SDTR: Kabanata 37

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinagot ko iyon at itinapat sa tainga ko. "Nandito na ako." Aniya sa namamaos na boses, nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa orasan, saktong alas nuebe.

"Saan? Hindi ako pupunta." Sambit ko, narinig kong ngumisi siya. "Really? Nakikita ko ang maputing kili kili mo mula sa bintana." Aniya at mabilis akong napalingon sa bintana ng kwarto ko, nandoon siya at nakapamulsa habang nakasandal sa gilid ng sasakyan niya habang malalim na nakatitig sa akin habang ngumingisi.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?!!" Sigaw ko dahil sa pagkakaalam ko ay kela Jam palang siya nakakapunta.

"Sabi ko naman sayo, maraming paraan basta't para sayo." Sabi niya na nagpapula sa mukha ko, hindi ako makapag buo ng sasabihin sa kanya dahil pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko sa mabulaklak niyang dila.

"Come on, baby. Gusto na kitang makita ng malapitan." Aniya at inimuwestra niya ang kanyang kamay na para bang pinapalapit niya ako sa kanya, ibinaba na niya ang cellphone niya kaya naman dahan dahan ko na rin binaba ang cellphone ko.

Sandali pa akong natulala bago ako lumabas ng kwarto ko, wala sila Mama, siguro ay nasa farm sila kasama ang ilang magsasaka, ganitong oras kasi nila ini-inventory ang mga ibinebentang strawberry sa lungsod.

Nang makalabas na ako ng bahay ay mabilis akong sinalubong ng pamilyar na titig niya, naningkit ang mata niya at napansin kong bumaba ang titig niya sa hita ko na mas lalong nagpahina sa akin.

"What's with that short dress? Di ka ba nilalamig? Gustong gusto mong tinititigan ka ng mga gagong lalaki." Malamig na aniya nang makalapit ako. Doon ko lang natitigan ang suot niyang kulay black na half sleeve polo at maong pants na talaga namang bumagay sa hubog ng katawan niya.

"Hi--" Sasagot na sana ako pero inunahan niya ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako. Mainit ang kamay niya at hindi ko alam kung saan ko ba talaga naramdaman ang ganoong paghawak, kilalang kilala siya ng katawan at puso ko sa malabong dahilan.

"Sinungaling. Malamig ang kamay mo." Sermon niya at saka binuksan niya ang pinto sa passenger seat, mabilis niya akong pinaupo at sinuotan ng seat belt! Napasinghap pa ako nang medyo dumikit siya sa akin dahil sa paghila niya doon sa jacket niya sa driver seat saka tinakpan niya ang hita ko!

Umikot siya sa harap para makasakay na rin. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan kaya naman ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa panonood sa labas ng kalsada, halos mainip na rin ako dahil sa bagal niyang magmaneho kaya naman hindi ko na siyang natiis na hindi kausapin.

"Hmm? May prosisyon ba?" Bulong ko, bumaling siya sa akin bago tumingin ulit sa kalsada.

"Nag iingat lang."

Napangisi ako dahil sa totoo lang kung may importante kang lakad eh talaga namang sobrang late ka na. "Nag iingat? Hindi kaya bukas pa tayo makarating nito sa pupuntahan natin." Pang aasar ko sa kanya saka tumawa pa ako.

Hindi naman niya ako pinansin at pinagpatuloy nalang niya ang pagmamaneho niya ng sobrang bagal, kaya naman ipinikit ko na lang ang mata ko at hinayaan siya.

Napasarap yata ang tulog ko kaya naman nang imulat ko ang mata ko ay halos mapabalikwas ako nang makita kong nasa tapat kami ng Chef's House Restaurant, kung galing sa La Trinidad ay 30 minutes lang ang layo nito sa amin. Pero dahil sa sobrang bagal magmaneho ni Ethan, sa tingin ko ay inabot ito ng isang oras.

"Wala naman tayong naabutan, close na." Sabi ko sa kanya, kaagad siyang bumaling sa akin at umiling.

"Gising ka na, let's go." Aniya at saka naunang bumaba ng sasakyan niya, kunot noo ko naman siyang pinagmasdan.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon