EP 28 - PAIN

3.7K 160 2
                                    

NAPANGITI na lamang si Ramona habang pinagmamasdan ang magandang tanawin na nasa kaniyang harapan; ang malapad na likod ito ni Jayvion. Nasa harap ito ng kawali at nagluluto ng breakfast nila sa araw na iyon. natakam siya ulit, hindi sa luto nitong fried rice, bacon at egg, kundi sa katawan nitong walang awang nakabandalara sa kaniyang mata.

Matapos siyang angkinin nito nang dalawang beses ngayon umaga sa magkaibang posisyon, hindi na siya umangal. Ano pa ang irarason niya? Nakuha na nito ang kaniyang kiliti. Hindi lang kiliti, pati ang walang kwentang puso niya.

"Hungry?" Nakangiting sumulyap ito sa kaniya habang sinasalang sa lalagyan ang bacon na niluto nito.

Ngumiti naman siya at napabungisngis. Ganito pala ang pakiramdam kapag kinikiliti ang puso ng isang tao. Unang pagkakataon niya lang ito naramdaman. Naririnig niya lang ang salitang kilig sa mga kabataan na nadadaanan niya.

"Oo!" Umayos siya ng upo. Ginagawa siyang teenager ni Jayvion at damang-dama niya ang sinasabi nitong pag-aari lang siya nito. Gusto niya ang pagiging agresibo at dominante ng lalaking Doctor. Nasanay siyang, siya lagi ang dominante rito.

"I feel it. May 6th sense ako that instead of these foods I cooked, ako ang gusto mong kainin."

Ang lakas naman ng kaniyang halakhak. "How did you know?"

Nagkibit lang ito ng balikat at inayos ang pagkain sa mesa niyang isang beses sa isang buwan niya lang nagagamit. Kumuha rin ito ng mug sa cup board at tinimplahan siya ng kape na may creamer. Mabilis siyang umayaw at mas gusto niyang wine pero sumenyas lang ang lalaki na hindi ito aalis buong araw kung ipipilit niya ang kaniyang gusto.

"Okay-okay, a little sugar and add more creamier please?"

Kinindatan naman siya nito at mabilis na sinunod ang kaniyang gusto. Parang tumaba ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan niya at inaasekaso siya. Masarap din pala sa pakiramdam na may taong nag-aasikaso sa kaniya.

"What about Nadezhda, baka hinanap ka na ng anak mo?"

"She's with her Lolo-Dad. Kapag nandoon ang anak ko kasama ang mga pinsan niyang galing States, nakakalimutan ng anak ko na Ama niya ako."

Natawa naman siya. nang bumalik ito, may bitbit na itong timplang kape at ang macho nitong tingan kapag boxer short lang ang suot. Nag-iisang tattoo lang ang meron ito at iyon ay nasa kamay nito. The rest, malinis itong tingnan at ang gwapo.

"I thought, you're angry?"

"For whom? You?"

Tumango siya. Umupo naman ito sa kaniyang tabi at sinimulan siyang asikasuhin na parang mag-asawa silang dalawa. Nung nasa bahay siya ng Hyzer, hindi nito ginagawa sa kaniya ang bagay na ito. Nakakapanibago!

"Nadamay ko anak mo..."

"I should be the one to apologize."

"What do you mean?"

Ngumiti lang ito at nagsimulang kumain. Nagkibit lang siya ng balikat at nagsimulang sumubo ng kanin. Sa kauna-unahang pagkakataon, ito pa lang ang almusal na na-appreciate ni Ramona sa loob ng maraming taon. Ilang sandali pa ay magana siyang kumain kasabay si Jayvion. Nagpalitan pa sila ng biruan na parang matagal silang magkaibigan at paminsan-minsan ay sinusubuan siya nito na parang bagong mag-asawang nasa honeymoon stage ang relasyon.

-

MABILIS na inayos ni Ramona ang kaniyang sarili nang umalis na si Jayvion. May natanggap itong tawag kaya napilitan itong lumisan sa bahay niya na kaniyang pinagpasalamat dahil magkikita pa sila ni Mordeccaii. Ang sabi ni Jayvion, Attorney ito but who cares? Ang impormasyon ang kaniyang kailangan, hindi ang credentials ng lalaki.

Nakasuot siya ng red halter dress at mahabang takong na sapatos. Smokey make—up ang kaniyang nilagay sa kaniyang mukha bago siya nagmadaling lumabas ng bahay at tinungo ang kaniyang kotse. Pero gano'n na lang ang inis niya nang makitang flat tire ito at pati ang ibang sasakyan niya. Napilitan siyang mag-taxi. Alam niyang si Jayvion na ang may gawa sa kababalaghan nangyari sa kaniyang mga sasakyan.

