Kabanata 34

4.3K 85 1
                                    


" CASSANDRA."

Napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses niya sa likuran ko. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib habang pumipikit ng mariin. Fuck. 

I composed myself before turning to face Vonn, who was directly looking at me. Nakatitig na ito sa mukha ko ngayon habang malamlam ang mga mata. 

Sobrang tagal na pala nang huli naming pagkikita. Hindi ko inaasahan na sa una ko pang pelikula. 

Nanginig ang labi ko nang maliit na ngumiti siya. Huminga ako ng malalim. 

" Von..." 

Nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya matapos kong iusal ang kanyang pangalan. Naiiling na napayuko siya saglit bago sumandal ulit sa pader habang nakapamulsa. A flashback flashed across my thoughts as I stared at him.

Naaalala ko pa kung gaano namin kamahal ang isa't isa noon. We've been inseparable, and he's always reassured me that things would get better in time, even when life was difficult. Mapait na napangiti ako. Totoo nga ang sinabi niya. His life turned to be quite different from mine. 

Nauna niyang makamtan ang matagal ko nang pinapangarap, masyado na siyang mataas hindi tulad sa akin na nagsisimula pa lang. 

It's surprising how easily time passes. Parehas lang kaming nangangarap noon na gustong makaalis sa mahirap na buhay sa Tondo. However, one has already fulfilled his lifelong ambition, whilst I am just getting started on mine.

Huminga ako ng malalim bago ibinalik ang aking mata sa kalangitan. We're the only ones left in this place. Others had already gone their separate ways. 

Madilim na ang ulap at maliwanag ang buwan. I smiled when I saw the stars sparkling in the night sky.  Sobrang ganda talaga ng mga bituin. I can feel at ease just by gazing at them.

" You look like a star that was always shining."

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang sabihin niya iyon. I know I've moved on from him, but the memories we shared were bittersweet. Maraming panghihinayang, maraming sakit... maraming pangarap na hindi natuloy. 

I let out a sigh. " Lagi mo iyang sinasabi sa akin noon." Mahinang usal ko at nanatili ang mga mata sa kalangitan. 

I heard him chuckle softly and heard his footsteps approaching from behind. Sumandal siya sa railing ng veranda at ramdam ko ang paglingon niya sa akin. 

" Hanggang ngayon, totoo pa din ang mga salitang 'yon, Cassandra. Walang nagbago."

Tiningnan ko siya. " Tayo ang nagbago, Vonn. "

Natigilan siya nang sabihin ko iyon. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin pero nagpatuloy ako. 

"Nagbago man tayo, however, we grow into a version of ourselves that we had no idea we would become. " I stopped. "We're also on our path to our dreams." 

" I'm happy that you're starting your dream now, Cassandra. No one's holding you back anymore." 

I locked my gaze on him. " Masaya din ako para sa'yo. "

Pareho kaming natahimik habang pinapakiramdaman ang paligid. We just stayed there for a couple of minutes before I was the one who walked away first without saying anything. 

I might feel uncomfortable right now with him, but maybe soon I'll get used to it. I need to be professional and do my best all throughout the making of the film.

Napahinto ako sa pagpara ng taxi nang marinig ang malakas na ringtone ng aking cellphone. Agad na kumunot ang noo ko nang makitang si Isaiah iyon. Bakit naman siya tatawag sa akin?

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin