EP 15 - HALIK

3.6K 173 11
                                    

Imbes na sundin ang utos ng boses sa kaniyang likod, hindi niya ito pinakinggan. Humarap siya sa lalaki at nakangiting kinindatan ito. "Hi, Jayvion!" Tinanggal niya ang facemask na suot para makita nito ang ngiting ginawad niya.

"I told you not to move." Sa noo niya tinutok ang dulo ng baril nitong may silencer.

Napasimangot naman siya. Sa dami ba naman tumutok sa kaniyang baril, matatakot pa ba siya? sa training field pa lang ng Belladonna na halos kalahati sa kanila, namatay sa hirap. Kaya ang baril na tinutok sa kaniya ni Jayvion ay isang biro. Kaya niyang tanggalan ng magazine at sirain ito sa loob ng ilang segundo.

"Sure ka na ba diyan?"

Tumalim ang mata nito at binaba ang baril. "What are you doing here?"

"Hindi pa ba halata, sinusundan kita. Of course, ayaw kong may masamang mangyari sa'yo. I like you so much para hayaan kang mamatay ngayon gabi." Nakakalokong ngumisi siya.

Hindi ito sumagot. Nilagpasan siya nito at tinungo nito ang sasakyan. Pumasok ito sa loob. Napairap na lang siya at sumunod sa lalak pero naka-lock ang pintuan ng sasakyan nto.

"Open this!" sumenyas siya mula sa labas.

Binuksan nito ng maliit na siwang ang bintana at gumanti ng senyas. Tinted ang salamin nito. Ngayon niya naisip na dapat 'yong nag-iinvisible na sasakyan ang kaniyang dinala pero oo nga pala, nasa kay Uno na ito. Ito ang pinambayad niya sa impormasyon na pinapakuha niya sa sekretong asawa ni Jayvion. Masyadong mahal ang talent fee ng lalaki!

"Papasukin mo ako o mauuna akong sumulong doon at sirain ang plano mo?" Matamis ang ngiting sumilay sa mapulang labi niya. Nagbabanta ito ng panganib at hindi siya kailanman nagbibiro. Kaya niyang gawin ang kaniyang sinabi lalo na at uhaw na uhaw siyang makakita ng dugo na nagsikalat!

Bumukas ang pintuan ng sasakyan nito pero bago iyon, malutong napamura ito at madilim ang mukhang hinarap siya. Maarteng pumasok naman siya at automatic na nagsirado ito. Masasabi ni Ramona na high tech ang sasakyan nito.

"Paano mo nalaman na sinusundan kita?"

"Don't question my capability, Aconite."

"I 'aint questioning it, honey. I'm just freaking curiuos. Duh!" Tinaas niya ang paa at pinatong sa dashboard. Pinaglalaruan ng kaniyang isang kamay ang baril na hawak.

Hinagis nito sa kaniya ang nilagay niyang tracking device sa damit nito, isa itong maliit na bug. Napaismid naman siya nang makitang sira na ito.

"Really? Kailangan mo talagang sirain ang tracking device ko?"

"Why in the first place you need to follow me here?"

Ngumisi lang siya. Tinapon niya sa back seat ang sirang tracking device. Naghihintay si Ramona kung anong gagawin ni Jayvion kahit nauubos na ang kaniyang pasensya. Gusto niya ng sumugod!

"Sino ang target mo sa bahay na iyan?" Mayamaya ay tanong niya nang tingnan ito. Hindi mapakali ang kaniyang kamay. Panay galaw ito.

"None of your fucking business."

"Tsk!" Inirapan niya lang ang lalaki at muling binaling ang tingin sa unahan. "Bakit hindi na natin pasukin?"

Walang sagot dito. Napairap siyang muli sa hangin. May ginagawa si Jayvion sa laptop nito at tinitingnan nito ang buong detalye ng bahay. May mga CCTV sa loob na nakainstall at malayang pinagmasdan ni Jayvion ang bawat galaw ng mga tao sa loob.

Natawa naman siya. Nakinuod siya sa laptop nito. May kinakalikot ang kamay nito sa keyboard ng laptop at pinagmasdan ang bawat detalye ng ginawa ng lalaki.

"Ilang oras tayo maghihintay? Nagbabantay pa ako sa anak mo, remember?"

