EP 12 - MOMMY

3.5K 173 5
                                    

Nakataas ang kilay ni Ramona habang naka-dekwatro ang kaniyang paa. Nakaupo siya sa sofang nandoon. Nasa loob siya ng silid ni Nadezhda habang ang bata ay naglalaro ng mga princess doll nito, siya naman ay bagot na bagot na gusto niyang pumatay ng kriminal.

Naikot niya na yata lahat ang kaniyang buhok at nabilang lahat ang mga dahon ng halaman sa loob ng room ng bata sa sobrang bored. Unang araw niya sa pagbabantay sa bata at gusto niya nang umalis sa silid nito!

Nakaalis na ang lalaki. Gusto man niyang sumunod, wala siyang magawa. Dapat first impression nito sa kaniya ay mabait siya at mapagkatiwalaan ng anak nito kahit kanina pa niya gustong takasan ang bata! Oh sweet heaven! Sayang ang kaniyang outfit na pula at heels.

"Nanny, let's play po?" Lumapit sa kaniya ito habang kalong-kalong nito ang manikang halos kasinglaki nito.

Umismid naman siya sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya ng Nanny. Nanny like hello? Sa sobrang ganda niya? Napailing siya at tinuro ang space na sofa sa kaniyang tabi. Sinenyasan niyang umupo ito.

"Don't call me Nanny, okay?"

"But Daddy said, I call you Nanny po."

Umismid siya tinanggal ang paa sa pagdidekwatro. Linapit niya ang kaniyang mukha sa magandang mukha ng bata at tinitigan ito. Gusto niyang matawa nang makita ang kaniyang sariling repleksyon sa kislap ng mga mata nitong kulay light brown. Katulad ito ng kaniyang mata.

"Instead of calling me Nanny, why not 'Mommy'?"

Namilog naman ang mata nito at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. "Talaga po? I can call you Mommy?!"

Ang lakas ng kaniyang halakhak. "Why not, sweetcakes? Mommy is more way better." Kinindatan niya ito. "Now, balik ka na sa paglalaro mo and don't disturb your Mommy, okay?"

Tumango naman ito at sinunod ang kaniyang sinabi. Bumalik ito sa paglalaro mag-isa kasama ang mga manika habang siya at nagsimulang maghanap. May nabuong kalokohan sa kaniyang utak.

Ngayon tinatawag na siyang Mommy ni Nadezhda, hihingiin niya ang picture ng sinasabi ng batang kamukha niya at ikompara ang sarili.

"Hey sweetcakes!"

"Po?"

"Let me see your Mom's photo."

"You mean my real mom po?"

Tinatamad na tumango siya. nakapameywang habang ang isang kamay ay naghihintay na iabot nito ang larawan sa kaniya. Tumalima naman ito at may kinuha sa ilalim ng unan nito. Oh yes, bakit 'di niya naisip ang bagay na ito?

Inabot nito sa kaniya ang 4R picture. Nakangiting tinanggap niya ito para lang mapaismid nang titigan niya ang babaeng nasa larawan. Malabong kamukha niya ang babaeng walang ka-make up sa larawan! Duh!

Nakasuot pa ito ng hospital gown at walang kakislap-kislap ang mata ng babae. Nakatali ang buhok nito at malalim ang mata. Argh! Ito 'yong mga mukhang ayaw niyang makita.

Mabilis niyang binalik sa bata ang larawan. Isa lang ang masasabi ni Ramona, hindi niya kamukha ang sinasabi nitong Mommy. But wait, muli niya itong kinuha sa bata. Tinitigan niya ang mukha ng babae at kinunan ng picture. ipapadala niya ito kay Uno at ipapahanap kung saan nagtatago ang sekretong asawa ni Jayvion.

"You look alike 'di ba, Mommy?"

Tiningnan niya lang ang masayang reaksyon ni Nadezhda. "You have another photo of your Mom?"

Umiling ito. "Naka'y Daddy po. Ayaw niyang may picture ako ni Mommy. Hate niya po."

"Talaga?" Muli siyang umupo ng padekwatro sa sofa. Pinagmasdan niya ang larawan na sinend niya kay Uno. Mamaya pa siya rereplyan ng binata alam niya na iyon hangga't wala siyang perang pinambayad. "Saan ba ang Mommy mo?"

"I don't know po." Binalik nito ang atensyon sa paglalaro ng manika. "Daddy said ayaw niya kay Mommy kasi she's bad and mean. She left me when I was a baby."

"Aww you poor child." Inabot niya rito ang picture at muli itong tinago ni Nadezhda sa ilalim ng unan nito. "You miss your Mommy?"

