Kabanata 25

3.1K 54 10
                                    

NANGINIG ANG BUONG KATAWAN KO.

Fear begins to sneak into my mind. My hands were on my lips when I collapsed to the floor.  

Bumuhos ang mga masaganang luha sa aking mga mata kasabay ng pagsakit ng aking dibdib. Para iyong pinupunit ng ilang libong beses. Hindi ako makahinga. 

"H-hindi... Hindi pwede... " nanginginig na usal ko habang ang mga mata ay nakapaskil sa telebisyon. Kita roon ang mga bahay na pamilyar sa akin. 

Nakita ko kung gaano kakapal ang usok. Nakita ko ang pag-iyak ng mga kapitbahay namin. 

Nanlaki ang aking mga mata nang may biglang umagaw ng mikropono na hawak ng reporter... Sumisigaw ang ginang . Kilala ko iyon... Si Aling Marites... Umiiyak ito habang itinuturo sa likuran ang mga kabahayan na kasalukuyang inaapula ng iilang mga bombero. Napakalaki ng apoy at maitim ang ibinubuga nitong usok sa paligid.

Nanginig ang mga labi ko. 

S-sila Tiyang Merly... Sina Joyce at Axel.

"Hindi pwede..." tulirong usal ko at agad na napatayo. 

Kailangan ko silang puntahan. Kailangan nila ako. Diyos ko... 

Kailangan ko pa sila. 

Kahit ilang beses man nila ako ipagtulakan palayo ay sila pa rin ang natitirang meron ako. Sila nalang ang pamilyang naiwan sa akin. Hindi pwede na maging sila ay... kukunin din sa akin. 

Nakarinig ako ng malakas na pagsinghap kaya agad na bumaling ang mga mata ko sa kabilang direksyon. Hindi ko na napigilan pa ang mga hikbi sa mga labi ko nang makita ang nanlalaki niyang mga mata habang nakatingin sa screen ng TV. 

Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ay parehas na emosyon ang naroon... takot.

"P-portia..."    

Nanlalaki ang mga mata niya na humakbang papunta sa akin at agad na hinila ang braso ko. Ilang beses siyang umungol ng malakas habang tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. 

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya pero nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. I grabbed her arms and pulled her up.

"Portia! A-anong ginagawa mo?! B-bakit ka lumuluhod!"

 When her body began to quiver as she cried, an array of feelings began to flood over my body.  Ilang beses siyang umungol ng malakas bago mahigpit na kumapit sa binti ko. I was both perplexed and terrified by what was going on. 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. 

Basta ang nasa isipan ko lang sa mga oras na ito ay kailangan kong puntahan sina Tiyang Merly. Kailangan kong pumunta sa Tondo!

Pinilit ko siyang patayuin pero marahas na umiling siya sa akin habang mahigpit na nakakapit sa binti ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa siya nagkakaganito. Ngayon pa na kailangan din ako ng pamilya ko!

Hindi ko napigilang magalit dahil sa inaakto niya. 

"ANO BA! BITAWAN MO AKO! KAILANGAN KONG PUNTAHAN ANG PAMILYA KO!" 

Umaagos ang mga luha sa kanyang pisngi habang tinitingala ako. Mahigpit ang kapit niya sa paa ko na pilit kong inaalis gamit ang buong lakas ko. Ayaw niya akong pakawalan.

Sa inaakto niyang ito ay mukhang ayaw niya akong paalisin!

"Ano ba! Pakawalan mo ako! Ano na naman ba ito!? K-kailangan ko silang makita... please... pakawalan mo ako..." Mariing sambit ko habang pilit na itinutulak siya paalis sa akin.

Kita ko ang takot na bumakas sa mukha niya at ilang beses siyang marahas na umiling. 

"Uhh...ugghmm...ughh!" Paulit-ulit na ungol niya hindi ko maintindihan. 

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon