Kabanata 5

3.1K 73 8
                                    

"KAIBIGAN KO SIYA, CASSY."

 Usal ni Isaiah na nakangiti. Tumango ako at mas lumapit ng bahagya para mapagmasdan ng malapitan ang kanyang mukha.

Para akong nahihipnotismo dahil titig na titig ang lalaki sa akin. Hindi ko alam, pero kinikilig ako! Alam kong gwapo ang ex-boyfriend ko dati pero pucha, mas gwapo pa yata 'to!

 Siya iyong lalaki na nasa larawan ng pitaka na nanakaw ni Portia! Natatandaan ko!

Katulad na katulad niya ang larawan na nasa loob ng pitaka niya, ngunit mas gwapo pala talaga ito sa personal! 

His thick eyebrows were neat, his lashes were quite long and his cloaked black eyes were darting towards mine. Kahit naalis na ang maliit na ngiti sa mga labi ng lalaki ay hindi pa din ito nakakabawas sa tinataglay niyang kagwapuhan. Mga ganitong lalaki, super jowable!

Medyo na dismaya lang ako ng kaunti ng binitawan na nito ang kamay ko at tumingin kay Isaiah.

"Sanchez, have you seen George?"

Namulsa si Valerius sa harapan ko habang ako ay nakatingala pa din sa kaniya. Shet. Ang gwapo talaga.

Luminga naman si Isaiah sa paligid bago tinapik ang lalaki sa balikat. 

"Your lady is right there,"

Napahinto ako sa pagtitig sa lalaki matapos marinig ang sinabi ni Isaiah. Nakita ko na tumingin agad si Valerius sa likuran ko. Sinundan ko ito ng tingin at napaawang ang labi ko ng nay makita akong babae na nakasuot ng pink na two-piece na mukhang mahinhin. Her hair was tied into a messy bun and she had a small face. Para siyang barbie.

Napatabi ako sa daan ng naglakad ang lalaki palampas sa akin. Nakita kong papunta ito sa direksyon ng babae na iyon na nakangiti na.

"Jo!" Rinig kong tawag ni Valerius bago ipinalibot ang kanyang kamay sa bewang ng babae. 

Napaiwas ako ng tingin dahil doon. Ngumiwi ako. Ekis. May jowa na. Sayang. 

Narinig ko ang biglang pagtawa ni Isaiah na nasa gilid ko. "Why are you making faces?"

Natatawang umiling ako kahit nakaramdam ako ng malaking pagkadismaya. "Ganoon talaga kapag maganda, Pare."

***

The night went well, kahit makailang ulit akong napapasulyap sa direksyon ni Valerius. Hindi ko alam, pero kahit nagtatawanan naman kami nina Isaiah at iilan niyang mga kaibigan, ngunit napapatingin ako sa direksyon ng lalaki. He was smiling and staring at the woman next to him, as if admiring her wasn't enough.

Dumako ang mga mata ko sa babae na umiinom ng wine bago hinaplos ang mukha ng lalaki. Nakaramdam ako ng inggit at umiwas nalang ng tingin sa kanila.

Nakilala ko ang babae kanina. She was George Lixiana Rodriguez, but they called her Jo. She was beautiful, aaminin ko.She has a lovely face and a modest demeanor. Prim and proper, iyong ganoon.

Parang iyong hindi makabasag pinggan at mukhang mabait. Aaminin kong nainsecure ako saglit dahil mahinhin ang babae at maging ang tumawa ay binibini tingnan. Tinatakpan kasi nito ang bibig tuwing may ibinubulong si Valerius sa kaniya.

Ganoon talaga siguro ang mga tipo ni Valerius, mga mababait at hindi maka-basag pinggan. Malayong-malayo sa personalidad ko na maingay, pakawala at higit sa lahat, hindi ako mahinhin.

Nagpakawala ako ng malakas na buntong- hininga at nilagok ang hawak kong wine. Uuwi na ako pagkatapos nito. Maaga pa ang pasok ko bukas.

"Portia, uwi na tayo." Mahinang saad ko sa babae habang ibinababa ang kopita ng wine sa mesa. Inayos ko ang pagkakabuhol ng manipis na cover up. Ayoko nang magtagal pa dito.

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Where stories live. Discover now