Kabanata 4

4.3K 84 9
                                    

"This course has a strong foundation in theories, principles, and concepts that equip students with relevant technical and analytical skills necessary for financial decision-making, cognizant of the dynamic domestic and global business environments, and mindful of their role in nation-building."

Tahimik na tumitipa ako sa aking cellphone habang nagsasalita ang pangalawang prof ko ngayong umaga. Nagsimula na din kaya ang klase ni Portia ngayon? 

Unang araw pa lang, pero wala na akong maintindihan.

To: Portia

May klase na kayo?

Naiinip na ibinalik ko ang aking cellphone sa bag at ipinokus ang mata sa matandang babae na nakatayo sa harapan. Nakataas ang kilay nito sa amin habang nagsasalita at nakasuot ito ng itim na coat. Tahimik ang buong classroom kung nasaan ako. Ewan ko pero para yata kaming binibitay.

"I want your whole attention and participation this whole semester. I don't want unnecessary excuses and attendance is really important in my class. Kung ayaw niyong singko ang grado niyo. Is that clear? "

Hindi ako nakikinig at tumingin nalang sa labas ng bintana dahil nakaupo ako sa huling row malapit sa pintuan.

"Yes, Miss Lazaro." I heard my classmates say in chorus. 

Napahikab ako ng kaunti dahil pagod pa din ako. Masakit ang ulo ko ngayon dahil shift ko na naman kagabi sa club. Absent kasi si Trixie, kaya ako tuloy ang pumalit sa kaniya. May importanteng lakad yata.

"The girl in the back. Are you listening to me? "

Nakatingin pa din ako sa may bintana habang minamasahe ang aking sentido. Pucha kasi iyong si Cali. Sinabihan ko nang hindi ako iinom dahil first day ko ngayon. Mukhang may hangover pa ako. Punyemas.

Agad na napalingon ako sa kabilang gilid ng makaramdam ako ng malakas na paghampas sa aking braso. Gulat na napaayos ako ng upo ng makita ko ang salubong na kilay ni Miss Lazaro na nakatingin sa akin. Tangina.

"Why are you not listening? It's just the first day of class and yet you already showed no interest in this subject, Miss. "

"H-ho?" Parang tangang saad ko kaya mas lalo yatang dumilim ang mukha niya.

"Stand up."

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit niya ako patatayuin? Magre-recite ba ako? Tangina. Hindi ako nakinig.

"Y-yes, Ma'am."

"Correction, It's Miss Lazaro, Iha. Don't call me Ma'am. I'm not someone you know or are close to. Neither is a friend of yours. Address me that way. "

Nahihiya na nakatingin sa mga kaklase ko na nasa akin ang atensyon. Nakita ko pa ang iba na pinagtatawanan ako at iilang bulungan. Tangina. Ano bang pakialam ko sa kanila.

Nakatingin lang sa akin si Miss Lazaro na deretso ang itsura at seryoso. Pigil hininga naman ako at nanalangin sa isipan ko na sana ay alam ko ang sagot sa itatanong niya.

"Because you are not paying attention in my class, baka alam mo na siguro kung ano itong pinasok mo. Answer my question. " Naningkit ang mga mata nito sa akin at ipinagkrus ang braso sa kanyang dibdib. "What is the role of having our subject, Taxation and Public Finance, in your course? Define and explain it. Properly. "

Talagang nablangko ang utak ko dahil sa sinabi niya. Napahigpit ang kapit ko sa aking suot na ID sling at napayuko dahil sa hiya. First day pa lang, pero wala na akong masagot. 

Napapikit ako ng mariin at umiling. "I-I'm sorry, Miss Lazaro. I-I don't know po. "

Tahimik ang buong klase at ang mabigat na pagbuntong-hininga ng professor ko ang aking narinig. "College is far different from high school. You are not kids anymore and I don't intend to spoon feed you with the lessons I made. If you wanted to graduate, you had to work hard for it and.. " Nakita ko ang paghakbang niya papalapit sa kinatatayuan ko dahil sa kanyang sapatos. "Don't ever take my class for granted again. Understood? "

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Where stories live. Discover now