EP 26 - HANDCUFF

3.5K 174 9
                                    

NAPAKUNOT-NOO si Ramona nang matanaw niya si Jayvion, kausap nito si Quattour sa loob ng isang French Restaurant. Dalawang linggo na ang nagdaan at dalawang linggo na rin niyang hindi naalala si Jayvion. Masyadong naging focus ang kaniyang isipan sa paghahanap ng kasagutan ng kaniyang paghihigante at nakalimutan niya ang lalaki sa loob ng linggong ito. Bigla niya tuloy naramdaman ang bugso ng damdamin na gusto niyang makita ang anak nitong si Nadezhda.

Nagkibit na lamang siya ng balikat at deritsong pumasok sa loob ng restaurant. May kikitain siyang tao sa araw na ito at isa itong lalaking may alam sa lahat ng klaseng organisasyon. Nakuha niya ang profile nitong kaharap niya thru dark web. Dahil hindi siya mahilig sa bar met-up, mas pinili niyang sa French Restaurant na ito sa Makati.

Halos mabali ang lahat ng leeg ng mga taong nandoon sa kaniyang pagpasok. Nakasuot na naman siya ng pulang damit at halos ang pribadong parte na lang ng kaniyang katawan ang natatakpan sa sobrang daring at sexy. Isali pa ang taas ng takong na kaniyang suot na bawat hakbang niya ay lumilikha ng ingay. Nagmistula siyang isang dyosa ng panganib!

"Did I make you wait?" nakangiting tanong niya sa ka-met up nang araw na iyon.

"No. Kakarating ko lang din." Tumayo ito at ito ang nag-offer sa kaniya ng upuan.

Agad siyang umupo at maarteng nagpasalamat dito. Gwapo ang lalaking nasa harapan niya. Nakakalaglag panty sa madaling salita. Ang buong akala niya ay isa itong matanda at malaki ang tiyan dahil na rin sa anonymous ang profile nito.

"By the way, I'm Aurora." Naglahad siya ng kamay.

"Mordeccaii." Tinanggap nito ang kaniyang kamay.

"Real name or not?"

Nagkibit lang ito ng balikat sa kaniyang tanong. Mordeccaii? Pangalan pa lang, yummy na! Natawa siya sa kaharutan ng kaniyang isip pero hindi ito pasado sa kaniyang taste bud. Tanging kay Jayvion lang siya nakaramdam ng matinding attraksyon pagdating sa init ng katawan. Sa pangalan pumason sa kaniyang utak, bigla siyang napasulyap sa deriksyon ni Jayvion at hindi na siya nagtaka kung bakit nakita niya itong nakatingin sa kaniya. Tiningnan niya lang ito ng ilang segundo at binalik ulit ang mata sa kaharap ng lalaki.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. ito ang grupong gusto kong malaman." Nilabas niya ang isang larawan na siya ang nagkusang nagguhit. Bawat detalye ay kuhang-kuha niya. Hindi lang iyan, binigay niya pa ang tattoong letrato ng lalaking pinatay niya. Nakuha niyang kunan ng larawan ang lalaki nung bumalik siya sa bodega kinabukasan.

"I need the result within this week," anas niya. Kinawayan niya ang waiter at agad itong lumapit sa kanila. "Wine, please? Oh, I'm starving. Kain muna tayo, is that okay with you?" baling niya sa binata.

"Yeah." Ngumiti ito.

"Nice!" Ngumiti siya nang matamis. Ganito naman talaga siya nakikipag-usap sa mga customer nila at mga taong nakakasalamuha. Binibigay niya ang kaniyang mapang-akit na ngiti na sa likod ay isang lason.

Sabay silang nag-order dalawa ni Mordeccai. Tubig lang ang drinks nito pero siya dalawang wine. Kung pwede, isang botelya agad. Nang makaalis ang waiter, agad siyang naglabas ng sobre kung saan may laman pera. Kalahating bayad iyon ng kanilang napag-usapan.

"Pretend that I'm your date, Mordeccaii." Malambing anas niya at pasimpleng inabot dito ang pera saka hinawakan ang kamay nito. "He's watching us."

Napakunot noo naman ito sa kaniyang sinabi. Kumindat siya para bigyan ito ng senyales. Napatango naman ito at pasimpleng lumingon.

"I get it. Lovers." Gumanti ito ng ngiti at hinawakan ang kaniyang kamay.

Kung sa malayo silang tingnan, para silang may relasyon dalawa at iyon ang itatak niya sa isipan ni Jayvion para hindi na ito panay sulyap sa kanilang dalawa ng kausap niya. Tapos na siya sa lalaki, hindi ba at ito ang gusto ni Jayvion sa kaniya? Ang umalis sa buhay nito. Nakaalis na siya kaya ano pa ang tinitingin-tinigin nito na parang may malaking utang siya rito.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now