EP 19 - ARA

3.3K 151 2
                                    

Tulad nang usapan nila ni Uno, nagpunta siya sa bar nito at nag-order ng mamahalin wine nito. Hindi siya mahilig uminom ng ibang inumin. Alas dose ang usapan nila ng binata pero hindi pa rin nito pinapansin ang kaniyang presinsya. Busy ito sa pagmi-mix ng alak sa kamay.

Tiningnan niya ang orasan. Limang minuto ang nagdaan. Nakakapagod maghintay. Nilibot niya ang kaniyang tingin, puro mga matataas na tao ang mga nandoon. May ibang tulad ng kaniyang trabaho ang ginagawa at may ibang mga bilyonaryo. Kung mukha lang siyang pera, kanina pa siya kumapit sa mga ito.

"Uno!" tawag niya sa binata pero para wala itong narinig. Napairap na lang siya sa hangin at sinimsim ang wine. Binalikan niya na lang sa isip ang nangyari kanina...

"Where have you been? Kung hindi lang sinabi ng anak kong hintayin ka kanina ka pa namin iniwanan, Aurora."

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Jayvion. Nakaupo ito sa hood ng kotse nito habang karga si Nadezhda na may dalang mga laruan galing Jollibee. Binati siya ng bata pero tiningnan lang niya ito at naunang pumasok sa loob ng kotse nito.

"Mommy saan kayo galing?" tanong ng anak ni Jayvion nang ipasok nito ang bata sa backseat at nilagyan ng seatbelt. "Nag-poop kayo?"

"Kumain, okay?"

Tumango-tango naman ito. Saka naman pumasok sa passenger seat ang lalaki at hindi na nakipagtalo sa kaniya. Para silang mag-asawa dalawa na nag-aaway dahil tahimik lang siya sa isang tabi.

Mula sa kaniyang kinauupuan, nakita niya si Arielyn na nakatayo sa isang tabi at sa deriksyon nila ni Jayvion ito nakatingin. Sumenyas ang kamay nito na kaniyang ikinatigil.

Shit!

Akmang baba siya sa sasakyan ni Jayvion nang paganahin na nito ang makina at umalis na sila roon. Nanatiling nakatingin ang kaniyang mata kay Arielyn at sumenyas pa ito ulit na siya lang ang nakakabasa.

Try me! Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at hinayaan si Arielyn. Hindi siya nito nasisindak dahil wala pang nagpapasindak sa isang tulad niya.

"You okay?"

Sumulyap siya kay Jayvion. "Just drive."

Hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi pero hindi na ito nagtanong pa. Sandali niyang pinikit ang mata. Iniisip niya ang posibleng gagawin ni Arielyn o Nerium sa buhay niya ngayon. Well, wala siyang pakialam kung anong gagawin ni Arielyn dahil kaya niyang banggain ang pinaplano nito.

"Ramona..."

Tumalim ang tingin niya kay Uno nang umupo ito sa harapan niya. Tinawag nito ang kaniyang pangalan na minsan nakakalimutan niya na rin sa dami ng mga pangalan na kaniyang ginagamit. Nilagay nito sa table niya ang isang shot ng alak. Umasim ang kaniyang tingin dito at sinenyasan itong alisin sa harapan niya ang dala nitong alak.

"Hindi ka pa rin nagbabago."

"Pwede ba! 'Yong pinapagawa ko sa'yo ang pasya rito." Seryusong saad niya at sinimsim ang likidong nasa wine glasss. Masarap! Bahagya siyang napapikit at nang magmulat siya ng mata, sandaling huminto ang kaniyang mundo nang tumama ang kaniyang mata kay Jayvion.

May kasama itong babae...

Tumaas ang kaniyang kilay. Wala siyang nakitang reaksyon sa mata ng lalaki at nakahawak sa braso ni Jayvion ang babaeng kasama nito ngayon. nilagok niya lahat ang laman ng kopita at hindi binabawi ang tingin sa mga ito.

"Who is she?" pinupunto niya ay ang babaeng kasama ni Jayvion.

"I can't tell you." Tumayo ito at bumalik sa dati nitong pwesto.

Umismid lang siya habang nakasunod pa rin ang kaniyang tingin kay Jayvion na alam niyang alam nito ang kaniyang presinsya. Siya lang nagsuot ng pula sa gabing iyon kaya imposibleng hindi nito makita ang matinik na dumudugong rosas sa gitna ng sementeryo?

Maarteng nagsalin siya ulit ng wine habang nanatiling nakatuon ang kaniyang mapanuring mata sa dalawa. Hindi niya mabasa ang galaw ng babae na kasama nito dahil close na close ito kay Jayvion. Bawat ngiti nito at kislap ng mata ay nakikita niya at nababasa.

"Hmm?" dahan-dahan niyang sinimsim ang kopita.

Nakita niyang nagtungo ang dalawa sa unahan at kinausap si Uno. Mula sa kaniyang pwesto dinig niya ang pag-uusap na namagitan sa mga ito. Hindi maingay ang pwesto ni Uno. Tamang chill at tugtog lang ang musika nito. Tamang lugar para sa mga taong gustong mapag-isa at magplano ng kasamaan tulad niya.

Malakas ang kaniyang pandinig pero hindi niya makuha ang pinag-uusapan ng mga ito kaya nagpasya si Ramona na tumayo sa kaniyang kinauupuan stool. Bitbit niya ang kaniyang kopita at bawat hakbang na kaniyang ginawa ay nagpapahiwatig na panganib.

Wala siyang naramdaman kakaiba ngayon gabi kahit nakita niyang may kasamang ibang babae si Jayvion. Actually, okay lang sa kaniya. Okay na okay kaya siya lalapit sa mga ito at surpresahin ang lalaki sa kaniyang presinsya.

"Honey..." Deretsong hinalikan niya ang labi ni Jayvion nang lumingon ito sa kaniya. Isang nakakapugtong halik to be exact at pinapakita babaeng kasama nito na isa siyang territorial, mapanganib at nakakamatay kung may magtatangkang umagaw sa lalaki lalo na at hindi niya pa ito pinagsasawaan! Binitawan niya lang si Jayvion nang matanto ni Ramona na nakuha niya na ang atensyon nito. Habang si Uno ay napapailing sa kaniyang inakto pero hindi siya nito pinakialaman, umasta itong hindi siya kilala.

"Aurora?!"

Natawa siya nang nakakaloko sa reaksyon ng mukha ng lalaking gabi-gabi niya ginagapang. Isali pa ang ginawa nilang kalokohan sa bath tub nito. Kung paano niya ito napapaungol at napapasambit sa pangalan niya na parang baliw. Aww, her poor-poor Jayvion... Nasa ilalim ng kapangyarihan niya ito at kung sino man itong babae na kasama nito, magdasal-dasal na ang babae dahil gagawin niya ngayon mismong impyerno ang buhay nito.

"Yeah, nandito ka rin pala." Nakakalokong tanong niya habang maarteng nilalaro ang buhok nito gamit ang kaniyang daliri. "What are you doing here, with that... woman?" tumalim ang tingin niya sa babaeng kasama nito.

"She's my—"

"I'm Ara."

Bigla siyang napahinto sa ginagawang paglalaro sa buhok ng lalaking Doctor. Ang matang kanina lang ay nagbabadya ng panganib, ngayon ay mas lalong nag-apoy sa hindi maintindihan galit.

Ito ang nagngangalang Ara? Gusto niyang humalakhak ng tawa. Bakit iba yata ang mukha? Nag-undergo ba ito ng maraming plastic surgeries? Imposibleng ito si Ara na sekretong asawa ni Jayvion at ina ni Nadezhda dahil ibang-iba ang mukha nito plus... mas maganda siya.

Napasulyap ang kaniyang mata sa kamay nitong nanatiling nakakapit sa siko ng kaniyang Jayvion. Matagal namalagi ang kaniyang tingin sa kamay nito at kung may kapangyarihan ang kaniyang mata, nasunog na ang kamay ng babae.

"So... you are Ara?" pang-uulit niya. Umayos siya ng tayo at binagsak ang kopita sa counter. Lahat napatingin sa kaniyang ginawa lalo na at nabasag ang kopita. "You're his wife?"

Tiningnan siya ng babae na walang katakot-takot sa mata. "Yes."

Natawa siya sa narinig. Nagbayad pa siya ng milyon sa pesteng picture na binigay niya kay Uno tapos makikita niya lang pala harap-harapan ang babaeng sekreto nitong asawa. What a shame! She silently compose herself. Ano kung asawa ito ni Jayvion? Aminado siya sa bagay na ito. Hindi niya lang napaghandaan na ibang-iba ang mukha nito ngayon pero aaminin ni Ramona na kasingtangkad niya ang babae.

"Oh right. Okay-okay. Pasensya na 'Wife' kung hinalikan ko si Jayvion, ha? I can't help it kasi when it comes to him. Sobrang sarap niya kasi, hindi lang sa halik kundi pati sa kama." Bago siya umalis, binigyan niya pa ng isang halik ang lalaki sa labi at may binulong dito.

"What about your shot, Aurora?" Si Uno.

Nginisihan niya lang ang binata sa pagtawag nito ng Aurora sa kaniya. Alam niya ang ibig nitong sabihin sa shot na sinasabi nito. Hindi niya na kailangan. Nakita niya na mismo harap-harapan and so what? Nasa kaniya ang lalaki. Hindi niya kailangan ang puso ni Jayvion, sapat na ang katawan nito para sa kaniyang obsesyon. Pagkatapos niyon, tahimik siyang aalis na parang walang nangyari.

Enjoy your night, sweetheart... ito ang binulong niyang panganib kay Jayvion. 

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now