Kabanata 36

4.4K 77 5
                                    

"CASSANDRA, NAMUMUTLA KA. "

Nalipat ang tingin ko mula sa baso papunta kay Vonn na nasa tabi ko. I took a deep breath and then shook my head.

"W-wala 'to... Kinakabahan lang siguro."

Nakita ko na parang hindi siya kumbinsido pero hindi na siya nagkomento pa. Kakatapos lang namin mag-breakfast at halos hindi ko malunok man lang ang pagkain dahil sa sobrang kaba. Kanina pa ako napapatingin sa entrance ng hotel na makikita mula dito sa dining hall. Bawat tao na pumapasok mula doon ay nahihigit ko ang paghinga ko.

Ano ba kasing nakain ni Val at pupunta siya rito?! May personal matters pang nalalaman. Kanina ko pa siya tinetext kung saang parte ng La Union siya papunta pero hindi na ako nire-replyan!

"Wow, Vonn, I had no idea that pictures would help so much with the film's promotion! Viral kayong dalawa ni Olive sa mga social media. Sabi ni Patrick, may mga tumawag daw para bigyan ng offers kayong dalawa eh hindi pa nga nailalabas ang unang pelikula niyo na magkasama. May mga naka-line up na agad!"

Malakas na pumalakpak ang mga staff kasama na doon si Direk Kathryn na masayang nakatingin sa amin ni Vonn. I forced myself to smile while my eyes were still fixed on the entrance of the hotel.

"Olive, you should have your manager now as well para if may projects ka, may mag-aayos ng schedules mo. What do you think? "

Kiming tumango ako kay Direk Kath. " Kayo po ang bahala direk. I'll just go by what you decide po. "

Nakita ko ang pagtango niya bago nagsalita. "I really like you. Masyado kang masunurin sa mga gusto ko. Madaling katrabaho."

They started to have conversations about the pictures all over social media of Vonn and me. I didn't listen. I was busy thinking about Valerius going here to La Union. 

Well, sa tagal naming hindi nakakapag-usap ng maayos ay nakakapagtaka naman talaga. 

I excused myself to go to the bathroom and compose my thoughts. Hindi kasi talaga ako mapakali ngayon. I mean, malaki naman ang La Union 'di ba? Right. Imposible naman na dito siya pupunta. 

Napabuga ako ng hangin bago inayos ang aking suot na white backless top at black shorts bago nakangiting lumabas ng banyo. Kasalukuyang inaayos ko ang pagkakabuhol ng tali ng suot kong backless sa bewang ko nang may nabunggo akong tao habang naglalakad papalabas. 

Nanlaki ang mata ko nang malapit siyang matumba, mabuti nalang ay agad na nahawakan ko ang braso ng babae at nahila.

" H-hala! Sorry po." Agad na sambit ko habang nakatingin sa babaeng nakasuot ng pulang fitted dress. 

Nakita ko ang pagbakas ng disgusto sa mukha nito bago pabalang na tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Ang kanyang buhok ay itim, hanggang balikat at kulot sa ibaba. Nakasuot din siya ng itim na sunglasses. 

"Watch where you are going, kid." Mariing sambit nito habang masama ang tingin sa akin. Napayuko ako ulit bago nagsalita. 

Kid? Do I look like a kid? "Sorry po talaga. Hindi ko kayo n-nakita-"

"Tatanga-tanga kasi. Out of my way!" Itinulak niya ako kaya napatabi ako sa daan.

Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa banyo. 

Wow!

Nag-sorry na nga ako, ang attitude ha! Siya naman ang nagte-text habang naglalakad eh! 

I just sighed heavily. I don't want her to ruin my day. Today was our last day in Elyu. Last shoot nalang mamaya sa dalampasigan and some landscape shots. I will surely miss this place. Babalikan ko 'to sa susunod. 

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon