Kabanata 15

2.9K 83 25
                                    

"Miss Strom, I'm sorry, but your program has been terminated by the school administration. You are being expelled as a result of violating one of the school's rules of behavior, as outlined in the student handbook. It was a unified judgment made after proving your guilt based on the missing items discovered inside your locker."

"Di ba siya 'yong magnanakaw? Talaga nga naman. Taga- tondo daw 'yan."

"Ahh... kaya naman pala. Asal- skwater. Nakakahiya siya."

"How shameless... halatang galing nga doon, magnanakaw eh."

"Kapal ng mukha. Nakakadiri. Bakit ba 'yan natanggap dito?"

"Yan 'yong laging kasama ni Isaiah 'di ba? What? Pinatulan niya 'yang magnanakaw na 'yan?"

"Baka nangangailangan kaya kumakapit sa patalim. Hindi na nahiya."

"Nakita nga daw nila 'yang nagtatrabaho sa club. Halatang sanay sa kalakalan."

"Baka nga nagbebenta din 'yan ng laman."

NAPAKASAKIT. 

Masakit ang mga pinagsasabi nila tungkol sa akin. Mabilis na kumalat ang nangyari sa buong eskwelahan maging sa mga social media.  Akala ko ay makakaya ko agad na panindigan at tanggapin ang naging desisyon ko... pero napakahirap pala.

Lahat sila ay pinagpipyestahan ang mukha ko sa social media. Lahat ng mga panghuhusga ay nabasa ko na. Lahat ng pamamaliit at ang natitirang paniniwala ko sa aking sarili ay unti-unting nauupos dahil sa mga sinasabi nila. Kahit saan ako magpunta ay pinagtitinginan ako. Minamata nila ako. Nahusgahan na ang buong pagkatao ko.

Ang pinakamasakit para sa akin ay natanggal ako sa eskwelahan. Ang pangarap kong makapagtapos ng kolehiyo ay tuluyan nang nawala mula sa akin na parang bula. Ang lahat ng binubuo ko palang na pangarap para sa sarili ko ay nawasak. Nasira. Nawalan ng direksyon.

Umiiyak na bumaba ako sa jeep at naglakad sa makipot na looban habang yakap-yakap ang sarili ko. Halos masira ang suot kong uniporme saka masakit ang katawan ko dahil sa mga tulak at sampal na natanggap ko mula sa mga estudyanteng nawalan ng mga gamit pagkatapos kong lumuhod sa harapan nila. 

Galit na galit sila nang malaman nila na ako ang magnanakaw. Hindi na sila naawat ng gwardiya nang hilahin nila ako at pagkaguluhan. Hinayaan ko sila. Hindi ako lumaban. Pinanindigan ko. 

Iika-iika na naglakad ako palampas sa tindahan ni Aling Marites nang makita na pinagtitinginan nila ako. Base sa mukha nila at sa pinag-uumpukan nilang cellphone na hawak ng anak niyang ni Jeniffer ay mukhang alam ko na. Marahil ay nakita na nila.

"Cassandra, totoo bang nagnakaw ka sa eskwelahan niyo? Hindi ka lang ba nahiya? Nakita namin ang mukha mo sa facebook!"

Nakita kong malakas na tumawa si Aling Pasing  na katabi niya at tiningnan ang suot ko. " Hindi lang pala sa pagkekerengkeng magaling, magnanakaw din pala. "

"Yan ang  talaga ang mangyayari kapag lumaki kang walang mga magulang! Napapariwara ang buhay mo tapos wala ka pang delikadeza at respeto! " Umiiling na saad ng isang matanda na kasama nila sa tindahan. 

Tumawa sila ng malakas pero yumuko lang ako. Hindi ko naiwasang mag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa panlalait nila. Dali-daling naglakad ako para makauwi na agad sa amin. Batid kong alam na ng lahat dito sa amin ang nangyari dahil ipinost ako sa facebook noong nagmamay-ari ng gintong relos na nanakaw. 

Pinalis ko ang luha sa mata ko at inayos saglit ang suot kong uniporme na natanggal ang iilang butones. Hindi pwedeng makita ako ni Tiyang na ganito. Siguradong magtatanong siya. Sinikap kong ayusin ang magulo kong buhok gamit ang aking mga kamay. 

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon