EP 20 - TERRITORIAL

3.4K 156 5
                                    

Nasa kama siya ni Jayvion matamang naghihintay. Binabantayan niya ang pagdating ng lalaking Doctor. Dalawang oras na ang nagdaan at wala pa rin ito. Natawa siya ng mapakla. Bakit nga ba niya hinihintay ang pagdating nito?

Tumayo siya at tinungo ang kaniyang silid. Walang pakialam na hinubad niya ang kaniyang suot at tinungo ang banyo. Binuksan niya ang shower at nagbabad sa ilalim niyon. Hinayaan niya ang pagdaloy ng tubig sa kaniyang mukha kasabay ang pagdaloy ng nakaraan sa kaniyang isipan...

Naghintay siya nang ilang linggo sa bahay-bakasyunan ang batang puso ni Ramona. Inisip niyang babalik ang kaniyang magulang at mga kapatid. May parte ng kaniyang puso ang umaasang babalik ang mga ito. Kahit ang totoo, nakita niya ang mga ito sa bungad ng kagubatan kung saan tinapon ng mga pumatay ang pamilya niya.

Nakita niya kung paano naliligo ng dugo ang mga ito at parang basura lang na tinapon sa makakapal na damuhan. Bata ang kaniyang puso at kaisipan pero nakuha niya na ang ibig sabihin ng kaniyang nakikita, patay na ang mga ito. Patay na ang kaniyang Ina at Ama. Patay na ang tatlong kapatid niyang mahal na mahal niya at laging kalaro.

Nilibing niya ang mga ito. Buong araw siyang naghakot ng mga bato at binigyan ng maayos na libingan ang mga ito. Wala siyang naramdaman sakit. Naging manhid ang puso niyang tinatabunan ng bato ang bawat puntod ng mga ito. Nilagyan din niya ng ligaw na bulaklak ang mga ito at krus na nagpapatunay na dito niya binigyan ng pahinga ang pamilyang kinuha sa kaniya.

"Mommy..." Lumakas ang kaniyang iyak. Hinahanap niya ang kaniyang Ina. Umuulan ng malakas nang mga sandaling ito at halos gibain ng hangin ulan ang bubong ng kanilang pribadong bahay-bakasyunan.

Lahat tinawag niya habang umiiyak habang nagtatago sa ilalim ng mesa. Gabi at malakas ang hampas ng alon ng dagat sa unahan na parang galit na galit sa kaniyang presinsya. Mag-isa lang siya sa bahay at sa bawat kidlat at kulog, napapasigaw ang batang puso niya.

"Daddyy!" Yakap-yakap niya ang kaniyang tuhod. Hindi niya natapos ang kaniyang hapunan na siya ang gumawa. Sunog na hotdog at basang kanin.

Biglang patay-sindi ang ilaw. Mas lalo niyang niyakap ang sarili hanggang sa naubos ang kaniyang luha. Wala siyang mailuha at maisigaw ng pangalan. Nanatili na lamang si Ramona na nakaupo sa ilalim ng mesa at hinintay na matapos ang galit na kalangitan sa pagbuhos ng ulan.

Hindi mabilang ni Ramona kung ilang oras siya sa ilalim ng mesa, nang magmulat siya ng mata... nakita niyang maaga na sa labas. Mabilis siyang gumapang papuntang pintuan at binuksan ito. Inisip niyang nandoon ang kaniyang pamilya at sinusundo siya.

"Aurora..."

Isang malamig hangin lang ang humampas sa kaniya, ito ang palayaw na tinatawag sa kaniya ng kaniyang Ama. Aurora dahil paborito niya ang character ng isang Disney Princess na si Sleeping Beauty.

"Daddy..."

"Umalis ka na rito anak... Lumayo ka na..."

At sinunod niya ang sinabi ng Ama niya kahit hindi niya nakikita at boses lang nito ang kaniyang naririnig. Sa unang pagkakataon, humakbang siya papalayo sa kanilang bahay bakasyunan. Binaybay niya ang daan kung saan magtuturo sa kaniyan papalabas.

Lumingon siya nang malayo-layo na siya. Nakita niya ang mga ito na kumaway sa kaniya at dahan-dahan nawala kasabay ang paghampas ng hangin sa kaniya para magpatuloy siya sa paglalakad. Naglakad siya nang naglakad sa walang kataong daan at puro kakahuyan sa bawat tabi. Naglakad siya na walang takot at pagod na naramdaman. Basta lamang humakahakbang ang kaniyang paa hanggang sa may nakakita sa kaniyang isang babaeng sakay sa isang sasakyan. Bumaba ito at nilahad ang kamay sa kaniya at tinanggap niya ito saka siya giniya sa loob ng itim nitong kumikintab na sasakyan.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now