EP 30 - HELL

3.2K 163 27
                                    

BAGSAK ang balikat ni Jayvion nang pagdating niya sa pribadong lugar ng grupong kilalang-kilala niya ay puro patay na ang mga nasa paligid. May mga tama at saksak ng kutsilyo ang mga katawan ng mga ito at napailing-iling siya.

"I told you." Si Addavan. "Sa likod ako dadaan, maghiwalay tayo.:"

Hindi na siya tumango. Deritso niya ng tinungo ang pribadong silid ng kaniyang Ina at hindi siya nagulat nang makitang nangingitim ito at wasak ang ulo. Marahan siyang lumapit sa kaniyang Ina at tiningnan ang leeg nito, may kagat ito sa leeg ng isang ahas at alam niya kung kaninong ahas ito.

"Aurora..." Sa pangalang kumudlit sa kaniyang utak, bigla niyang naalala ang kaniyang anak na si Nadezhda! "Fuck!" Nagmadali siyang lumabas sa silid na iyon at agad sinabihan si Addavan na umalis na sila sa lugar na ito. Kung hindi nagkakamali ang kaniyang instinct, nasa panganib ang buhay ng kaniyang anak!

"I told you, ey!" Nasa boses ni Addavan ang paninisi.

"Damn it! Maya mo na ako sermunan."

"Sabi mo, eh."

Naiiling na lamang siyang lumabas ng pribadong silid ng kaniyang ina at mabilis na tinakbo nila ni Addavan ang kaniyang sasakyan. Sana hindi pa huli ang lahat! Sana hindi pa huli ang lahat.

Agad niyang tinawagan ang numero ng kaniyang pangalawang Ama. Isang ring lang at sumagot agad ito. "Where's Nadezhda?!"

"With me. Why?"

"Good. Dalhin mo ang anak ko sa bahay ni Addavan, Dad. You know how to get there, right? I want you to do it, now!"

"Teka, teka, ano ba'ng nangyari?"

"I will tell you Dad when I get home, for now just do what I—" Naputol ang kaniyang iba pa na sasabihin nang mamatay ang kabilang linya. "Fuck!" Muli niyang tinawagan ang Ama pero hindi na ito ma-contact at iisa lang ang ibig sabihin niyon, gumagalaw na si Aurora.

Putangina! Bakit hindi nila nakasalubong si Aurora nung papunta sila rito ni Addavan? Doon niya lang naalalang may iba pa na daan palabas at papasok sa pribadong lugar na ito ng kaniyang Ina. Ilang beses niyang nasuntok ang manibela at paulit-ulit na napamura. Hindi pwede! Hindi pwedeng may masamang mangyari sa kaniyang nag-iisang anak. He swears to God, he swears to God! Makakapatay siya ng tao. Makakapatay siya kahit si Aurora pa ito.

Ang bilis ng kaniyang naging takbo. Sa mga sandaling ito, alam niyang nasa daan pa lang ang dalaga pabalik ng Manila. Inisip niyang may inutusan itong kunin ang kaniyang anak sa pamamahay ng Usuro at ang isipin na may masamang nangyari sa pamilyang tinuring niya ay nagbigay nang takot sa pagkatao ni Jayvion.

Fuck it! Binilisan niya ang pagpapatakbo kahit bangin ang nasa gilid. Sanay siyang magmaneho kahit kamatayan ang nasa unahan na naghihintay. At ang anim na oras na byahe ay naging tatlong oras lang sa kanila ito ni Addavan.

Mas lalo siyang napamura nang hindi niya makita ang lokasyon ng kaniyang anak sa kaniyang cellphone. Tinanggal ang tracker na nilagay niya sa kwentas nito at hikaw.

-

MADILIM na ang kabahayan n Usuro nang dumating sila. Kasing-bilis ng kidlat ang kaniyang naging takbo papasok sa malaking bahay at doon niya nakita ang kaniyang Amang nakatali sa isang tabi at may duct tape sa bibig kasama ang kaniyang Ina at mga bata. Awang-awa siya sa naging sinapit ng mga bata at alam niyang trauma ang makukuha ng mga ito.

Habang si Addavan ay siyang naging look out niya kung may kaaway sa paligid. Ang tatlong katulong ay patay na nakahandusay sa isang tabi at naliligo ng sariling dugo.

Pinagtatanggal niya ang mga nakatali sa mga ito. Nagsiiyakan naman ang mga pamangkin niyang yumakap sa kaniyang Ina matapos niyang matanggal ang mga duct tape sa bibig ng mga ito.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now