EP 29 - GUNNER

3.3K 158 14
                                    


"THE hell! Why did you not tell me?!" galit na tanong ni Jayvion sa matandang driver na inutusan niyang maging taxi driver ni Aurora kung sakaling lumabas ito ng bahay.

"Sinabi ko na sa inyo, Sir, sa pamamagitan ng text. Nakailang beses akong tumaawag sa inyo, hindi niyo rin sinagot." Napakamot ito sa panot nitong ulo. "Pero ang bait ng jowa niyo, Sir, ah. Binigyan niya ako ng dalawang libong pamasahe. Kinwento ka rin niya sa'kin Sir, at naku Sir! Masasabi kong mahal na mahal ka ni Ma'm."

Bigla naman nawala ang kaniyang galit at mabilis na napatingin sa matanda. "What?"

"Tama ang sinabi ko. Ni-record ko pa nga baka sakaling gusto niyong marinig kung gaano kasaya ang boses ni MA'm habang papunta kami sa restaurant. Nandito sa phone ko ang trenta minutong record ko—"

"Ito Manong, bumili na lang kayo ng latest Iphone. Akin na ang phone niyo!" Mabilis siyang kumuha ng cheque sa kaniyang attache case at naglagay ng malaking amount doon.

Nagliwanag naman ang mata nito at tuwang-tuwang tinanggap ang chekeng binigay niya. Binigay nito sa kaniya ang android nito at saka siya nagmadaling umalis sa bahay ng Uzuro. Kung hindi lang tumawag ang kaniyang pangalawang Ama at sinasabing hinahanap siya ni Nadezhda na umiiyak dahil nahulog sa mababang slide na pinaglalarun nito, hindi siya nagmamadaling umuwi sa bahay ng Uzuro. Kapag ang kaniyang anak na ang pinag-uusapan, nagiging blangko ang lahat sa kaniya. Kaya siguro naging spoiled masyado si Nadezhda sa kaniya dahil konting ungot lang nito, binibigay niya agad. Maliban lang kay Aurora. sa ngayon, hindi niya kayang ibigay ang babae sa kaniyang munting prinsesa. Mapanganib si Aurora.

Mahal niya ang dalaga, pero kung kaligtasan ng kaniyang anak ang pag-uusapan, mas pipiliin niya ang kaniyang anak. Pero ngayon? Damn! Sana hindi pa siya huli. Ginawa niya ang lahat para pigilin ang ginawang paghuhukay ni Attorney. Mordeccai laban sa grupong hinahanap ni Aurora pero kahit gaano siya kagaling, nalusutan pa rin siya ng taong kinuha nitong maghukay ng impormasyon.

Napamura siya nang maalala niya ang ginawa nilang pag-uusap ng binatang lawyer...

"What made you think that I won't give her these informations she asked?"

"Don't try me, Attorney." May pagbabanta sa kaniyang boses.

Ngumisi lang ito at umiling-iling. "Sayang ang pagmamahal na nakikita ko sa mata ng babaeng mahal mo. I feel sorry for her. Ngayon pa lang, magdasal-dasal ka na mas malaki ang pagmamahal na nararamdaman niya sa'yo dahil kung hindi, kinakalungkot kong iba ang magiging destinasyon ng buhay mo, Dr. Usuro. Siya ang kliyente ko, hindi ikaw. Kahit bayaran mo pa ako ng tripleng halaga, hindi ko masusunod ang gusto mo. May isang salita ang isang kagaya ko, at iyon ay ang hindi ako nabibili ng salapi nang kaaway."

Napabuntunghinga si Jayvion. Mas binilisan niya ang kaniyang pagmamaneho para makarating sa naturang lokasyon sa Makati. Hindi pwedeng maibigay ni Mordeccaii ang mga dokumentong naglalaman ng mga lahat. Kagabi lang ay sinubukan niyang kunin ang mga dokumentong ito sa bahay ng lalaking lawyer pero bigo si Jayvion. Isang tuso si Mordeccaii at kung hindi lang tumawag ang kaniyang anak na umiiyak, siya ang makikipagkita sa lalaki imbes na si Aurora.

"Damn! Bakit ang bagal ng takbo ko ngayon?" naiinis na anas niya kahit halos lumipad na siya sa daan sa kaniyang naging takbo. Nang-aagaw na rin siya ng linya para lang makaabot.

