EP 8 - MISTEZO

3.8K 165 6
                                    

“Good morning!”

Awtomatikong nabunot ni Ramona ang kaniyang baril sa ilalim ng unan at pinutok iyon sa taong nagsasalita. Body instinct niya ito kaya ayaw niyang may kasamang matulog sa iisang silid. Nakakapatay siya nang hindi niya alam lalo na 'pag bagong gising at may dumisturbo sa kaniyang beuaty rest.

“What the fuck!”

Biglang luminaw ang kaniyang pandinig at nawala ang antok na naramdaman. Deretso siyang napabangon at nakatutok pa rin ang kaniyang baril sa lalaking hinding-hindi siya magkakamali, si Jayvion. Ang lalaking kagabi lang ay inalipin niya sa kama. Hmm not bad, sobra siyang nagsaya.

“You almost got me,” may asik ang kalmadong boses ng lalaki. Nakasandal ito sa dambana ng kaniyang pintuan at nakahalukipkip ang kamay. Wala itonh suot na mask at mas nakakatunaw ang kagwapuhan nitong walang taglay ng kastriktuhan o kabayabangan. Inosenteng gwapo.

“What are you doing here?” Hindi siya nag-abalang ibaba ang baril na hawak. Isang kalabit lang niya sa trigger at babagsak itong dilat ang mata.

Mahigpit ang security ng kaniyang bahay. Inisip niya kung paano ito nakapasok lalo na at hindi basta-basta napapasok ang bahay niya sa mga tulad nito. Lalong walang nakakaalam na ang nakatira sa bahay na ito ay siya!

“I know that looks.” Humakbang ang binata papalapit sa kaniya. Umupo ito sa sofa. “Bakit ako nakapasok sa bahay mo. Ganiyan din ang tanong ko kagabi. But now I'm here, dinala ko lang ito.” Nilabas nito mula ang lace undies niya.

“Ah that?” Binaba niya ang baril at muling humiga sa kama. “Take that as a souvenir from me. Mabango 'yan and you can play with my undies on your daily routine. For now, umalis ka at iba ako 'pag nadidisturbo ang tulog. Kumakatay ako ng tao, I tell you.”
Muli niyang pinikit ang mata para matulog.

Narinig naman niya ang mahinang pagtawa nito at nang buksan niya ulit ang kaniyang mata, nasa pintuan na ang lalaki at inamoy ang panty niya.

“Smells like... You.” Tumingin ito sa kaniya. “And last thing, I don't what to see you roaming on my house again. Kagabi ang huli  mong apak sa bahay ko.” Saka ito umalis at sinara ang pintuan ng kaniyang silid.

Nagkibit lang siya ng balikat. Talaga lang ha? Hindi siya naniniwalang kagabi lang ang huling apak niya. Dapat nag-isip ito bago siya nito tinulungan sa misyon niya.

Nasanay siyang siya lagi ang mag-isang gumagawa. Walang tumutulong sa kaniya na pumatay ng kalaban. Dapat, nakipaglabanan ito ng barilan sa kaniya hanggang isa sa kanila ang namatay. Dhail sa ginawa ng lalaking nagngangalang Jayvion, nakuha nito ang kaniyang interest. Nakuha nito ang isang uri ng attraction at respito sa kaniya. Higit sa lahat, nakuha nitong gisingin ang kaniyang katawan.

Matagal ng panahon siyang may naka-sex. Isa iyong fire baptism para sa kanilang mga assassin. Hindi sila magiging ganap na assassin kung hindi sila dadaan sa gano'n proseso. Sinusuko nila sa isang gabi ang kanilang pagkabirhen saka sila sasabak sa totoong buhay. Kaya lahat silang Belladonna, hindi na mga birhen.

Desi-otso siya nung nawala ang kaniyang pagkabirhen at iniyakan niya rin ang bagay na iyon pero pagkatapos, naging mas matapang siya. Mas naging agresibong pumatay at sa una niyang misyon, torture sa malinis na paraan ang kaniyang ginawa sa biktima.

Pero wala siyang naramdamang pagsisisi o awa. Dahil din siguro sa tuwing may misyon sila noon may ini-enject sa katawan nila na isang pulang likido. Pero sa ngayon, hindi na siya nagpapa-inject ng likidong iyon. Gamay niya na ang trabaho at hindi niya na kailangan pa ang drugs na tinuturok sa kanila. Wine lang, sapat na! Ibang level ng drugs ang binibigay ng wine sa pagkatao niya. Sa wine, naaalala niya ang lahat na doon nagsimula sa bakasyon nilang pamilya na nauwi sa isang malungkot at nakakatraumang krimen.

