Kabanata 22

3.1K 69 19
                                    

DISYEMBRE 25. ARAW NG PASKO.

Katulad ng mga pasko na dumaan sa buhay ko, lagi akong mag-isa at tahimik na nakatanaw sa kanila mula sa malayo na masayang kumakain sa labas ng barong-barong. 

Masayang nagtatawanan sila kasama ang mga tsismosang kapitbahay namin.

Pumatak ang butil ng luha sa pisngi ko at napangiti ako ng mapait. Paskong-pasko ay nagdad-drama ako. Para akong sira. Parang hindi na nasanay.

Tumalikod ako nang mapalingon sa direksyon ko si Axel. Pilit na itinago ko ang aking sarili sa malaking pader upang hindi niya ako matanaw. Ang sabi ko kasi sa kaniya ay aalis na ako agad pero heto at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatanaw sa kanila.

"Are you okay?"

Tumingala ako kay Valerius na nag-aalalang nakatingin sa akin. Katulad ko ay nakasuot siya ng itim na sumbrero saka simpleng itim na t-shirt at nakapantalon. Maliit na tumango ako bago umiwas ng tingin. Pilit na tinatagan ko ang aking loob. Pasko ngayon at hindi semana santa. 

Bawal ang iyakan.

Tumikhim ako bago pinasigla ang aking boses. "Oo naman. Masaya ako na masaya sila, Bali. K-kung nakita mo lang ang ngiti ni tiyang sa ipinadala mong lechon baboy!"

Hindi siya nagsalita at pilit na hinuli ang mga mata ko. Napabuntong- hininga nalang ako ng malakas at inabot ang braso niya.

"B-bali, okay nga lang ako... Ano ka ba." Mahinang usal ko sa lalaki na humigpit ang hawak sa kamay ko.

Tumitig siya sa mga mata ko. "You're crying."

"Bal..." Tulalang saad ko.

He sighed and put his hand on my nape. "Come a little closer."

Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak nang hapitin niya ako ng mahigpit na yakap. Sumigid ang sakit at kirot sa dibdib ko. Nasasaktan ako na makitang kaya naman pala nilang maging masaya na wala ako.

Nanatili sa aking isipan ang malakas na mga tawa ni Tiyang habang magiliw nitong nilalagyan ng pagkain si Joyce na kahit nakasimangot ay mahal pa din ni Tiyang. Nasaktan ako nang makita ang pagmamahal na ipinapadama ni Tiyang Merly sa mga pinsan ko. Niyayakap niya pa ito ng mahigpit.

"Shh... I'm here," he murmured softly on my ears, making me sob even more. Hindi ko na napigilan na yakapin siya pabalik.

Bakit ba nag-eexpect pa din ako kay Tiyang? Eh sa ilang taon kong pananatili sa kanila ni minsan ay hindi niya man lang ako nayakap katulad ng ginagawa niya sa mga pinsan ko. 

Malas. Ako ang itinuturing niya na malas sa buhay niya. Ako lang naman ang pilit na nagsusumiksik sa buhay nila.

Tiningala ko si Valerius na tahimik na niyayakap ako. Puno ng emosyon ang mga mata niya kait seryoso lang itong nakatanaw sa akin.

Siya. Siya lang naman ang nandiyan para sa akin. Siya lang naman ang kusang nagbibigay ng yakap sa akin. Hindi niya ako iniwan simula noong mag-isa nalang ako.

"B-bali, pamilya din naman nila a-ako 'di ba? Bakit ganoon si Tiyang?" Umiiyak na sambit ko habang patuloy ang aking pagluha. "Ni minsan ay hindi niya man lang ako niyakap at hinalikan tuwing pasko. Naiinggit ako."

Magaang hinimas niya ang aking likuran bago ako dahan- dahang pinakawalan. May maliit na ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha bago pinalis ang luha sa magkabilaang pisngi ko.

"Kung ayaw nila," He locked his gaze on me. " Ako ang magiging pamilya mo."

Nagulat ako ng sabihin niya iyon. Hindi ako makapagsalita habang nakatingala sa kaniya. Nakatitig lang ako sa magandang uri na mga mata ni Valerius.

GONE AFFLICTED (Gone Series 2: Olive Cassandra Strom)Where stories live. Discover now