Chapter 42: Suffocate

Start from the beginning
                                    

Umiling ako sa tanong niya "Sige, I'll just wait for you here" Naiwan lang ako dito nang pumunta siya sa restroom. Lumapit ako sa glass railings para tignan ang ibaba ng mall na 'to. Nasa third floor ako ngayon, puro taong naglalakad lang ang nakikita ko sa ground floor. Konti lang ang tao ngayon siguro ay dahil na rin weekdays.

"Excuse me?" May narinig akong boses na nanggagaling sa likod ko kaya lumingon ako dito. Isang babae na sa tingin ko ay nasa late 40's or early 50's na. Halata rin sa itsura niya ang pagiging elegante kahit na simpleng itim a dress lang ang suot niya. Maikli lang ang buhok niya na hanggang balikat at halatang kinulayan lang ng brown dahil itim na ang roots nito at may konting puting buhok.

"How are you, hija? Ang ganda ganda mo. Kamukhang kamukha mo ang mommy mo noong nasa college pa lang kami. How is she? Medyo matagal na ang huli naming pagkikita" Nagulat ako sa sunod-sunod niyang sinabi. Medyo matagal bago nagsink in sa utak ko na ang tinutukoy niya ay ang 'mommy' ko daw. Napakunot na lang ang noo ko sa sinasabi niya. She knows my mom?

"You know, what? The last time na nagkita kami ay kapapanganak niya pa lang yata noon, I think 22 or 23 years ago? Look at you now, an exact replica of her" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Kilala niya ang mommy ko! Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko dahil sa narinig ko. Ibig bang sabihin nito ay buhay pa ang mommy ko o wala lang siyang alam na patay na ito? Dumagdag pa ito sa dami ng iniisip ko ngayon.

Tatanungin ko sana siya kung kilala niya ba ang mommy ko nang may biglang lumapit sa kanya na isang babae na sa tingin ko ay kasing tanda ko lang o hindi nalalayo sa edad ko, kamukha niya rin ito. It's probably her daughter. "Let's go?" Sabi nang mas nakakabata.

"Sige hija. Mauna na ako" Paalam niya sakin, hahabulin ko pa sana siya para tanungin nang may humawak sa braso ko. Mabuti naman at bumalik na si Patricia. Humarap ako sa likod ko, only to find out na hindi pala si Patricia 'to.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, para akong na-estatwa nang makita ko siya. Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya namiss.

"O-Orion" 'Yun lang ang tanging lumabas mula sa bibig ko. He's wearing his usual business suit, 'yung typical na sinusuot niya sa office. The next thing I knew ay mabilis niya akong hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya para yakapin ng mahigpit. Namiss ko ang mabango niyang amoy... namiss ko siya.

"Please... come back home" He whispered. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. "I need you, Janelle. Please come back" Ito na naman ang puso kong nagiging abnormal nang dahil sa kanya. Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko sa pagbagsak nila mula sa mga mata ko. Oh God, I'm crying again because of him. Sa tingin ko ay lalo lang lumalalim ang ang nararamdaman ko para sa kanya dahil sa ginagawa niyang pagyakap sa akin ngayon. Ito pa naman ang iniiwasan kong mangyari, ito ang dahilan kung bakit ako umalis.

Pagkatapos ng nangyari kanina, I've already decided. Aalis na muna ako dito sa amin. Pakiramdam ko kasi hangga't nandito ako ay baka lalo lang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. I must do something to make my feelings stop. I should stop loving him because he will never feel the same toward me. Mabilis akong umakyat papuntang kwarto para mag-impake ng mga gamit ko. Naiwan naman si David sa labas, sabi ko kasi sa kanya ay hintayin ako dahil naiwan ko sa office ang kotse ko.

Agad kong hinanap ang mga maleta ko tapos ay kinuha ang mga damit ko at iba pang gamit. Sa dami ng mga damit ko sa walk-in closet ay pumili na lang ako ng magkakasya sa maleta ko. Idagdag pa ang sandamakmak kong mga sapatos ay hindi talaga magkakasya ang mga ito. I only need to choose the important ones. Pagkatapos kong mag-impake ay mabilis kong binitbit ang tatlo kong maleta pababa ng hagdan. Natigilan ako ng makita ko si manang sa baba, nakatingin din siya sa akin na halata ang pagtataka sa itsura. Umakyat siya para tulungan akong ibaba ang mga maleta ko.

