EP 6 - SURPRESA

4K 196 7
                                    

Gusto niyang tumawa buong araw matapos niyang ibalik si Aurora sa vivarium nito. Agad itong natulog at pumulupot sa isang sangang nando'n. Aww her sweet Aurora, napagod ito sa action at barilan nila sa araw na iyon.

Deritso niyang tinapon ang suot na halter dress sa garbage bin at agad nagtungo ng banyo. Nagbabad siya nang dalawang oras sa bath tub na puno ng mga pulang rosas at puro pulang scented candles din ang nasa paligid. Pinapakalma niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagbabad at pag-iisip ng mga eksena sa utak.

Binabalikan niya ang parteng nakita niya si Mr. Ursuro sa crime scene na kaniyang ginawa. Muli, napahakhak siya ng malakas sabay simsim niya ng wine. Hindi na kailangan ng lalaking Doctor ang mask, dahil nung inagaw niya ang red tie nito sa Hospital nang Hyzer Medical Group... Nakilala niya na ang lalaki. Isang sulyap lang ang kaniyang binigay sa lalaki pero agad niyang nakuha ang palatandaan lalo na sa kamay nitong may orasan at kadenang tattoo.

Perks of having a very retentive memory! Walang kahirap-hirap sa kaniya ang tandaan ang isang bagay. Tulad nang, taong pumatay sa kaniyang buong pamilya. Hanggang ngayon, hina-hunting niya ang mga mukha ng mga ito.

Nakakalungkot lang, dahil hanggang ngayon, 20 years na ang nakaraan ay hindi niya pa rin nakikita ang taong kumuha ng masayang kabataan niya. Taong humulma sa kaniyang maging ganito. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa, hangga't nabubuhay siya at tumitibok ang kaniyang puso, magkukrus din ang landas nila balang-araw at hindi siya makapaghintay kung kailan iyon.

Si Dr. Jayvion, 'yong lalaking ninakawan niya ng tie! What a small world isn't, right? Sinong mag-aakalang isang kasapi ng Dark X ang lalaki samantalang Doctor na ito? Not bad tho, ang ganitong profession ay masaya. Killing people stuff, masaya kaya!

Iyon nga lang, isa siyang assassin. Hired killer. Samantalang ang lalaking Doctor na may anak na babaeng napagkamalan siyang 'Mommy?ʼ, oh cʼm on! Wala siyang kaparehas ng mukha.

Tumayo siya at kinuha niya sa silid kung saan ando'n ang tie ng lalaking Doctor. Dinala niya ito pabalik sa tub at matagal na tinitigan ang tie nito. Nakuha pa niyang amuyin at minimemorya ng kaniyang utak ang amoy ng isang Jayvion Usuro. Katulad niya, ilan kaya ang gamit ng lalaki na pangalan?

Nilagay niya sa tabi ng wine bottle ang tie at muling sumimsim sa kopita. May hinihintay siyang tawag maliban sa balita na ilalabas ng media.

Tumunog ang phone niya at binuksan niya ang loud speaker n'yon. Gusto niyang makitang magwala ang leader ng Belladonna sa kaniyang ginawa. She's bitchy asshole!

"You are ruining the plan! Your assignment is to kill the drug syndicate leader. Hindi ang gumawa ng eksena at patayin lahat ng mga kasamahan niya Ramona!"

Natawa siya sa galit na galit boses ng kanilang leader. Babae ito at nasa mid-40's ang edad pero batang-bata pa rin tingnan. Hindi halatang isa itong mamatay tao dahil sa pustura nitong parang isang mabait na tao.

"Ah yeah? Sinunod ko ang gusto mo, Raquel!" nagpipigil siyang humalakhak lalo na nung sambitin niya ang totoong pangalan ng leader nila.

"Enough with your excuses, Ramona. Alam mo ang utos ko. Your target is only Mr. Thomas. Wala ng iba, at wala ka ng idadamay pa. But what did you do? You go against my plan."

Tsk! Boring.

Nag-ikot siya ng mata. "You should have sent Nerium then than me. Alam mong isa ay kulang para sa'kin."

"Bullshit! Report to my office, Ramona."

"See ya!" Nauna niyang pinatay ang phone niya at kasunod ang malakas niyang halakhak na pumuno sa buong sulok. Halos masamid-samid siya sa kaniyang iniinom na wine dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Poor Raquel, may plano ito at oo sasabihin na natin na utos nga nito pero may sarili siyang utak. Walang thrill kung sunod-sunuran siya kay Raquel. She's born with Belladonna on her hand, kailangan niya ang grupo pero mas kailangan siya ng grupo. 

Mas lalo niyang binagalan ang kaniyang kilos. Wala siyang planong lumabas ng bahay ngayon at ang gagawin niya lang ay magpakalunod ng wine. Bukas na siya magre-report sa office ni Raquel, hindi naman ito importeng tao.

Nang matapos siyang magbabad sa bath tub nagpasya siyang tumayo at humarap sa salamin na hubo't hubad. Tumiim ang kaniyang mga mata sa aconite tattoo na nagsimula sa gilid ng kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang balakang. Ito ang nagpapatunay na isa siyang kasapi ng Belladonna.

Bawat myembro ay may kaniya-kaniyang nakatattoo na bulaklak sa alinman parteng katawan nila. Dahil ibig sabihin ng Belladonna ay dalawa. Magandang babae at isang halamang nakakalason. They're Belladonna, coz they're beautiful and poisonous.

Inabot niya ang roba at sinuot iyon. Tinuyo niya muna ang kaniyang buhok bago siya nagpunta sa balcony at lumanghap ng hangin. Namimiss niya si Zerus pero tulad ng kaniyang pangako rito nung huli silang magkita, hinding-hindi na siya mangingialam sa buhay ng lalaki. Hinding-hindi niya na rin gagalawin kahit ang dulo ng buhok ng babaeng mahal nito.

Masyado lamang malapit ang loob niya sa binata kaya nung minsan nakasabayan niya ito sa isang misyon, naging sunod-sunoran na siya rito. Nakikita niya ang mukha ng kaniyang kapatid na lalaking harap-harapan na pinatay sa kaniya kaya ganoon siya ka-obsess sa lalaki na maprotektahan ito kahit hindi dapat.

But now, she's totally okay. Tanggap niya nang hindi sila totoong magkapatid ni Zerus at hindi niya hawak ang utak nito. Kaya kahit gusto niyang maging kontrabida, pinagliban niya na. Muntikan din siyang mapuruhan at namatay nung huling kita nila ni Zerus.

“Love is bullshit.” Naiiling siyang bumalik sa loob ng kaniyang silid at kumuha ng pulang damit.

Binuksan niya ang malaking TV at umupo sa sofa. Nakatingin siya ng deritso sa news at sinadya niyang lakasan ang volume nung nagsasalitang newscaster. Trip niyang gayahin at pag-aralan bawat galaw ng mga taong nakikita niya.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang news nang araw na iyon at headline ng balita ang nangyaring patayan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang maraming dugo na nahagip ng camera. Nakakadagdag gana!

“Hmm, subukan ko kayang puntahan ang Doctor na 'yon? Why not? Isa siyang Dark X and I'm Belladonna. Perfect match! Wala akong pakialam kung may asawa't anak siya. I say, he's mine and I want him!” Sa sinabing iyon at takbo ng kaniyang utak, bigla siyang napatayo at napangiti.

Susurpresahin niya ang lalaki mamayang gabi, sa kama, at sa mga halik niya.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now