Kabanata 21

3.3K 77 14
                                    

I'VE NEVER SEEN A MAN AS CARING AND KIND AS HIM.

He had prepared breakfast for me. Malakas na katok ang gumising sa akin at pagbukas ko ng pintuan ay ang mabangong amoy ng pagkain ang bumungad sa akin na dala ng gwapo at preskong si Valerius. 

Hindi ko tuloy alam kung kanino ako maglalaway: sa dala niya bang pagkain o sa lalaking nakaplain white shirt na bakat ang dibdib at nakafitted black pants. Yummy!

Sa dala niyang tray ay may sunny side up egg, bacon, fresh orange juice saka sinangag na kanin. Dahil hindi naman ako masyadong morning person,  sinubuan niya ako ng pagkain dahil napapapikit pa ako sa antok. Hindi kasi ako nasanay sa malamig na klima ng Baguio. 

Sobra talagang nakakaantok ang lamig. Mabuti sana kung may ka-cuddle ako kaso wala. Hindi kami magkatabi natulog.

Magkatabi lang ang kwarto namin. Ni ayaw nga niyang pumasok sa loob sa hindi ko malaman na dahilan. Before he moved to the other room, he kissed me on the forehead and rubbed my nape. 

Aaminin ko. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na emosyon dahil doon.

Niyaya niya ako ngayong araw na mamasyal. Excited na nagbihis ako ng ibinili niya sa aking mga damit sa bayan na hindi ko man lang namalayan. Maaga pala siyang umalis para bilhan ako. Simpleng white blouse 'yon saka makapal na pantalon na halatang branded dahil may tag pa. Nang maghanap ako ng jacket na isusuot ay iyong sa kaniya ang inabot niya sa akin. Mas mabuti daw 'yon para hindi ako lamigin. 

Isinuot ko ang ibinigay niyang gray hoodie jacket samantalang ang suot niya ay itim. 

Napailing nalang ako sa lalaki habang tinatanaw siya ngayon na isinusuot sa akin ang bagong sapatos ko. Nakaluhod ang isang paa nito sa sahig habang nagsisintas.

"Bali, okay pa naman ang sapatos ko kahapon. Magagamit ko pa naman."

Wala akong narinig sa kaniya. Nang matapos niya ang kanan ay isinuot niya sa kaliwang paa ko ang bagong puting nike na sapatos. 

"Is this all right? Is it not too tight, star?" he asked, his gaze fixed on my foot. He was checking it to see if it was perfectly suitable for me.

Napangiti ako at hinimas nalang ang kulot na buhok niya. Mabango iyon dahil bagong ligo lang siya. Ang matapang ngunit ang mabango niyang amoy ay nasisinghot ko.  Wala na talaga akong magagawa sa pagiging makulit niya. 

"Okay lang. Kasyang-kasya naman sa akin."

Maingat na ibinuhol niya muli ang sintas at swabeng ni-ribbon. Natawa pa ako ng dalawang beses niya 'yong ginawa. Para siguro ay hindi ako matipalo sa sariling sintas dahil mahaba 'yon. Maliit lang kasi ang biyas ko kumpara sa kaniya. 

"It's done..." He said this as he stood up. 

Napatingala naman ako agad sa matangkad na lalaki saka malaking ngumisi. He flashed me a soft smile, and I felt his big hand grab mine right away. His hand was warm. The heat from his palm is radiating towards mine.

"All right, star, let's go. We'll go wherever you want." Mababa na boses na usal nito sa akin bago hinila na ako palapit sa kaniya. Napatalon ako sa tuwa.

"Sure ba 'yan?! Walang joke time?"

He pinched my nose with a small chuckle. Tinampal ko agad ang kamay niya. 

"Of course, anything you want."

Excited na nauna na akong humakbang at agad na hinila ang kamay niya para tuluyang makalabas sa Villa. "Okay! Tara lets!"

****

"Ay! Bali! Ano ba 'yan! Ang lamya naman! "

 Reklamo ko habang nakatingin sa lalaki na salubong na ang kilay ngayon. Hindi ito lumingon sa akin bagkus ay nakatuon ang buong atensyon sa pagsasagwan. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang maugat na braso saka lihim na napangiti.

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon