Kabanata 7

3K 81 22
                                    

Kinuha ko ang pulang lipstick na ibinigay sa akin ni Portia at inilagay 'yon sa labi ko. Maingat na tinanggal ko ang sumobra gamit ang tissue pagkatapos ay inayos ang pagkakabuhol ng tali sa nakaponytail ko na buhok. Hinawi ko ang maliliit na babyhair na tumatabing sa noo ko at ngumiti sa harapan ng salamin.

"Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay na sambit ni Tiyang Merly nang makita ako nito na nakatayo sa sala. Agad na itinago ko ang lipstick sa loob ng bag ko at ngumiti sa kaniya.

"S-sa raket po. Uuwi din ako mamaya, Tiyang."

Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakasimangot. "Eh, bakit putok na putok 'yang labi mo? Raket o kalandian? "

Ipinaskil ko ang malaking ngiti sa mga labi ko at hindi pinansin ang sinabi niya. Naglakad ako papalapit at dumukot ng limang daan sa aking maliit na pitaka saka inilagay 'yon sa palad niya. 

"Hindi nga po, Tiyang. Promise po. Raket 'to."

Hindi na siya umimik bagkus ay tuwang-tuwa na ibinulsa ang pera na ibinigay ko sa kaniya at agad na lumabas ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako ng malakas bago kinuha ang totebag ko kung nasaan ang mga bookbind at handouts ko sa business law.

Masayang inayos ko ang aking pulang checkered na palda na hanggang kalahati ng hita ko at ang puting off shoulder blouse na ibinili sa akin ni Portia dati. Pinagpagan ko sandali ang bagong sapatos ko bago nakangiting lumabas sa barong-barong.

Excited na kinuha ko ang aking cellphone at agad na tumipa doon para itext si Isaiah. Sabi kasi nito ay ihahatid niya ako ngayon kay Valerius. Pumayag daw ang lalaki na tulungan ako sa business law. Halos hindi ako makatulog kagabi nang sabihin niya 'yon. Akala ko nga hindi papayag ang lalaki.

Naglalakad ako habang tumitipa nang marinig ko na naman ang boses ni Aling Pasing na nakatambay sa may tindahan. Tinatanghalian yata ng mga matatandang 'to ang mga tsismis.

"Oh, kita mo! Ang ikli ng suot! Nako! Mabubuntis 'yan ng maaga."

Hindi ko nalang 'yon pinansin dahil ayokong masira ang araw ko. Makikita ko pa naman si Valerius ngayon. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang iaakto ko sa lalaki. Laking pasasalamat ko sa kaniya dahil nagkaroon ako ng allowance dahil sa isang libo niya.

Naglakad ako hanggang sa may kanto banda sa may poste nang may makita akong magarang sasakyan na nakaparada doon. Napatingin ako ulit sa cellphone ko nang mahinang nag-ring iyon.

From: Pareng Isaiah

I see you. I'm sitting in my car.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensahe ng lalaki at agad na naglakad papunta sa nakaparada na sasakyan. Malakas na kinatok ko ang bintana at nang bumaba 'yon ay ang nakangiting mukha ni Isaiah ang agad na nakita ko. Nakasuot siya ng plain white shirt at ang kanyang kamay ay nasa steering wheel ng sasakyan. 

"Goodafternoon, Cassandra!" bati nito sa mababang boses at kinindatan ako.

Agad na napatingin ako sa paligid nang makita na nagkanda-haba na naman ang leeg ng mga tsismosa dito sa amin. Nahuli ko pa sina Aling Pasing at Aling Marites na nakatingin sa direksyon ko. Nagbubulungan na naman ang mga hinayupak. Napapikit ako ng bahagya dahil doon at inis na hinampas si Isaiah sa braso na ikinatawa niya lang.

"Gago! Di'ba sabi ko sa may 7 eleven mo ako sunduin? Magiging pulutan ka ng mga tao dito!" inis na saad ko sa lalaki na tumatawa lang ngayon sa harapan ko.

Tumingin siya saglit sa labas at umiling. " Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng mga 'yan. " Bumalik ang tingin nito sa akin. "Let's go! Ililibre nalang kita ng pagkain. Don't be upset any more."

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt