Kabanata 43

5.7K 117 33
                                    

PRESENT

"Bakit? Para naman ito sa atin. Hindi lang naman para sa sarili ko."

Umiiyak na usal ko at tumitig sa kanyang malamig na mga mata. Walang bahid ng emosyon ang mukha nito at nakita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga. Agad na hinawakan ko ang braso niya.

"Kung ipagpapatuloy mo ang gusto mo, pwes! Tapos na tayong dalawa!" Galit na saad ng lalaki sa akin at hinawi ang kamay ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at sunod-sunod ang aking pagluha. Umiling ako sa kaniya at ipinakita ang ekspresyon ko na nasasaktan.

"Palibhasa kasi, sarili mo lang iniisip mo! Paano naman iyong gusto ko?" Nanginginig ang mga labi na saad ko at matapang na tinitigan siya. 

Nakita ko ang pagbago ng ekpresyon ng mukha nito at iyon ay mas lalong bumangis.

"Huwag mo akong itulad sa'yo, hindi mo alam kung hanggang saan lang dapat ang pangarap mo! Masyadong mataas! Kaya unti-unti ka ng nagbabago. Hindi na ikaw iyong babaeng minahal ko noon. Masyado ka ng nagpabulag sa pangarap mo, eh anak ka lang naman ing isang bayaran-"

Malakas na sinampal ko siya at nagpupuyos sa galit na tiningnan. Tumulo ang luha sa aking mukha dala ng pighati at sa sobrang inis.

Dinuro ko siya. "W-wala kang karapatan na husgahan ako o ang nanay ko sa pinili naming buhay! H...Hindi ako katulad mo! Walang pangarap sa buhay! Masaya ako na naghiwalay na tayo!"

Hinawakan niya ng mariin ang braso ko. Agad na umakto ako na nasasaktan. "Hindi mo alam ang isinakripisyo ko para sa'yo, lahat ibinigay ko. I will never forgive you for using me!" Madiing sambit nito bago malakas na binitawan ako at agad na tumalikod ang lalaki.

Naglakad ito palayo sa akin at hindi na ako muling nilingon. Umiiyak na napahawak ako sa dibdib ko habang tinatanaw siya na naglalakad palayo sa akin.

"Gaya ng lahat ay kaya mo rin pala akong talikuran." 

Unti-unti na akong napaupo habang nakahawak ang kamay sa bibig upang hindi umalpas ang malalakas na hikbi sa aking mga labi.

"5....4.....3....2....1..... and CUT!"

Agad na tumayo ako at nagpunas ng luha. 

Nagpalakpakan ang mga crew at staff doon sa set. Masayang nginitian ako ng direktor na si Direk Pao at magiliw akong kinamayan.

Naman! Totoong mga luha iyan hindi katulad noong artistang kilala ko na kailangan pa ng vicks para maiyak.

"Perfect Cassandra! Tulad ng dati, masyado ka pa ding magaling sa pag-arte! Hindi mo talaga ako binibigo sa mga pelikula ko! Nakakadala ng emosyon!" Masayang bungad nito sa akin.

Ngumiti ako sa payat na direktor. "Ikaw talaga! Binobola mo na naman ako. "

Ngumiti ito sa akin at may tinawag sa kabilang dulo ng set. "Malou! Pakibigyan ng tubig si Cassandra pati si David." Luminga ito sa paligid. "Teka nasaan na ba iyon?"

Sabay na magiliw na naglakad kami papunta sa tent ko. Nandoon ang assistant ko na si Alice at ang manager ko na si Geo. Agad na tumayo ang lalaki at namulsa sa harapan ko.

"May product shoot ka sa Pasay, Olive. Bandang alas sais. "

Hindi ko naiwasan na mapabuntong-hininga at napahawak sa batok ko. Nakaramdam ako ng pagod dahil sa sunod-sunod na shoot ko sa araw na ito. Geo crammed it all into today's schedule.

"Hindi ba yan pwedeng ire-schedule?" Balak ko pa naman sanang mag-dinner kasama sina Sam at Dawn ngayon. Miss ko na sila. Wala na nga akong restday this month.

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon