EP 33 - FOOD DELIVERY

3.8K 183 15
                                    

"Fuck Gunner! Muntikan na akong sumugod nang marinig ko ang ratratan ng mga bala! Akala ko pinatay ka na ni— the heck! May tama ka?" nang-iinsultong boses ni Addavan ang sumalubong sa kanila ng anak niya nang sumampa na sila pabalik sa chopper.

Panay pa rin ang iyak ng kaniyang prinsesa sa kaniya habang karga niya ito. Gusto nitong balikan si Aurora sa loob ng may kalakihang bahay. Pero hindi, hindi sila pwedeng bumalik ng anak niya. Mapanganib si Aurora sa ngayon. nagpapasalamat lamang si Jayvion at nakuha pang kontrolin ng babae ang galit nito at tuluyan pinakawalan ang kaniyang anak.

Sumenyas siya sa kaibigan at agad nitong nakuha ang ibig niyang sabihin. Agad nitong pinalipad paitaas ang chopper habang ang kaniyang puso tuluyan naiwan sa kamay ni Aurora.

Ara...

"D-daddy... si Mommy... why natin siya iniwan? I thought you love her?"

Hinaplos niya ang buhok ng kaniyang anak. Pinapakalma niya. Hindi pa nito naiintindihan ang lahat. "Babalikan natin si Mommy mo, Nade. She's mad to me but I promise I'll make it up to her. Sa ngayon, kailangan muna natin umalis. Mommy need to be alone for now."

"But Daddy..."

"Shh... Go to sleep Nade. I promise babalik tayo, okay? Bukas or susunod na araw kapag tuluyan niya akong napatawad."

"Then say sorry to her!" napahikbi ito.

Natigilan si Jayvion. Tama ang kaniyang anak. Humingi siya ng tawad para mapatawad siya ni Aurora. Pero hindi ito ang tamang panahon para humingi ng tawad. Galit ang nasa puso at isip ng babaeng mahal niya at mas lalo lang siya nitong kamumuhian lalo na 'pag malaman nito ang kaniyang tinatago rito.

"I will baby. Sige na, sleep ka na ha?" Hinalikan niya ang noo nito.

Tumango naman ito at agad na sinunod ang kaniyang sinabi. "I love you Dad. Say sorry to her bukas po, ha?"

"Yeah, sure princess." Napangiti siya nang tuluyan natulog ito.

"I envy you, Gunner." Mayamaya ay saad ni Addavan. nakuha pa nitong sumulyap sa kaniya.

Mapait siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. "Saan ka banda nainggit, gago! Sa pagkaroon ko ng anak na hindi alam ni Aurora na meron kaming anak dalawa o sa pagiging marupok ko sa pag-ibig ko sa kaniya? Na sa daming babae na pwedeng ibigin, sa babaeng isang kalaban ng gobyerno at maraming pinatay na mga inosente at kriminal? At kahit pinatay niya ang Ina ko sa hayop na paraan, hindi ko pa rin magawang magalit sa kaniya? Fuck, Addavan! Nagbibiro ka ba?! Hindi mo na nakita kong gaano ako sa mesirable ngayon? Hindi ko nga alam kung makikita ko pa siya pagkatapos nito. Damn it!"

Natawa naman ito nang malakas. "Chill man. Malay mo, mahal ka rin ni Aurora, Ramona, Ara, Aconite— ang dami niyang pangalan. Buti at natatandaan mo mga pangalan niya."

"I just fucking love her!" nanghihinang anas niya.

"Yeah! Masakit ba 'yan sugat mo? Mukhang may balak talaga si Aurora na patayin ka, ah."

"Shut the fuck!"

"Sa dami ba naman kasi ng pwedeng mahalin, diyan ka pa sa babaeng sumabit talaga. Kagustuhan mo 'yan. Panindigan mo."

Tumalim lang ang kaniyang tingin sa kaibigan Doctor. "Nagsalita ang kaibigan kong tulad ko rin baliw sa isang babae. Gusto mo banggitin ko pa pangalan?"

Agad naman itong tumahimik at nag-iba ang timpla ng mukha. "Pangit mo ka-bonding."

"Same to you. Mas pangit ka!"

Tumalim lang ang tingin sa kaniya ni Adavvan. Nagseryuso na ito sa pagpapalipad ng chopper habang si Jayvion ay napabuntong-hinga na lamang. Nung una, wala siyang balak ipaalam kay Aurora na may anak silang dalawa na hindi nito alam. Pero nagbiro ang tadhana, muli silang nagkrus ng landas.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now