EP 18 - JOLLIBEE

3.5K 154 5
                                    


"Mommy!"

Maarteng tinanggal ni Ramona ang suot na sun glasses sa mata. All red ang kaniyang suot at para siyang nag-run away ng modelling clothes sa Paris sa kaniyang damit. Excited na tumakbo papalapit sa kaniya ang bata at yumakap sa kaniyang tuhod. Nag-ikot lang siya ng mata at pasimpleng tinanggal ang kamay ng bata. Nandidiri siya o ano, hindi siya sanay sa presinsya ng anak nitong si Nadezhda.

Panglimang araw niya sa bahay ni Jayvion and oh, sobra niyang na-enjoy ang pagbabakasyon sa bahay nito not to mention na may free sex pa! sa foods, okay lang naman siya. Hindi siya maarte sa pagkain basta may wine kasama. Sa accomodation, perfect! Alagang-alaga siya ni Jayvion kahit puro pagsusungit ang ginagawa nito pero sa tuwing ginagapang niya sa kama, hindi naman pumapalag.

"What did you buy po?"

"Fish," simpleng saad niya.

"Talaga po? A gold fish?"

Ngumisi siya. "Yes." Mula sa isang silyadong box, nilagabas niya roon ang binili niiyang isda sa black market. Illegal sa Pinas ng isdang binili niya pero mas okay ito keysa sa isda ni Jayvion.

"Is that a piranhas?!" gulat na tanong ng bata sa kaniya.

"Exactly!" Ang lakas ng halakhak niya. Limang black piranhas ang kaniyang binili and they're so freaking cute! Isali pa ang size ng mga ito na isang palad niya ang laki at sobrang aggresibo. "Look at them Nadezhda! Ang gaganda ng ngipin nila."

"Pero Mommy, they look scary to me."'

"I know. Tawagin mo ang Dad mo. Sabihin mo pinalitan ko na ang gold fish niya, okay?"

Mabilis itong tumango at nagmadaling tinakbo nito ang kusina. Dinig niya ang matinis na boses ni Nadezhda at tinatawag ang 'Daddy' dito. Habang siya ay natatawang pinagmasdan ang mga isdang nasa malaking aquarium. Si Quattour ang pinadeliver niya kanina ng Aquarium at wala naman siyang narinig na reklamo kay Jayvion kaya okay lang. sa sala niya ito nilagay kung saan nakapwesto dati ang gold fish.

Busy siya sa pagpakain sa mga piranhas ng mga maliliit ng isda nang marinig niya ang boses ni Jayvion na gulat na gulat. Nag-ikot na lamaang siya ng mata at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Magpapalit lang siya ng damit at magbabad na rin sa bath tub.

"Aurora what's these?" nag-abot ang kilay nito.

"Fish, duh!" malalaki ang hakbang na tinungo niya ang hagdanan. Kinindatan niya muna si Jayvion saka niya ito tuluyan iniwan na galit na galit dahil piranhas ang binili niya at hindi gold fish.

Tinungo niya ang silid ng lalaki at walang kahirap-hirap na pumasok. Doon na siya naghubad ng damit at pinakialaman ang malaking bath tub nito. Na-miss niyang magbabad! Sweet heaven! Limang araw din siyang nagtiis sa shower pero ngayon, wala ng makakapigil sa kaniyang magpakasaya!

SAMBAKOL ang mukha ni Jayvion nang tingnan niya ang illegal na isdang dinala ni Aurora. Sunod-sunod siyang napamura sa isip at napailing-iling. Mamaya rin ay itatapon niya ito at hindi ito magandang alaga lalo na at may anak siyang bata sa kaniyang pamamahay.

But you let her venomous pet stay.

Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at hinarap ang kaniyang napakagandang anak. "Come here, Nadi." Lumapit naman ito sa kaniya at agad itong kinarga. "What do you want for lunch?"

"I want Jollibee!"

"Okay, padeliver tayo—"

"No Daddy! Gusto ko out tayo tapos kasama natin si Mommy Aurora!"

"Baby hindi pwede—"

"But minsan lang tayo nag-e-eat sa labas. Minsan, si Lolo-Dad lang kasama ko dahil busy ka sa work. Please Daddy? Promise I'll behave po."

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now