EP 17 - DANGEROUS, ADDICTIVE...

3.8K 171 13
                                    


"Bullshit Aurora! What did you do to my goldfish?!"

Isang malakas na sigaw ni Jayvion ang nagpagising sa inaantok na diwa ni Ramona. Nasa pintuan na ang lalaki at para na naman itong lion na galit na galit. Kagabi lang ay pinagsaluhan nila ang tamis at init ng katawan sa sasakyan nito. Not to mention na sobrang wild din pala nito kahit nasa loob sila ng kotse at nasa tabing daan.

"Hi! Good morning." Naghikab siya. Wala na siyang baril sa ilalim ng kaniyang unan o sa side table. Of course, ayaw niyang mabaril out of instinct ang lalaking paksa ng kaniyang pantasya.

"Saan ang mga isda ko?!" Mabilis siya nitong nilapitan at halos sakmalin na siya sa nakikitang galit sa mga mata nito. hinila nito ang kaniyang braso at pilit pinapantay sa mukha ni Jayvion.

Gusto niyang matawa sa galit nito pero pinili niyang magkunwaring inosente. "Baka tumakas?"

"Bullshit Aurora!"

"Okay fine-fine! Pinakawalan ko sa toilet bowl."

"What the fuck?!"

"Yep! Hiniram ko lang ang bahay ng gold fish mo para may bahay ang alaga ko." Tinuro niya ang kaniyang ahas.

Mabilis naman na lumingon si Jayvion at mas lalong nag-ulol sa galit ito nang makita ang venomous snake niyang alaga. Nagmumura itong lumapit sa bahay ni Aurora at akmang babasagin nito nang pigilan niya.

"Don't you ever," may pagbabanta sa boses niya.

Ang OA nito. Kahapon niya pinakawalan ang mga isda nito tapos ngayon lang ito magrereact? Hind ba nito nakita ang alaga niyang si Aurora nung pumasok ito kahapon din sa silid niya? Weird.

"Tinapon at sinayang mo ang isda kong nagkakahalagang kalahating milyon bawat isa para lang sa alaga mong ahas?!"

Nagkibiti siya ng balikat. Malay ba niya kung ganoon kamahal pala an mga isdang iyon? Tumayo siya at tinungo ang ahas niya. Kinuha niya ito at pumulupot ito sa kaniyang kamay habang deritso ang tingin nito sa lalaki. Mahahaba ang pangil ni Aurora at isang kagat lang ng kaniyang alaga, segundo lang ang itatagal.

Bahagyang napaatras si Jayvion nang akmang tutuklawin ito ni Aurora. Lumarawan sa mata nito ang gulat at... wait, takot? Natawa siya sa likod ng kaniyang utak. Unang pagkakataon na makita niya ang lalaking kumislap ang takot sa likod ng mata nito. Saan ba ito natatakot, sa alaga niya o sa kaniya?

"Shhh Aurora, he's a friend," pabulong na saad niya sa ulo ng alaga niya. Tila nakakaintindi naman ito at naging maamo. Dinala niya ito sa kaniyang leeg at hinayaan ito. "Aurora can smell fear, Jayvion."

Natigilan naman ito at muling tumalim ang mata nitong kanina lang ay nasalamin niya ang takot doon. "To my office, now." Mabilis itong tumalikod at malakas na sinara ang pintuan ng kaniyang silid.

Ang lakas naman ng kaniyang halakhak sa inakto ni Jayvion. Para itong bata na hindi nakuha ang gusto. Hinalikan niya muna si Aurora sa ulo at binalik ito sa vivarium. Mamaya lang ay papakainin niya ito ng karne.

Nagsuot siya ng roba nang tinungo niya ang Library room ng lalaki pero nakasalubong niya si Nadezhda na kakagising lang. Agad nagliwanag ang mata nito nang makita siya at mabilis na yumakap sa kaniyang tuhod.

"Good morning, Mommy!"

"Later. Sa room ka muna. Mag-uusap kami ng Daddy mong bugnutin." Tinuro niya ang silid nito at sumunod naman ito sa kaniyang utos. "Good girl." Ningitian niya ito kahit hindi niya gustong ngumiti ngayon araw.

"Play tayo later Mommy, ha?"

"Whatever!" Umikot lang ang kaniyang mata at nagsimulang humakbang. Tinungo niya ang library room. Pagbukas pa lang niya, nakatutok na ang baril ni Jayvion sa kaniya habang nakaupo ito sa swivel chair. Seryuso ang mukha.

"State your reason."

"Reason?"

"Sa pagtira mo sa bahay ko. Aside from my daughter, alam kong may iba kang rason. Alam mo na isa akong miyembro ng Dark X organization. Ngayon, ano pa? Am I your mission?" Natawa ito. "I guess not then. Nakita ko na kung paano ka pumatay."

"You know what? Nakakairita ang mga tanong mo. May wine ka ba? Nauuhaw ako."

Tinuro nito ang wine bottle sa mesa nito. Tinungo niya ito at kinuha. Nakasunod pa rin ang baril sa kaniya ni Jayvion pero naamoy niyang hindi para barilin siya o patayin nito. Props lang ito ng lalaki para itago ang takot na naramdaman nito kanina sa kaniya.

"Admit it sweetheart, I scared you with Aurora, right?"

Tumaas ang sulok ng labi nito at binaba ang baril sa mesa. Habang siya ay binuksan ang wine at tinungga iyon na parang tubig. Para siyang nasa alapaap nang mga sandaling iyon habang nilalasap bawat patak ng wine.

"I likeee it!" nangingislap ang kaniyang mata. "Akin na 'to!" ngumisi siya at inangkin ang bottle ng wine. "And about your gold fish, I'm so sorry for your loss. Bilhan na lang kita ng panibagong isda, ha? And oh, one thing, huwag kang laging bugnutin okay? O kaya galit lagi. Nawawala ang kagwapuuhan mo! Alam mo ba'ng diyan ako nadali sa gwapo mong mukha? Lakas kasi ng sex appeal mo kahit magkaaway ang turing ng grupo natin. But yeah, yeah. Pakialam ko right? Gusto kitang makasama sa iisang bubong and bonus mo na ang lagi akong ka-sex, 'coz honey I tell you, pangalawa ka sa lalaking naka-sex ko and you should be proud of it." At maarte niya itong tinalikuran.

Habang si Jayvion ay hindi makapaniwalang nakatitig lang sa likod ng dalaga. Pangalawa sa lalaking nakasex niya? Napakuyom ang kaniyang kamao. Pinamukha sa kaniya ng babae na ang habol nito ay ang kaniyang katawan kahit alam niya na ito nung una.

Hinamig niya ang kaniyang sarili. Hindi siya totoong galit na pinakawalan nito ang mga isda. Dahil ang totoo, mga alagang isda ito ni Addavan at sandali muna nitong iniwan sa kaniya ang gold fish nitong kalahating milyon ang halaga bawat isa. Papatayin siya ni Addavan, nararamdaman niya. Hindi lang siya makapaniwalang nakayang takasan ng dalaga ang kapangyarihan ng CCTV sa bawat sulok ng kaniyang bahay.

"What should I tell to Addavan? Nalunod ang isda niya? Fuck! He will fucking shoot me!" Napakamot siya sa kaniyang ulo. Kumalma lang siya nung kunin niya ang larawan ng babaeng Ina ng kaniyang anak.

"Ara..." Hinaplos niya ang inosenteng mukha ng babae pero agad din siyang natigilan. "Hindi kita pwedeng mahalin kahit Ina ka pa ng anak ko." Napakuyom siya ng kamao at binalik sa drawer. Mas mabuting huwag niya ng balikan ang matagal ng binaon niya sa limot pero sa nangyayari ngayon, bumabalik si Jayvion sa nakaraan. Bumabalik ang nakaraan sa kasalukuyan at wala siyang magawa para pigilan ito.

Napabuntunghinga siya. Sinandal niya ang kaniyang ulo kaniyang upuan at matagal bago nag-isip. Sinintabi niya muna ang isda ni Addavan at kung anong klaseng paliwanag ang kaniyang gagawin. Sa ngayon, ang sitwasyon nila ni Aurora ang kaniyang dapat pagbigyan ng pansin.

Dangerous, addictive, and poisonous. Ito ang tatlong salita na pwede niyang ilagay bilang depenesyon sa katauhan ni Aurora. Aminado si Jayvion na wala siyang gusto sa babae kahit katiting na pagtingin, pero 'pag bumukas na ang labi ng dalaga, para siyang isang bagay na nahuhulog lagi sa isang malalim na balon. Ginagawa niya ang gusto ni Aurora. Nagugustuhan niya bawat haplos nito at ito ang hindi pwede mangyari!

Mahirap iwasan ang kapangyarihan ni Aurora at kung paano siya pinapaikot sa pilantik ng pilik-mata ng dalaga. Mistula itong isang gayuma. Lalo na at nanganganib ang kaniyang pagkatao ngayon nasa poder niya ang babae. Oras na malaman ito ni Yx at leader ng SPHERE, isang nakakatakot na parusa ang kaniyang makukuha.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now