Kabanata 29

4.4K 84 20
                                    

"WHY ARE YOU HIDING LIKE AN IDIOT?"

Kinakabahang lumilingon-lingon ako sa paligid para tingnan kung narito ang lalaking iniiwasan ko. Nang makita na wala siya sa paligid ay pasimpleng inayos ko ang aking nagulong buhok na itinakip ko kanina sa aking buong mukha na parang wala lang. 

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sam dahil sa malamang ay alam na niya ang pinanggagawa ko.

"You look like a huge idiot right now. Don't you know that? "

Dumikit ako sa babae at mahinang bumulong. " W-wala naman siguro siya today, ano?"

Hindi niya ako pinansin at biglang ipinatong sa kamay ko ang box ng mga decorations. Napasimangot nalang ako dahil doon. 

Ito talagang si Sam! Ang simple ng tanong pero ayaw sagutin.

Naglakad siya paalis pero ilang ulit na sinusundan-sundan ko lang siya. Gusto ko kasi talagang malaman kung wala ngayon ang lalaki. Ayokong makaramdam ulit ng awkwardness tulad ng mga nagdaang araw na pagvo-volunteer ko.

 Hindi kasi ako makagalaw at makatulong ng maayos kapag nandiyan siya. Feel ko kasi na sinusundan niya ako dahil kung nasaan ako ay nakabuntot din siya. Talagang iniiwasan ko na magtagpo ang mga mata namin!

"Sam! Hoy! Pupunta ba siya dito ngayon o hindi? Ikaw lang ba ang magbabantay sa amin ngayon? Sam!" Ilang ulit na sambit ko habang bumubuntot sa babae na napahinto saka nilingon ako.

"Aray ko! Ang sama ng ugali mo!" Reklamo ko sa kaniya dahil malakas na pinitik niya ako sa noo. Seryosong tinapunan niya ako ng tingin bago ikinumpas ang kamay sa ere.

" Umalis ka sa harapan ko. Tumulong ka doon sa pag-aayos ng decorations. Hindi puro siya ang bukambigbig mo!'

Pinaningkitan ko siya ng mata at dinilaan. "Madapa ka sana!"

Nagdadabog na tinalikuran ko na si Sam at naglakad papunta sa harapan ng function hall kung saan naroon ang mini stage saka ang ibang decorations. Dahil gabi gaganapin ang party ay naisipan nila na starry night ang theme. Hindi naman formal attire at napag-usapan na casual lang. 

Pinagmasdan ko ang mga dekorasyon sa harapan ko at determinadong tiningnan ang mga iyon. Lumingon muli ako sa paligid bago napahinga ng maluwag habang nakahawak sa aking dibdib. Mukhang wala siya ngayon. 

Mas mabuti! I can truly commit myself to working today! Hindi tulad noong mga nakaraang araw na para lang kaming naglalaro ng hide and seek ng lalaki! 

Itinaas ko ang aking buhok at itinali ito ng maayos bago kinuha ang mga lettering na ilalagay ko sa dingding ng entablado. Napangiti ako nang makita na may hagdan na doon kung saan pwedeng pumatong para maabot ang itaas na bahagi  kung saan ididikit ang mga letra.

Masayang binitbit ko ang karton na naglalaman ng mga dekorasyon at inilapag muna iyon sa sahig. Nag-inat muna ako bago kinuha ang dalawang letra saka sumampa sa hagdan.  Maingat na inilagay ko ang mga letra,  siniguro na pantay at maayos ang pagkakalagay niyon. Dapat presentable dahil nasa stage. 

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang iginugol ko sa paglalagay doon. Napatigil lang ako sa pagdidikit nang may kumalabit sa likuran ko habang nakapatong ako sa hagdan. Nakita ko si Sam na nakatingala sa akin habang may bitbit na bimpo. 

Nakangiting kinuha ko iyon nang iabot niya sa akin. Tinitigan ko si Sam habang seryosong nakatingin sa hagdan na inaapakan ko. Kahit medyo tahimik at seryoso ang babaeng ito, napaka-maalaga niya sa amin ni Dawn. 

" Break time daw muna. Mamaya na 'yan. Let's have our snacks, Oli. "

Pinunasan ko ang namuong pawis sa aking leeg at noo bago tiningnan ang box sa baba. May natitira pa doon. Ibinalik ko ang tingin sa babae. Medyo pinagpawisan kasi ako dahil hindi naka-on ang aircon ngayon sa function hall. Binubuksan lamang ito kapag araw na ng activity o event. 

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Kde žijí příběhy. Začni objevovat