"Sometimes po. But I have a new Mommy and it's you, right, Mommy?"

Ngumiti lang siya ng pilit para hindi na humaba ang usapan nila ng batang paslit. Apat na taon pa lang ito at ang daldal na! My God! Lumabas siya sa silid ng bata at deritsong tinungo ang kaniyang silid. May delivery siya ngayon galing sa kilalang Doctor.

Nagpadeliver siya ng dark red paint para sa wall. Red na kurtina, bedsheet, kumot and such! Lahat nang mga nakita niyang hindi kaaya-aya sa kaniyang mata, papalitan niya. Wala siyang pakiaalam sa rules na binigay ni Jayvion kanina bago ito umalis. Pasalamat ito at hindi siya sumunod.

Nahirapan pa siyang natulog kagabi. Paikot-ikot at kung hindi niya pa tinabi si Aurora, hindi siya makatulog ng mahimbing.

"Helloooo Aurora! Nabaguhan ka ba sa bahay natin ngayon?" Kinuha niya ang alaga mula sa vivarium na kinuha niya sa sala.

Totoo niyan, isa itong malaking aquarium na ginawa niyang vivarium. Nilipat niya ang limang gold fish at finlash ito sa toilet bowl. Sinabihan niya na rin ang dalawang katulong na huwag na huwag itong magsumbong sa lalaki na nilagay niya sa toilet bowl ang mga isda. Sa takot ng mga ito sa kaniya, sabay-sabay na nagsitanguan ang mga ito.

"Yes, yes, I know excited ka lang." Hinalikan niya ang ulo ng ahas at muli itong binalik sa loob ng bahay nito. Eksakto naman nag-ring ang phone niya at text ito galing kay Dr. Quattuor. Sinasabi nitong nasa harapan na ito ng bahay at nilagay lang nito sa labas ng gate ang delivery niya.

Agad siyang bumaba at bago niya buksan ang pintuan, nag-register muna siya ng kaniyang mukha sa security lock na nilagay ni Jayvion. Natawa na lang siya dahil kahit doblehin pa nito ang ilagay nitong lock, alam niya pa rin kung paano pumasok lalo na 'pag ito ang subject ng kaniyang obesyon.

Isang malaking karton box ang kaniyang nakita sa labas. Hindi na siya nagpatulong sa mga kasambahay dahil may kaniya-kaniyang ginawa ang mga ito. Pero bago niya naipasok sa loob ng bahay ang karton box, humahangos na lumapit sa kaniya ang isang kasambahay at halatang takot na takot sa kaniyang presinsya.

"Ma'am Aurora!"

"Oh?"

"Si... Si Dr. Jayvion po, kausapin kayo..." Nanginginig ang kamay nitong inabot sa kaniya ang wireless phone at agad dumestansya.

"Hi Honey!"

Isang mura naman ang nakuha niya kay Jayvion na kaniyang tinawanan lang. masyado talagang high blood ang lalaki sa kaniyang kagandahan!

"Kakasabi ko lang kanina Aurora, hindi allowed ang kahit anong delivery sa bahay ko! Huwag mo akong hintayin na bumalik sa bahay ko at kaladkarin din kita paalis mismo."

"Ang init ng ulo mo." Napairap siya sa hangin at muling pinasok sa loob ang box. Nagbigay pa ito ng babala kaya napilitan siyang buksan ang box at inisa-isa paglabas ng mga item. May mga cctv ang buong bahay kaya bahala na ito!

"Hindi ito mga improvised bombs o baril!" nameywang siya. "Pero kung ayaw mo maniwala, pwede kang bumalik dito at tulungan mo akong magpinta ng guest room ng dark red. Oh sweet heaven, Jayvion Gunn Hyzer! And dull ng kulay ng silid na pinagdalhan mo sa'kin. It makes me sick, thank you!"

"I warned you Aurora."

"Hanggang ilang warning ba meron?"

"Damn you!" Nawala ito sa kabilang linya.

Habang siya ay nagkibit ng balikat at binalik sa kasambahay ang wireless phone. Muli niyang pinasok sa bahay ang box kahit bawal. So what? Gusto niyang magpinta ng buong silid. Isa pa, binabantayan niya si Nadezhda kahit hindi niya feel magbantay. Mabuti at mabait ang bata at nakikinig sa bawat sabi niya.

"Mommy!"

Napalingon siya sa batang sumalubong sa kaniya. Bitbit niya ang box sa dalawang kamay at nasa hallway siya papunta sa silid niya. 

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now