CHAPTER 31: Mine

18.2K 243 63
                                    

The past two weeks have passed by so fast lalo na at nagiging mas intense ang mga trainings nila. Napagkasunduan din nila ni DJ na mas maging maingat silang dalawa sa tunay nilang relasyon. Ipinagpatuloy nila ang dati nilang samahan, ito bilang prinsipe at siya bilang isa sa mga kalahok. They can no longer afford to take the risk knowing na nasa paligid lang ang ibang mga kalahok. Idagdag pa ang mga nagmamasid na jury for the upcoming tournament and guards all over the palace.

But DJ gave her a cellphone. Sinabi nito na lahat daw ng mga kalahok ay meron ng phone bago pa man sila pumasok sa tournament. It's a protocol that he gives his number to the 5 participants. But since she has no phone, she's the only one who has no contact to him. I guess that also answered the question on how Lavinia got his number. Pinamukha pa nito sa kanya na parang ito lang ang may access sa number ng prince. How pathetic.

Hindi man nila naipapakita ang tunay na relasyon sa iba, they can be able to express what they feel through texting and sometimes through call. Sa ganong paraan man lang ay nabibigyan siya ng inspirasyon para pagbutihin pang lalo ang pag-eensayo.

And yes, she also fails to mention that they sleep together on her room… every night. He jumps from his balcony and he seems to get better and better with the jump. He's like spiderman. Her very own gorgeous spiderman.

Magkatabi man sila sa pagtulog, hindi na rin nagpumilit si DJ sa gusto nitong mangyari. Nakukuntento na lamang ito sa pagyakap sa kanya. Nirespeto na rin nito ang kanyang desisyon regarding that issue. It's not that she doesn't want to. It's just that maybe she wants that to happen again after they got married. Another main reason why she really needs to win.

Sa kasalukuyan ay nasa maluwang na lobby siya ng palace. Another party is being held. This time ay mas exclusive ang dinner party. A few of the relatives are here, the closest friends of the royal family and there are no press people. Thank God for that.

Lahat ng tao sa bulwagan ay nakadamit ng pang-pormal. Everyone is acting with elegance, sophistication and class. Ilan sa mga katangian na pilit niyang pinagpapabuti. Pero sa suot niyang haltered little black dress na above-the-knee at 4-inch high-heeled red shoes, hindi kailanman mapaghahalata na isa siya sa mga dukha na galing sa maliit na bayan ng Aysgarth.

Habang napapaisip ay sakto namang dumako ang mga mata niya sa kanina pa hinihintay na prinsipe. His gorgeous looks take her breath away…

Nakasuot ito ng white long-sleeved polo shirt na itinupi ang manggas hanggang umabot sa taas ng siko. Mula sa kwelyo nito ay nakabalot ang black necktie na maluwag ang pagkakatali. But by the looks of it ay mukhang sinadya nitong gawin iyon. Bumaba naman ang tingin niya sa fitted black slacks nito na binagayan ng suot nitong black low cut nike shoes. With all the description, something might look wrong with his chosen outfit. But with his confidence and sex appeal, he actually makes it fashionably right.

His outfit makes him rebellious. Idagdag pa ang buhok nitong bahagyang basa mula sa pagligo at medyo magulo. Mukhang nagmamadali ito at wala ng time magblow-dry.

Dahan-dahan itong bumababa sa mahabang hagdanan at sinusuri ang buong bulwagan na tila ba may hinahanap. Hindi nagtagal ay dumako ang tingin nito sa kanya. Hindi niya mabasa ang emosyon nito. Bahagya itong yumuko na tila ba itinatago sa iba ang pagtitig sa kanya. This time, there's a hint of a naughty smile on his lips. Hindi pa nakuntento at sinabayan pa ng kindat. Sinuklian na lamang niya ito ng ngiti.

Queen Alicia: Oh! Finally, Prince Daniel has arrived! We could finally start our dinner now! Come here, child!

Binilisan na nito ang pagbaba sa hagdanan at lumapit sa ina sabay halik sa pisngi nito. Katabi ng reyna ang hari at may sinasabi ito kay DJ. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagiging late ng anak. Nakakunot naman si DJ at tila may ipinapaliwanag. Habang nagsasalita ay bahagya pa itong sumulyap sa kanya at agad din umiwas ng tingin.

A Fairytale's MishapDove le storie prendono vita. Scoprilo ora