Bumalik siya sa pagkakatulog. Nagising lang si Ramona sa ingay ng phone niyang nakalimutan niyang i-silent. Napaikot ang kaniyang mata nang makita ang code name kanilang leader.

“Si?” nagsalita siya gamit ang lenggwaheng spanish. Sa uri ng kanilang profession, alam niya paano magsalita bg sampung lenggwahe kasama ang Mandarin at French.

“Are you going to report or not?! Don't try me, Ramona.”

Nag-ikot siya ng mata. Masyado pang maaga para makipagplastikan sa mga kapwa niya assassin.

“Todavía tengo sueño,” I'm still sleepy.

“Dormirás en el infierno, si no te muestras, Ramona.” you will sleep in hell, if you won't show yourself, Ramona.

Natawa siya. Dinig na dinig nito ang malakas niyang halakhak saka niya ito pinatayan. Buo na ang kaniyang araw. Galit na ang kanilang 'Bossʼ.

Agad siyang bumangon at nagtungo ng banyo para mag-shower. Napapangiti siya sa kaharutan na ginawa niya kagabi kay Jayvion. Masarap ang lalaki! Gusto niyang ulit-ulitin iyon but not now, marami pa siyang gagawin.

Dahil pinatawag siya ng 'Bossʼ nila, panibagong assignment ito and she's much excited! Mga ganitong bagay na lang ang nagbibigay ng excitement sa kaniya plus... Not to mention, 'yong pinagsaluhan nilang sarap nang gwapong Doctor, na nahiya pang gawin collection ang kaniyang Victoria secret panty.

Well, may asawa ang lalaki and that makes her, what? Mistress? Nah, tinikman niya lang. Hindi niya pa totally inangking kaniya pero may plano siya. Alam din niyang ang totoong pangalan ng lalaking Doctor ay Jayvion Gunn L. Hyzer. The middle name stands for Lacro. Pinoy ang lalaki pero mas nangibabaw ang dugong Germany nito mula pa kanununuan.

And its nice! Meztiso ang lalaki. Yummy pa! Tuloy, naglaqay ang kaniyang bagang na tikman ulit ito but not now. Maybe later or depends.

Paano niya nalaman na hindi ito Usuro? Her instinct told her so. Hindi totoong Usuro ang apilyido nito. Trick lang ito ng lalaki lalo na at walang nakakaalam ng mga board members nito na ito ang nagmamay-ari mismo ng Hyzer Medical Groups.

Aww, humbleness, meekness and whatever! Ganiyan siya kapag gusto niya ang isang bagay, inaalam niya lahat in her own ways. May mga taong gumagawa sa kaniya at nagbibigay ng impormasyon minsan for free, minsan naman milyon ang bayad lalo na pagdating kay Uno na labas na sa grupong kaniyang kinabibilangan.
Kung hindi lang magaling ang utak ni Uno, nungkang lalapitan niya ang binata.

Matapos siyang maligo at inayos ang sarili, tinungo niya ang kaniyang sasakyan sa. Parking lot. May tatlo siyang sasakyan nando'n pero mas pinili niya ang kaniyang ginamit kahapon. deritso niyang pinasabad ang kaniyang sasakyan na automatic ibang plakang gamit at ibang kulay nang makasakay siya.

“What a wonderful day! Panibagong assignment, panibagong papatayin ulit!” Nag-unat siya ng kamay at malawak ang ngiting napatingin sa bawat establishementong nadadaanan. Walang kaalam-alam ang mga ito na dumaan ang kriminal na pumatay ng mahigit labin-lima.
Of course, kay Jayvion ang iba roon. Hindi siya maramot at mapang-angkin.

Marami na rin siyang pinatay at kinunan ng pagkakataon mamuhay ng normal. Especially, mga taong kumukulo ang kaniyang dugo. Kahit hindi niya trabaho, kinukuha niya lalo na 'pag nalaman niyang mas maitim keysa kaniya ang dugo.

Oh, it gives her chill! Mga ganiyang tao ang pinakagusto niya sa lahat na kitlian ng buhay. Nakakadagdag thrill kapag lumuluhod at nagmamakaawang huwag patayin.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now