He's cute when he's jealous. Napangiti na lang siya.

"Saan tayo Ma'am?"

Sinabi niya ang pangalan ng restaurant sa makati at mabilis na tumango ito. Habang siya ay hindi pa rin nawaglit ang kaniyang ngiti. Parang sirang plakang bumabalik sa kaniyang utak ang eksena kagabi at kanina.

"Ma'm inlove kayo 'no?"

"Ha?" takang napatingin naman siya sa driver mula sa rearview mirror. Nanunudyo ang mata nitong nakatingin sa kaniya. "Paano niyo nasabi, Manong?"

"Kanina pa kayo nakangiti Ma'm, eh. Nangingislap pa ang mata ninyo at tatlong beses niyo na rin dinama ang labi ninyo. Siguro naisip niyo ang jowa niyo, Ma'm 'no?"

Ngumiti lang siya at hindi sumagot. Nasa maayos siyang mood ngayon at dahil magaan ang gising niya sa araw na ito, nakuha niyang makipagkwentuhan sa driver hanggang sa dumating siya sa kaniyang destinasyon. First time na nangyari sa kaniyang makipagkwentuhan sa ibang tao dahil minsan, mas gusto niyang kausapin ang kaniyang alagang si Aurora keysa sa iba.

"Thank you Ma'm! ipagdasal ko kayo ni Sir na biyayaan ng maraming anak sa dulo." Nagagalak na saad nito nang bigyan niya ito ng dobleng bayad. Kumaway pa ang matandang driver sa kaniya.

Natawa lang siya at tumango saka siya nagpasyang tumalikod at dertisong tinungo ang loob ng Restaurant kung saan alam niyang naghihintay si Mr. Mordeccaii Whatever kung totoong pangalan ba ito o hindi.

Tama nga siya, andoon ang lalaki at matamang naghihintay sa kaniya. Nasa harapan nito ay dalawang kopeta ng wine at may ginagawa ito sa laptop na dala nito.

"Hi, sorry for the inconvinience. Got stuck in the traffic." Umupo siya.

Ngumiti lang ito nang magtaas ng tinign sa paraang hindi naniniwala sa kaniyang sinabi. Sinara nito ang laptop na gamit nito. "From your looks, hindi ko masasabing na-stuck ka sa traffic, Ms. Aurora. I might say, na-stuck ka sa isang lalaki sa isang lugar at ito ang dahilan ng pagkatagal mo na dumating dito."

Namangha naman siya at sinabayan ito ng tawa. She likes this man! Kaya nitong basahin ang kaniyang munting galaw. Konti lang ang nakakapansin niyon.

"So, do you, have it?"

"Yes." Inabot nito sa kaniya ang isang brown envelope na naglalaman ng mga impormasyon na kailanga niya.

"Great!" Kinuha niya sa kaniyang bag ang isang box na nakabalot ng pulang wrapper at ribbon na naglalaman ng malaking pera at binigay sa kaharap. Para itong regalong tingnan. "I guess, I need to take my leave now Mr. Mordeccaii. Have a good day!"

"Wine?" Inabot nito sa kaniya ang kopita. "You need this to calm. Hindi mo magugustuhan ang mababasa mo diyan mamaya."

Nagkibit siya ng balikat. May punto si Mordeccaii. Kinuha niya ang kopita at inamoy ito. Nang masigurong wala itong halong lason o anuman chemical, tinungga niya na ito at mabilis na tumalikod. Hindi siya makapahintay na malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay ng kaniyang pamilya. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang siya nagkaroon ng matinding pagkagusto para hukayin ang matagal ng nakabaon sa limot na galit. Galit na siya rin ang binago.

"Don't trust anyone, Aurora. Au Revoir." Good bye. Naunang lumabas ang lalaki sa kaniya sa restaurant na iyon at sumakay sa sasakyan nitong kumikislap ng mamahalin salapi.

I don't like his tone. Nagkibit siya ng balikat at maarteng pumara ng taxi. Nagpahatid siya deritso sa kaniyang isolated na bahay. Maghahanda siya sa kaniyang pagsanib mamayang gabi at pinag-iisipan pa niya kung isasama niya si Aurora sa paghihiganteng gagawin niya.

I guess, Aurora needs to be there with me. Ipaparamdam ko ang sakit na ginawa nila sa'kin. I will give them back the pain they gave me. Akin ang orasan ngayon. 

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now