"Exactly! Nagbabantay ka sa anak ko, Aconite!" Bumangis ang mukha nito nang tingnan siya. "Don't expect me to welcome you again on my house. Pagkatapos nito, umalis ka na rin sa buhay namin ng anak ko!"

"Oh scary!" Ang lakas ng halakhak niya. "Paano na 'yon ginawa natin sa Library room mo? Hindi mo ba namiss, ha?" malambing na tanong niya at nilagay ang kamay sa hita nito. "Ang sarap 'di ba? Naalala mo kung paano mo ako pinuno ng something mo?" Walang sabing dinantay niya ang kamay sa gitna ng hita nito na agad nitong kinagalit.

Pinaalis nito ang kaniyang kamay at parang lion sa bangis na hinarap siya. Tumaas ang kamay nito para pagbuhatan siya ng kamay pero nanatili sa hangin ang kamay nito.

"What now?" gagad niya sa lalaki. Hinihintay ang gagawin nitong pananakit dahil hindi naman siya natatakot.

Nagtagis ang bagang nito at binawi ang atensyon na pinukol nito sa kaniya. Pinili nitong kumalma at humarap sa laptop nito. napaismid naman si Ramona, ang buong akala niya ay sasaktan siya nito at sasampalin pero hindi nangyari. Gusto niyang saktan ng isang Jayvion. Gusto niyang malasahan ang sariling dugo na galing mismo sa sampal na ibibigay nito.

"Yx?"

Sandali siyang tumahimik nang may kinausap ito thru wristwatch na suot. Isa itong hologram watch alam niya pero hindi niya pa nakita kung paano gumagana ang mga ito.

"Situation?" anas ng kausap nito at tinatawag na Yx.

Sandali naman sumulyap sa kaniya si Jayvion at sa laptop nito kung saan nakikita nito ang mga tao mula sa CCTV. "Good. Naghihintay lang ako ng go cignal mo."

"Sige, for now, tama na ang nakuha mong ebidensya sa hideout nila. You can go back."

"What?!" malakas siyang napa-react na agad tinakpan ni Jayvion ang kaniyang bibig. Anong 'go back now?!' wala silang papatayin sa gabing ito? Hindi pwede ito! Gusto niyang magwala!

"Sino 'yan?"

"Nothing. I gotta go, Yx. Nasend ko na sa'yo ang lahat ng mga ebidensya na magpapatunay na may ginagawa silang laro sa liblib ng lugar na it."

"Good. Hahayaan ko na ang gobyernong humawak nito. Sa ngayon, bumalik ka na."

"No we're not!" galit na react niya nang tanggalin niya ang kamay ng lalaki na nakatakip sa kaniyang bibig. "Gusto kong pumatay! Gusto kong makakita ng mga nagkakalat na dug—"

"Fuck it, Aurora!"

Isang halik ang sumalubong sa kaniyang pagwawala. Natahimik naman si Ramona at sandaling nakalimutan ang kaniyang totoong paksa sa gabing iyon kung bakit siya nakasunod kay Jayvion.

Mapusok ang halik na binigay nito at mapagparusa. Nang bumitaw ito sa kaniya, kumalma na siya pero nanatiling matalim ang kaniyang tingin sa lalaki. Hindi sila pwedeng umatras! Sayang ang kaniyang mga balang dala!

"I want to kill, Jayvion! I want to kill!!!"

"Who is that woman?"

"Fuck Yx! I will tell you later."

Agad na hinarap nito ang suot nitong wristwatch at may ginalaw sa keyboard ng laptop. Nakahinga ito ng maluwang matapos nitong patayin ang tawag at nang humarap sa kaniya, galit ang kaniyang nabasa sa mata ng lalaki.

"Do you want me to get killed?"

"The hell I care? Gusto kong pumatay at sa ayaw sa gusto mo, papatay ako—"

"You can't do that woman!" at sa ikalawang pagkakataon, hinila siya nito at kinuyumos ng halik na kaniyang nagustuhan.

Pwede na rin. Mas masarap pa rin ang halik ni Jayvion keysa ang makakita ng dugong nagsikalat. Palalagpasin na nga lang niya. Labi na lang ni Jayvion ang kaniyang trabahuin. 

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now