Ch. 1

49.2K 792 63
                                    

Sisimulan ko na ba? Bukas na lang kaya tinatamad pa ko e. Hahaha jklang. Sige magpapakilala na ko. Ako si Zancho Marudo hahahaha joke lang uli. Zarell Jan Ochoco talaga pangalan ko. Zancho for short unica hija ako ng pamilya namin. Oo hindi kayo nagkakamali ng basa babae ako pero babae din ang gusto ko. Yung papa ko ay isang kapitan ng barko kaya madalas siyang wala sa bahay. Yung mama ko naman ay simpleng may bahay lang. Tatlo kaming magkakapatid si Kuya Zandro Jan tapos si Kuya Zedrick Jan. Puro ZJ ang initials namin dahil trip lang daw ng magulang namin combination daw kasi ng mga pangalan nila Zandra at Janvick.

"Zarell halika na dito sabayan mo na kami kumaen ng mga kuya mo."

Dali-dali na kong bumaba mula sa kwarto ko dahil ayaw ni mama ng pinaghihintay ang pagkain.

"Bunso sino gusto mo maghatid sayo. Ako o si Zedrick?" - Kuya Zandro.

"Wag niyo na ko ihatid kuya. Hindi na ko bata."

"Sino nagsabing hindi ka na bata?" - Kuya Zedrick.

"Kuya 19 years old na ko. Utang na loob wag niyo na ko gawing baby."

"Zarell ikaw pa rin ang baby namin. Kahit 30 years old ka na." - Mama.

"Ma. How many times I told you it's Zancho."

"Young lady. How many times I told you it's Zarell. Ako ang nagpangalan sayo nun dahil ako ang mama mo--"

"At ang nagluwal sayo sa mundong ito!"

Magkasabay pa na sabi nila kuya Zandro at kuya Zedrick.

"Yeah right!"

Alam ng pamilya ko ang sexual preference ko 15 years old ako nung nag out ako nung una katakot takot na sermon ang inabot ko sa mga kuya ko pati na rin sa mama ko. Sabi naman ni papa baka daw confuse lang ako kaya kung ano ano daw yung mga karumal dumal na iniisip ko. Umiyak pa nga siya dahil isang prinsesa rin daw pala ang gusto ng prinsesa niya. Para naman akong kriminal nun. Karumal dumal talaga ang tawag nila sa pagiging ganto ko.

Hanggang sa unti-unti na rin nilang natanggap na chix talaga yung kinahuhumalingan ko. Hindi ko naman kasi mapipigilan ang puso ko kung sa isang babae din ito tumitibok.

"Papasok na po ako. I love you ma."

"Mag-iingat ka sa pagddrive."

"Opo. Bye mga pogi love you!"

Tumakbo na ko palabas ng bahay at direcho sa kotse ko. Pag-aagawan nanaman kasi ako nila kuya kung sino ang maghahatid sakin. Kahit may kotse naman ako pinipilit pa rin talaga nila kong ihatid kahit pa ma late sila sa mga trabaho nila ganyan nila ko kamahal.

Pinaharurot ko na ang kotse ko sa school namin. Civil Engineering ang course ko. Sa aming tatlong magkakapatid walang sumunod sa yapak ni papa bilang isang captain. Si kuya Zandro isang architect at si kuya Zedrick naman ay isang doktor.

Bago ako dumirecho sa building namin pumunta muna ako sa tourism building  para palihim na silayan ang aking iniibig. Si Jasmine Irish Salazar ang one and only bitch ng tourism department. Lagi siyang laman ng mga bar at papalit palit siya ng mga boyfriend. Hindi siya seryoso sa buhay. Lahat ng gusto niya madali niyang nakukuha dahil na rin sa estado ng angkan nila sa lipunan. Nagmula siya sa mayaman at kinikilalang angkan. Anak siya ng isang business tycoon sa isang magaling na abogado. Sila Mr. Juan Carlos Salazar at Atty. Ingrid Tuazon Salazar.

---------------------------------

A/N: Another girlxgirl story mga loves. Sana magustuhan niyo rin at suportahan kagaya ng pagsuporta niyo sa She Is She. Vote-Comment lang po thanks.

-Jujuming

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Where stories live. Discover now