CHAPTER 33: Dinoflagellates

18.2K 240 48
                                    

Kahapon pa natapos ang pagsusulit para sa brain skills. Pakiramdam niya ay wala naman siyang magiging problema sa exam na iyon. Halatang hindi masyadong napagtuunan ng pansin ng mga jury o sinadya lang siguro talagang padaliin dahil ang mga katanungan ay naituro na sa kanila sa mga lectures.

Sa kasalukuyan ay nakasakay silang lima sa isang yate papunta sa kanilang mga isla para sa beauty skills. Beauty skills? Bahagya siyang natawa ng pasarkastiko. Sa tingin niya ay mas tugma ang seduction skills. Aaminin niyang bahagya siyang kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng mga kasamahan niyang kalahok. Lahat ng mga ito ay may angking kagandahan. Lalaki lamang ang kanyang kasintahan. Alam niyang maaari rin itong matukso…

Napakatagal na nilang namamalagi sa palasyo. At sa bawat sandali ng kanyang pananatili doon, nasasaktan siya sa kaalamang may apat na kalahok na gustong mapa-ibig ang prinsipe. Nasasaktan siya sa isiping iyon… bilang isang babae… bilang isang kasintahan.

Sa ngayon ay wala siyang specific strategy para sa pagsusulit. Maaaring gamitin na lamang niya ang maikling panahon upang makapagpahinga… at pagkakataong makasama ito…

Dahil sa naisip ay tumingala siya sa mas mataas na bahagi ng deck. Nakaupo ito sa lounging chair habang may hawak na sketch pad at charcoal pencil. Nakayuko ito at mukhang naka-focus sa ginagawa. Bahagya itong nakakunot at ni hindi man lamang kumukurap. Noong nasa Aysgarth pa lamang sila at ito ay nakatira sa tree house, ni minsan ay hindi niya pa ito nakitang gumuhit. Bumangon tuloy ang kanyang kuryusidad sa kung ano ang iginuguhit nito….

Tila ba narinig siya at biglang itinigil nito ang pinagkakaabalahan. Tumingala ito at nagtama ang kanilang mga mata. Wala siyang emosyon na mabasa sa klase ng titig nito. Ni hindi man lamang ito kumukurap. Umiwas siya ng tingin at ibinaling niya ang atensyon sa pigura nito. Wala itong suot na pang-itaas at naka-board shorts lamang ito. Kitang-kita tuloy niya ang mas naglalakihang abs na dati ay tila wala naman doon. Maging ang mga bisig nito ay hindi na gaya ng dati. Naisip niyang maaaring may panahon na itong mas alagaan ang pangangatawan dahil sa gym na nasa palasyo…

Sa nakikitang tanawin ay hindi tuloy niya maiwasang balikan ang nakaraan… Isang gabi iyon na puno ng kaligayahan ngunit may kahalo ring pighati… Ang kanilang unang sayaw sa tree house, ang pintig lamang ng kanilang mga puso ang nagbibigay saliw sa bawat indak, ang liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa bugso ng kanilang mga damdamin…  At nang iginiya siya nito sa marupok nitong kama, tila ba naglaho ang lahat sa paligid at ang ritmo na lamang ng kanilang mga katawan ang tanging mahalaga… Ang mahigpit nitong hawak sa kanyang dalawang kamay na tila ba dito ito kumukuha ng panibagong lakas… At sa huli, bagama’t wala siyang nararamdamang pagsisisi ay pilit niyang gustong magalit… Gusto niyang sumigaw dahil naging mahina siya… Hinayaan niyang mamuno ang traydor niyang puso…

Bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang dalawang kamay na humawak sa kanyang bewang. Napangiti siya ng mapagtanto kung sino ito…

DJ: What are you thinkin’, baby?

Sa malalim niyang pag-iisip ay hindi tuloy niya namalayan na umalis na ito sa kinalulugaran kanina… Nagpakawala siya ng buntung-hininga bago humawak sa mga kamay nitong nasa bewang pa rin niya…

Kathryn: Nothing… Pagod lang siguro ako…

DJ: Really? Is it my imagination then that I saw you ogling my delectable body?

Napangiti siya…

Kathryn: Ha, ha… You wish! But yeah, it’s definitely just your imagination… Or maybe, you’re just having a fever and now you’re getting delirious…

Humarap siya dito at kunyari’y sinasapo ang noo kung may lagnat ba ito…

Kathryn: Yeah, I think it’s just the fever…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now