Kabanata 18

2.9K 70 19
                                    

"BUMABA KA NA, CASSY. I'M GONNA TALK TO HIM PIVATELY. "

Kalmadong sambit ni Isaiah habang umiiling-iling sa tabi ko. Kinabahan ako nang mas lalong dumilim ang mga mata ni Valerius at kumurba ang mapangahas na ngisi sa kanyang labi. 

I heard a click sound, and Valerius immediately opened the door. Maingat na hinawakan niya ako at inilabas sa sasakyan. Ibinalik niya ang tingin kay Isaiah.

"I don't want to hear a word from you. Go home. " Mabigat na tugon nito at mahigpit na ipinagsaklop ang kamay namin. 

Anong meron sa kanilang dalawa?

Lumabas si Isaiah sa sasakyan niya at seryosong naglakad papalapit sa amin na madilim ang mukha. "I already told you to stop this insanity, Alcantara. You're making everyone's life a pain in the ass. We aren't here for this purpose! "

"Leave now," Valerius responded.

Isaiah looked at me. "You know what the consequences of your actions are, Alcantara, but you're still driving straight towards a pit. Malala ka na. Don't you think about what will happen to her kung ipagpapatuloy mo katarantaduhan mo-"

"Shut your mouth. " I noticed Valerius' jaw clenching as he spoke. " Leave before I'm going to break your face. "

"S-sandali... anong nangyayari sa inyo?" nagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa na nagsusukatan na ng tingin.

"Or maybe you can't let go of her because you are deprived of something that Cassy can give to you, right? I'm getting a whiff of mommy issues. " Isaiah muttered mockingly, his brows furrowed.

"Val!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ko dahil mabilis na hinablot ni Valerius ang suot na tshirt ni Isaiah na nakangisi lang. 

Bakas ang labis na galit sa mukha ni Val at umiigting ang kanyang panga. Nagsilabasan din ang ugat sa kanyang braso. Tangina! Ano ba ang problema ng dalawang to? 

Mariing hinawakan ko ang braso ni Val na nakahawak kay Isaiah para pigilan siya. " Val! Bitawan mo si Isaiah. Bakit ba kayo nag-aaway? "

Hindi ako pinakinggan ng lalaki bagkus ay nakatingin lang ng diretso kay Isaiah na nakangisi na parang wala lang sa kaniya ang nangyayari. Hindi siya natatakot pero ako ay labis na kinakabahan para sa kaniya.

"You fucking rascal, what did you just say to me?" Malakas na sigaw ni Valerius na nakapagpanginig sa akin. Natatakot ako sa mukha niya. Nakita ko din kasi kung paano kumuyom ang kamay niya. 

Agad na hinimas ko ang buhok ng lalaki para pakalmahin.  "V...Val, tama na please. Ihatid mo nalang ako pauwi." 

"You should listen to Cassy." "Humalakhak si Isaiah. "Why are you so pressed, fucker? You can't shoot me here. "

"One more word with that fucking tongue, Sanchez..." Napalunok ako nang sabihin 'yon ni Valerius. "Do you want to get buried, too?"

Napasinghap ako nang sabihin niya 'yon. "VAL! ANONG BURIED KA DIYAN! TARA NA NGA! TANGINA NIYONG DALAWA KANINA PA KAYO! MGA YAWA."

Parehas silang natigilan dahil sa sigaw ko. Naiinis na tiningnan ko si Isaiah saka buong lakas na sinabunutan ko siya. Nanggigigil ako! 

"Mag-iingat ka sa daan, hayop ka! Umalis ka na bilis! "

Binalingan ko agad si Valerius saka tinaasan ng kilay. "At ikaw, tabi! Uuwi akong mag- isa kung makikipag-away ka lang!"

Nakita kong napababa siya ng tingin saglit bago bumuntong hininga ng malakas. Nang ibalik na niya ang mata sa akin ay payapa na 'yon. Nakita kong dahan-dahan na tinanggal niya ang kapit sa t-shirt ni Isaiah.

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon