EP 5 - ACONITE

3.8K 206 4
                                    

“Want me?” nanunuksong tanong niya sa lalaki.

Naglalaway na tumango naman ito nang sunod-sunod at muli, akmang hahawakan siya pero heels niya ang pumipigil sa dibdib nito. Yeah right, ito ang kaniyang gusto... Ang sumusunod na parang aso.

Nag-dirty dance siya harapan ng lalaki at aliw na aliw ito sa kaniya. Humakbang siya at mula sa sahig, inabot niya ang kaniyang bag at hinila ang strap n'yon.

“Grind for me babe!”

Ngumiti siya nang matamis at sumasayaw na maharot sa musika. Humakbang siya papalapit dito at sinakyan ang hita ng lalaki. Gusto niyang humalakhak nang maramdaman niya sa kaniyang pang-upo ang nabubuhay na pagkalalaki nito at ngayon ay galit na galit.

Magagalit pa ba ang pagkalalaki nito kung ilang segundo na lang, bilang na sa daliri niya ang buhay ng target na kaniyang pinaglalaruan ngayon?

Sumasabay sa senswal na giling ang kaniyang katawan. Hinaplos niya ang mabalbas na katawan ng lalaki at puro ungol ang lumalabas sa bibig nito.

Mapang-akit na nilagay niya sa leeg nito ang sling bag niyang pula at ang strap nitong metal ay nagpapatunay na isa itong kadenang pwedeng gamitin pangpatay ng kalaban niya.

“Smooth or wild? Hmm?”

“Wild babe! I want to see you wild on me!”

“Yes babe...” pabulong na anas niya sa teynga nito at hudyat ang ginawa niyang paghaplos sa gilid ng leeg ng lalaki ang go cignal para si Aurora naman ang bahala.

Eksaktong pagbukas niya ng kaniyang bag na nasa dibdib nito ang pagbukas ng pintuan at lumabas doon ang lalaking may suot na mask at may dalang baril.

“Bullshit!” Napamura si Ramona nang malakas nang maudlot ang kaniyang plano.

“You can't kill him! That man must be punished under the law—”

Isang putok na baril ang kaniyang binigay sa lalaking may suot na mask na siyang dumesturbo sa sayaw niya. Mabuti at mabilis na nakailag ito. Habang gulat na gulat naman ang big boss sa kaniyang ginawa. Oh well, kinuha lang naman gamit ng kaniyang heels ang baril na nasa tabi ng big boss bago pa nito nahawakan. Mas mabilis ang kaniyang kilos!

Ngumisi siya. Bago pa makawala ang kaniyang biktima at hadlangan ng kahit sinong myembro ng Dark X ang kaniyang plano, mabilis niyang binuksan ang bag at walang takot na kinuha ro'n si Aurora!

Sayang, gusto pa sana niyang maglaro kasama si Aurora pero naudlot dahil sa pesteng panirang Dark X na iyan!

“A-anong gagawin mo?!”

“Shh! Mabilis lang ito.” Sa kaniyang sinabi, agad namilipit ang lalaki sa venom na natanggap. Tinuklaw lang naman ito ni Aurora sa leeg at saka niya pinulupot sa kaniyang leeg ang ahas para umalis doon. Bago siya tumalikod, binigyan niya ito ng dalawang putok sa noo kung saan may target X siyang nilagay.

Napangisi siya pero agad siyang pinaulanan  ng bala nung lalaking nakasuot ng mask pero alam niyang hindi siya punterya nito. Paano niya nasabi ito? Dumamplis lang sa kaniyang balikat angmga bala ng baril. Siguro mas gusto niyang sabihin, wala itong planong barilin ang kaniyang ganda.

Isang segundo, suot niya na ang  kaniyang damit at dinig niya na ang nagsitakbuhang mga tauhan ng drug leader. Marahil narinig nang mga ito ang ginawa niyang pagbaril sa lalaking sumira sa laro niya!

Ilang sandali pa ay nakipaglaruan na siya ng baril-barilan sa mga kalaban na papasok ng silid. Maarte lang siyang naglakad papalabas ng silid at walang katakut-takot na pinagbabaril ang mga ito habang ang lalaki na suot ang mask, nakipagbarilan din sa kaniya... Pero hindi na siya ang target nito, kundi ang mga tauhan ni Mr. Thomas, 'yong lalaki na pinatay niya gamit lang ni Aurora.

Hindi na siya gumamit ng elevator pababa. At nung naubusan siya ng bala, ang sling ng kaniyang bag ang kaniyang gamit para gawing isang matigas na bakal at iyon ang kaniyang pinaghahampas sa bawat kamay ng mga kaaway niya.

Magaling siya sa martial arts, especially sa Krav Maga. Isa sa deadliest martial arts ng mundo kung saan natutunan niya ito sa training ground ng Belladonna. Patay kung patay ang training nila at katunayan, konti lang sila ang pumasa. Ang iba, sumuko at ang iba, naunang naghukay ng libingan.

Hindi lang iyon, walang hirap na inagaw niya rin sa mga ito ang baril. Para lang siyang isang run away model na maarteng naglalakad at bawat nadadaanan niya, natutumba at namamatay.

She's really that good! Buong-buo ang kaniyang araw na ngayon ay puro dugo ang kaniyang nakita. Ang sarap sa pang-amoy ang dugo. Nakakaaddict ito!

“Stop or I will ki—”

Tumama ang kaniyang takong sa leeg nang lalaking nagsalita.

“Opssie! Nagulat ako. What did you say?” inosenteng tanong niya sa lalaking bumagsak na dilat ang mata at walang ampat ang pagdaloy ng dugo sa nakuha nitong sugat. “Oh yeah, ikaw 'yong guy sa gate. Anyways, my name is not Maggie. Its Ramona.” pabulong na anas niya saka natatawang humakbang.

Bigla siyang nabagot. Lahat ng mga tauhan ni Mr. Thomas, kung hindi patay, nagsitakbuhan na palabas. Takot na takot sa kaniya at may sumigaw pa na isa siyang kampon ng demonyo.

Ah no, matagal na siyang kampon. Mga 20 years ago! Mahaba na nga ang kaniyang sungay at may condo na rin siya sa impyerno. Si Satanas ang namamahala sa kaniyang negosyong tinayo roon na balang-araw siya rin ang papalit.

“Aconite.”

Bigla siyang napahinto. Code name niya. Eksaktong paglingon niya ay nakita niya ang lalaking may suot na mask at sa kaniya nakatutok ang baril na dala nito.

Pinag-aralan niya ang detalye at katawan ng lalaki sa ilalim ng maskara at suot na leather jacket. Nasa tangkad 6'5 ito, broad body, tan skin, at may tattoo sa kamay na nakaukit ang isang roman clock at kadena.

“Ikaw na ang magligpit ng kalat ko.” Agad siyang tumalikod at walang sabing inapakan ang mga bangkay na humarang sa kaniyang daraanan. Kilala niya na kung sino ang lalaking nasa harapan niya.

“You think hahayaan kitang umalis?”

“Why not? Iisa lang ang hangarin ng grupong pinagmulan natin. Now, if you're not satisfied on my opinion, pag-usapan natin sa pamamagitan ng baril. Mauna kang pumutok.”

Natigilan naman ito sa kaniyang sinabi at hindi makapaniwala na iyon ang nanulas kaniyang bibig.

“Because I know you can't Dr. Jayvion Usuro.” Ngumiti siya ng matamis. “Nagulat ba kita at nakilala kita agad? Its because I don't forget people easily. Lalo na kung yummy at hot fafable like you na siyang may ari ng red tie na kinuha ko. Bye handsome!” binigyan niya ito ng isang kindat at sinabayan ng talikod.

Walang katakot-takot siyang umalis sa harapan nito at detitsong tinungo ang kaniyang sasakyan. Bago niya paganahin ang makina, sumulyap siya sa lalaki at wala na ito sa kinakatayuan.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now