EP 21 - SLEEPING BEAUTY

3.4K 154 7
                                    

MATAGAL na tinitigan ni Jayvion ang kesame ng kaniyang silid matapos niyang bigyan ng halik sa noo ang kaniyang anak. Mag-isang oras na siyang nakahiga sa malambot niyang kama pero ang kaniyang utak ay lumilipad. Hindi ito matahimik. Wala sa Hospital ang kaniyang isipan, wala rin sa trabaho.

Napabuntong-hinga siya. Tumayo at nagtungo sa terasa ng kaniyang bahay. Ilang oras lang ay sisikat na ang araw pero at hindi siya magawang dalawin ng antok para makapagpahinga. Tila mapagbirong bumalik ang kaniyang utak sa nangyaring eksena kanina.

Isang grupo ang inambangan nila sa Haven's Bar. Isang grupo na makapagturo sa kanila kung saan ang taong hinahanap nila na siyang utos ng SPHERE. Isang babae ang kanilang hinahanap na nagtatago sa iba't ibang pangalan at mukha. Hindi niya inasahan na makita kanina ang dalaga.

Saka niya tinawagan si Addavan, ang kaniyang isa sa mapagkatiwalaang kaibigan. Tulad niya, isa rin itong Doctor.

"Ang aga mo tumawag, ah?"

Natawa si Jayvion. Halatang tulad niya ito, hindi rin makatulog o may ginagawang kababalaghan sa loob ng laboratoryo nito. "

"Yeah, and its quarter to 4 in the morning."

"I know. May sarili akong orasan dito. Bakit ka napatawag ng ganito kaaga?"

Napabuntong-hinga siya at pinagmasdan sandali ang tahimik na kapaligiran. "I'm fuck up."

Tumawa naman ito sa kabilang linya kasabay ng pagbagsakan ng ilan sa mga kagamitan nito sa laboratoryo. "Oh shit! Pulutin ko lang."

"Anong nahulog?"

"Puso mo yata 'to." Malakas itong tumawa. "Shit Gunner! Anong fuck up ang pinagsasabi mo? Hindi ka kamo papalagpasin ng SPHERE oras na malaman nilang nasa poder mo ang babaeng iyan. Alam mo kung gaano ka delikado ang babaeng iyan sa buhay niyong mag-ama."

Natahimik si Jayvion. Wala siyang maapuhap na isasagot.

"Let me guess, hinawakan ka naman sa leeg ng babaeng iyan am I right? I told you, ibang babae si Aurora. Hindi siya simpleng babae na magbabago kahit may rason siyang magbago. You see Gunner, si Aurora ang klase ng babae na pumapatay kahit walang rason. Ganiyan kadelikado ang babaeng nasa poder mo at ngayon hinayaan mo pa na mapalapit sa anak mo. Anong rason mo ba at hindi ko makuha. Huwag mong sabihin dahil na naman ito sa ginagawa niya sa'yo sa kama. Fuck, Gunner! Ako na babaril sa'yo kapag nagkataon."

Natawa siya sa huling parte na sinabi ni Addavan. Alam niyang tutuhanin nito ang sinabi. Hindi pa rin pala niya nasabi sa kaibigan ang Gold fish nitong naging Piranhas na.

"Nga pala, kumusta ang mga isda ko diyan? Kukunin ko lahat ang mga iyan next week. Na renovate ko na ang aquarium nila. Huwag kang magplano na palitan ang mga isda ko. May mga palantandaan ako, Gunner, kilala kita."

Napakamot nalang siya sa ulo at pinigil niya ang sariling huwag matawa habang nagsasalita si Addavan. Saka niya na lang sabihin dito na nag-upgrade ang alaga nitong isda next week.

"Nalunok mo na ang laway mo, oy?"

Tumikhim siya muna bago nagsalita. "Anong gagawin ko?"

"Tsk. Simple lang, sipain mo na palabas ang lintang babaeng 'yan. Hindi ako sangayon sa pananatili niya sa buhay niyo. Nilalagay mo lang sa panganib anak mo."

Napabuntong-hinga siya. kahit saan tingnan, maling-mali siya na pinapasok niya sa buhay nila ni Nadezhda ang dalaga. Naiinis siya sa kaniyang sarili. Matalino siyang tao pero 'pag si Aurora ang kaniyang kaharap at nauunahan nitong magsalita, lagi siyang natatahimik at hindi makapagsalita. Naiiwan sa kaniyang isipan ang anuman sasabihin. Tama si Addavan, ang lakas ng tama niya kay Aurora kahit alam niyang hindi dapat.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now