EP 25 - PULA

3.3K 137 4
                                    

PINAGMUMURA ni Ramona si Uno nang wala itong maibigay sa kaniyang impormasyon. Binasag niya mismo sa harapan nito ang botelya ng wine nito at pinagduduro ito. Pinahanap niya rito ang grupong pinagmulan ng tattoo pero ang sabi nito, matagal ng wala ang grupong iyon. Tatlong taon na ang nakaraan ayon na rin sa nakalap nitong impormasyon.

"You think I am lying? Kung ayaw mo pala sa naging impormasyon binigay ko sa'yo. Then leave." Tinuro nito ang pintuan. Walang reaksyon ang mukha nito.

Muli niyang binasag ang mga kopita nitong nakahilera at nilisan ang bar nito na punong-puno ng poot ang puso. Naghintay siyang bumukas ang bar nito para maibigay ang impormasyong pinapahanap niya at wala rin pala itong maibigay.

Napailing na lamang si Uno at sinundan ng tingin si Ramona. May alam siya sa grupong hinahanap nito pero hindi niya na forte ang mangialam sa buhay nito. Si Zerus lang ang nag-iisang kaibigan niya at sa lalaki lang siya nagbibigay ng totoong mga impormasyon. Maliban diyan, pagdating kay Ramona, wala siyang oras sa dalaga.

Ang hinahanap nitong mga kasagutan ay ito lang din mismo ang makakasagot at hindi sa pagiging magaling niya sa Cyber World. Ayaw niya ng mangialam sa pagiging pyschopathic ng babae at kung hindi naibigay ang gusto, nagwawala. Tapos na siya sa pahinang sinusunod ang gusto nito noon. Ngayon nasa okay ng kalagayan ang kaniyang kaibigan, kampante na siya.

TINUNGO ni Ramona ang kaniyang kotseng naka-park pagkalabas niya sa bar ni Uno. Binuksan ang pintuan nang may nagsalita sa kaniyang likuran.

"Aconite."

Matalim ang matang tiningnan ni Ramona si Arielyn. Alam niyang nakasunod ito sa kaniya simula sa pagpasok niya sa bar ni Uno.

"What are you doing here? Last time I checked, hindi tayo magkasundo." Tinuon niya rito ang baril niya. Mainit ang kaniyang ulo at ayaw niyang maisturbo sa pag-iisip niya.

Ngumiti lang ito at nagtaas ng kamay. "Hey, I'm not your enemy."

"Talaga lang? Dahil lahat ng kasapi ng grupong pinagmulan natin, hindi kaibigan ang tingin ko kundi kaaway." Nanatiling nakatutok pa rin ang baril niya kay Arielyn. "Bakit mo ako sinusundan? Don't fuckin' tell me, ako ang assignment na binigay sa'yo ni Raquel? Cuz believe me, hindi namimili ang baril ko ngayon ng papatayin."

"I know. That's why in the first place I never treat you as a friend nor enemy. Nandito lang ako para sabihin na mali ang pagsama mo kay Dr. Jayvion Usuro."

Binaba niya ang baril at tinaasan lang ito ng kilay. "The hell you care?" Deretso niya itong sinarhan ng pintuan ng kaniyang kotse. "Huwag kang pakialamera, Nerium. Maraming namamatay diyan, just mind your own business."

Nagkibit lang ito ng balikat. "Ciao!" At naunang tumalikod sa kaniya.

Nangangalaiti pa rin siya at inis na pinaharurot ang kaniyang sasakyan pabalik sa kaniyang bahay. Magpapakalunod siya ng mamahalin niyang wine collection. Nang sa gano'n makapag-isip siya ng matino at kakalma.

Kung nandito lang sana si Zerus para ito ang utusan niyang kilitiin ang kaibigan nitong si Uno. Kung sabagay, sino pa ba ang kaniyang aasahan kundi ang kaniyang sarili?

-

MALALAKI ang hakbang na tinungo niya ang collection ng kaniyang mga wine. Sa bawat sulok ng kaniyang bahay ay may mga botelya ng iba't ibang klaseng wine kaya hindi nakakapagtaka na sa wine umiikot minsan ang buhay niya. Agad siyang pumili ng matapang na inumin pero masarap. Napangiti siya nang mapili niya ang wine na nagmula pa sa Paris.

Binitbit niya ito patungo sa kaniyang silid at agad niyang pinaghuhubad ang suot niyang damit. Binati niya muna si Aurora na panay ang galaw sa bahay nito.