Pero pagdating niya, walang Aurora na sa restaurant. Tinanong niya ang waiter at binigay ang description ng babae. Agad nitong sinabi na nakaalis na 5 minutes ago. What the hell! 5 minutes?! Mabilis siyang sumakay sa kaniyang kotse at nagtungo sa bahay ng dalaga. Alam niya ng araw-araw na galaw nito kaya mabilis sa kaniyang sundan ang babae.

Pero nang dumating siya sa bahay nito, walang Aurora siyang nadatnan. Sinuyod niya ang bawat silid at kailangan nilang mag-usap dalawa pero wala ito. Dito siya kinabahan. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway at butil-butil na pawis ang pumatak sa kaniyang noo.

Iisa lang ang naamoy ni Jayvion at ito ay panganib.

BAGSAK ang balikat ni Jayvion na bumalik siya ng kaniyang bahay. Kailangan niyang maghanda at pigilan ang dalaga sa gagawin nitong panganib. Alam niyang walang kinakatakutan ito, na hindi ang isang tulad niya ang magbibigay ng takot para sa pagkatao nito pero may isang rason siya para itigil nito ang paghihiganteng gusto nitong mangyari.

Nakita niya na kung gaano ito kahalang ang kaluluwa 'pag pumapatay. Inaamin ni Jayvion na siya ang pumatay sa taong nagbebenta ng lobo para hindi ito makapagsalita laban sa grupong hinahanap nito.

Ilang sandali pa ay pinagmasdan ni Jayvion ang kaniyang tattoo sa kamay. 15 years ago, pinabura niya ang naunang tattoo at pinalitan ng pangalawang tattoo na naayon sa kaniyang panlasa.

Eksaktong pagdating niya ng bahay, nasa labas ang sasakyan ni Addavan at matamang naghihintay sa kaniya.

"Gunner!"

"I'm fucking busy, saka na tayo mag-usap. Kailangan kong mahanap si Aurora." Hindi niya na pinansin ang kaibigan Doctor. Deri-deritso na siyang pumasok sa loob ng kabahayan at agad naman sumunod sa kaniya si Addavan. May dala itong panibagong isda.

Nung nakaraan linggo lang ay muntikan na siyang patayin nito dahil sa mga isda nitong pinalitan ni Aurora ng ibang lahi. Ngayon ay nagdala na naman ito ng panibagong alagain niya.

"Ano ba ang ginawa mo at gulong-gulo 'yang utak mo diyan sa babaeng iyan? Fucking no way, Gunner! Huwag mo akong sabihan na—"

"Yes, you're right."

Napamura ito ng ilang beses at agad inabot sa kaniyang kasambahay ang dalawang isdang dala nito. sinundan siya nito hanggang sa pribadong silid niya kung saan andoon ang kaniyang mga kagamitan.

"So, what's the plan?"

"Ang masundan siya. I need to stop here."

"Hibang ka na nga," naiiling na sagot ni Addavan. "Gusto mo sabihin ko sa SPHERE at sa Dark X?"

Matalim ang matang tiningnan niya ang kaibigan. "Bukas ka na magbiro."

"Masisiguro ko bang buhay ka pa bukas? You know, Aurora, Gunner. Una pa lang, sinabihan na kita kung anong klaseng babae siya. Hindi siya normal. Nung una, nakikinig ka pa. Nakaya mo pang lumayo para sa kapakanan ng anak mo na parang walang nangyari sa loob ng apat na taon tapos ngayon, bumalik na naman 'yang obsesyon mo sa kaniya? Gunner, Gunner my friend... alalahanin mong magkaiba kayo ng mundong ginagalawan."

"I know, I know but fuck it! Maiintindihan mo rin ako kapag ikaw na ang nasa sitwasyon ko." Kinuha niya ang kaniyang baril at ilan sa mga gagamitin niya.

Nagkibit lang ito ng balikat. "Matagal na kitang naiintindihan, Gunner. Minsan lang hibang ka. Tangina! Kung hindi lang tayo magkaibigan at hindi ako kasama sa gulong ginawa mo, hindi ako tutulong. Damn you! Sasamahan na kita."

BETWEEN THE ACE [COMPLETED]Where stories live. Discover now