kagamitan nila at dinala na rin doon. Pero silang lima ay may pupuntahan pang iba. Doon daw muna sila sa Royal Race Track… It’s a common knowledge na hobby talaga ng prinsipe ang car racing… Since doon lang naman sila pupunta, nagsuot na lang siya ng maiksing shorts at sleeveless saka nag-doll shoes lang…

Hindi na rin siya nag-make up at hinayaang nakalugay na lang ang buhok. Habang sakay sila ng limo ay kita niya ang kanina pa pagme-make up ni Lavinia at Bianca… Kung maiksi ang shorts niya, mas maiiksi ang mga suot ng mga itong skirts…

Lavinia: Alam mo, hindi ko alam kung anong ginawa mo kagabi sa prinsipe at sinayaw ka niya nang ganun-ganon na lang… If I know, pinilit mo lang siya…

Sabi nito sa kanya in between make-ups…

Bianca: Yeah, you’re right… Pero at least nalaman na natin na madali pa lang mapilit o baka madaling maakit ang prinsipe… Kaya kanya-kanyang diskarte na lang, girl…

Lavinia: You’re a cheater, Kath… You’re so desperate kaya nagawa mo ‘yun kagabi… But I’ll assure you, hindi na ‘yon mauulit pa…

Hindi na lang siya umimik… Nakakapagod nang makipagtalo…

_____________________________________

Nasa bleachers na sila ng race track. Napakaluwang ng lugar… Ang tataas ng bleachers… Pero sila lang lima ang audience… Habang kasalukuyan nilang pinapanood ang dalawang kotse na nagkakarerahan… Ang pulang kotse ay sa prinsipe raw… Alam niyang isa iyong Ferrari… Ang isa naman ay kulay puti na minamaneho naman ng pinsan nito…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now