Nagpatugtog muna siya ng saxophone music at deritso niyang tinungo ang malaking bath tub. Kailangan niya ng wine, music at bath tub nang sa gano'n, kakalma ng tuluyan ang kaniyang sistema.

Mag-iisip siya kung saan siya magsisimula pagkatapos nang gabing ito. Tinungga niya ang wine mula sa botelya at saka pinikit ang mata... 

"Simula sa araw na ito, mamimili ako," boses ito ng babaeng presidente ng organisyon kinabibilangan nila. Nasa arena sila na napapalibutan ng electric fence. Habang nakaupo ang presidente nila sa mahabang upuan patalikod sa kanila. Nasa itaas na bahagi ito at pula ang suot ng babae, "Iilan na lang kayong natira at alam ko lahat kayo ay matitibay at nakita ko na ito. Pero hindi rito magtatapos ang lahat. Masyadong marami ang 38 na kababaehang assassin. Ang kailangan ko ay anim. Anim na mahuhusay, magagaling at hindi takot patayin kahit sarili niyang buhay para sa nasabing organisasyon ito."

Hindi kumibo si Ramona. Nasa likuran siyang bahagi dahil sa tangkad niya. Wala pa man, nakadama na siya ng excitement sa araw na ito. 50 sila noon pero dahil sumuko ang katawan ng iba, namatayan sila ng dose. Hindi niya alam na anim lang ang kukunin ng presidente ng organisasyon pero alam niyang siya ang una.

Ilang taon silang nakatago sa loob ng islang ito. Sinanay. Minulat sa pangit na sistema ng mundo at pinaramdam na hindi lang sila babae lamang, kundi babae sila na dapat katakutan ng mga kaaway. Tinanim sa kanilang isipan na ang buong buhay nila ay para sa nasabing grupo.

"Nakikita kong handa na kayo lahat. Handa na kayong makipagpatayan sa araw na ito, tama ba?"'

Panabay silang sumagot lahat. Naghihintay kung anong isusunod na sasabihin ng presidente. Hinahanda niya ang kaniyang sarili.

"Lumingon kayo sa kanan. Kumuha kayo ng bola bawat isa sa loob ng malaking kahon na iyan. Sa bawat bola, may mga numerong nakalagay at kulay."

Sinunod nila ang utos ng presidente. Kaniya-kaniya silang kuha ng numero at tiningnan niya ito ang napili niya. Napangiti siya nang makitang pula ito at pangsampu ang kaniyang bilang.

Nang matapos silang makuha ang lahat ng numero nila, bumalik sila sa kani-kanilang linya. Lahat ng kulay pula, asul at itim ay pinalipat. Hawak nila ang numerong magdidikta sa kanilang kamatayan bawat isa.

"Alam niyo naman siguro ang ibig sabihin ng mga numerong hawak niyo pero heto at uulitin ko. Sa kaliwang bahagi, nakalagay lahat ng mga sandatang pwede niyong gamitin sa kaaway niyo ngayon. Lahat kayo ay magkaaway sa arenang ito. Nasa inyo kung anong klaseng sandata ang gamitin niyo, maliban sa baril, hindi ko ina-allow ito. Ngayon, bawat kulay at numero na magkapareha ay siyang mag-aaway. Isa lang ang pwedeng lumabas sa arena. Walang rules sa larong ito. Nasa inyo kung paano niyo patumbahin at patayin ang kalaban niyo. Basta ang gusto ko, iisa lang ang pwedeng lumabas sa arenang iyan. Ang hindi sumunod, baril ko ang sasalubong. Naintindihan niyo ba lahat?!"

"Yes." Magkapanabay na sagot nilang lahat.

Ang mga kasama niya ay nakikita niya at naamoy sa mga galaw ng mga ito ang pag-alala at takot para sa sariling buhay. Siya lang ang nanatiling kalmado at naghahanda. Buo ang kaniyang sariling papatay at magiging katulad ng presidente nila.

Ilang sandali pa ay nagsimula ang madugong laro nila sa araw na iyon. habang siya ay napangiti lang habang nanonood sa mga ito na nagpapatayan. Bawat talsik ng dugo sahig ay nagpapadagdag ng excitement sa pagkatao niya. Pinangako niya sa sariling papatayin niya sa nakakabrutal na paraan ang magiging kalaban niya sa arena.

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now