Kabanata 8

2.8K 72 8
                                    

"OKAY KA LANG?"

Untag ko sa lalaki na nakaupo sa kabilang swing. Hindi niya ako nilingon pero narinig ko ang mabigat na buntong-hininga niya. Akala ko ay hindi na ako nito sasagutin pero tumingin din siya kinalaunan sa akin.

"I'm okay."

"Weh? 'Di nga?" Diskumpyadong saad ko ng mahuli ko ang itim na mga mata niya. 

Tikom lang ang bibig niya habang nakatingin sa mukha ko. Umiwas nalang ako ng tingin at inilipat iyon sa harapan. Marahan kong iginalaw ang swing kung saan ako nakaupo. Nang maramdaman ko ang paggalaw nito, payapang ipinikit ko ang aking mga mata.

Parehas kaming napadpad dito sa isang parke malapit sa tinutuluyan niya. Hindi ko alam kung bakit pero nang mapadaan kami dito ay sinabihan ko siya na tumambay muna kami. Wala nang nagawa si Valerius nang hatakin ko ang jacket niya kanina para tumigil kami. Hindi naman siya nagrereklamo kaya mas ikinatuwa ko 'yon. Masunurin naman siya at pinabayaan lang ako.

Tahimik ang paligid dahil gabi na at mas lalong walang ibang tao na nandito sa may playground kundi kaming dalawa lang. Mas matatakot siguro ako kung may mga batang naglalaro pa dito ngayon dahil malapit nang mag alas onse ng gabi. Iniisip ko palang 'yon ay kinikilabutan na ako.

Nakangiting binuksan ko ang mga mata ko bago hinawakan ng mahigpit ang bakal ng swing. "Alam mo bang hindi pa ako ni minsan nakapaglaro sa isang playground? "I said this to make a small talk. Hindi kasi ako sanay na tahimik. Para akong nabibingi.

"Really?" Mababang boses na sagot niya sa tabi ko. 

Tumango ako pagkatapos ay tumingin sa madilim na ulap. Napasimangot ako ng makitang walang mga bituin doon. Iyon pa naman ang pinakagusto ko tuwing gabi. Napakaganda kasi nilang tingnan na nagkikislapan. 

"Oo... ni isang beses ay hindi ko 'yon naranasan. " Nilingon ko siya. Tumikhim ako bago pinasigla ang boses ko. "Alam mo ba kung bakit?"

Ang itim niyang mga mata ay deretsong nakatingin sa akin habang ang kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng suot niyang hoodie.  Nakita ko ang pag-iling niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko pero sinikap ko pa din na ngumiti. 

"I never had my childhood."

Nakita ko na kumunot ang noo niya. "What do you mean by that?"

Bumuntong-hininga ako ng malalim bago nagsalita. "Simula bata pa lang ako, kailangan ko nang magtrabaho para buhayin ang pamilya ng tiyahin ko."

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang dinarama ang pagdaan ng pait sa aking lalamunan. "Maaga kasi akong naulila. Parehas na nawala ang mga magulang ko sa isang aksidente. H-halos hindi ko na nga maalala ang mga mukha nilang dalawa."

Natahimik ako saglit nang uminit ang sulok ng mga mata ko. Tuwing naaalala ko 'yon ay sumasakit ang dibdib ko. Yumuko muna ako saglit para pakalmahin ang sarili ko. Tangina. Nakakahiya namang magdrama sa harapan ng crush ko. Ayokong umiyak kaso kusa kong nararamdaman 'yon.

"I'm listening..." rinig kong saad niya na siyang dahilan kung bakit napangiti ako ng kaunti. He's listening naman pala. Akala ko ay hindi siya interesado sa sinasabi ko.

Huminga ako ng malalim. "I'm an only child, pero dahil parehas na nawala ang mga magulang ko, naiwan akong mag-isa."

"Who took care of you?"

"Si Tiyang Merly. " Sagot ko sa kaniya. "Ang sabi niya ay walang gustong kumuha sa akin noong namatay ang mga magulang ko. Not even one on my father's side. Si Tiyang Merly kasi ang pinsan ng mama ko. Siya lang ang kumupkop sa akin."

Parehas na natahimik kaming dalawa matapos kong sabihin iyon. Kahit medyo mabigat ang pakiramdam ko ay komportable akong nagkukwento sa kaniya. 

"Halos mayayaman ang side ng papa ko, dahil may lahi silang amerikano, mga successful sa negosyo pero lahat sila ay hindi ako kinuha. " Tumingala ako saglit para damhin ang pagkirot ng dibdib ko. "Balak sana nila akong iwan sa ampunan no'n kaso pinili ni Tiyang na kunin ako. "

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Where stories live. Discover now