"Hija, aalis ka? Saan ka pupuntang bata ka?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko munang lumayo, manang. Kung balak niyo akong pigilan, please 'wag na. Hope you understand." Sabi ko sabay hawak sa mga kamay niya.

Salamat kay David dahil tinulungan niya akong makarating sa pansamantala kong tutuluyan. Habang nasa biyahe ay nagawa niya pa rin akong biruin, para daw akong typical na babae na lumayas sa bahay ng asawa niya dahil sa away, pero iyon naman talaga ang nangyari hindi ba?

"Thanks, David" Sabi ko nang makarating kaming dalawa sa harap ng isang unit. Dito muna ako pansamantala.

"Anything for my ex-girlfriend" Nakangiting sabi niya bago ako yakapin at magpaalam. Binigay ko rin pala ang susi ng kotse ko para siya ang kumuha sa basement parking ng kompanya.

Bakit ba kasi hindi na lang si David ulit ang mahalin ko? Kung kailan naman bumalik na siya tsaka naman nag-iba ang tinitibok ng puso ko. Bakit ba lagi na lang ako pinapahirapan ng puso ko? Bakit ba gusto niya laging komplikado ang sitwasyon ko? I hate my heart.

Pinindot ko ang doorbell, medyo matagal bago magbukas ang pinto. Sinubukan kong ngumiti para itago ang lungkot na nararamdaman ko. "Janelle?" Halata sa itsura ni Patricia ang pagkagulat nang makita ako, agad niyang napansin ang mga maleta na dala ko.

"Nandiyan ba ang boyfriend mo?" Iyon agad ang naitanong ko sa kanya, ayokong malaman ni George na nandito ako, baka mamaya ay sabihin pa niya kay Orion kung nasaan ako.

Umiling siya bago sumagot "W-wala, bakit?" Tanong niya pero hindi ko pinansin.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Oh sorry" Sabi niya pagkatapos ay tinulungan ako sa mga maleta ko. Pumasok ako at agad na pumunta sa sala, sumalampak ako sa sofa.

"Can I stay here for a few weeks? Also, please don't mention this to your boyfriend" Walang buhay kong sabi sa kanya.

"Hoy babae ano b'ang problema mo huh?" Nakapamewang niyang tanong sa'kin. Sa halip na sumagot ay humagulgol na lang ako ng iyak sa harapan niya. Hindi ko na talaga kayang itago pa ang nararamdaman kong sakit ngayon. First, I felt betrayed whenever I remember what happened in our vacation. After all this time he hid it from me because he wanted to protect that whore. Second, they were together in SanFo. Isn't it too much? Bakit kung kailan ko na-realize na gusto ko siya tsaka naman nagkakaganito? Bakit hindi ko na lang nalaman kaagad noon para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon? Pakiramdam ko ay mababaliw na ko sa dami ng iniisip ko ngayon. Tumabi si Patricia sa akin at agad akong niyakap.

Hindi ako makahinga, hindi dahil sa higpit ng yakap niya kundi dahil sa tingin ko ay sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Kahit anong gawin kong pagpigil ay hindi ko talaga maturuan ang puso ko na hindi mahulog sa kanya. Mabilis kong inilayo ang katawan ko sa kanya. It's suffocating me! Tumalikod ako at naglakad palayo. Darn it, Patricia. Where the hell are you? Nagpapanic na sambit ng utak ko. I need to get away from here. Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko.

Marahas ko siyang nilingon "What?!" Sigaw ko sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa pagsigaw ko. "Please... not now. Madami pa 'kong iniisip, 'wag mo muna akong guluhin" Sabi ko. I didn't lie. Madami pa talaga akong iniisip ngayon, kasama na dito ay 'yung may edad na babaeng lumapit sa akin kanina. She probably knows anything about my mother.

"You need to come with me, Janelle. It's all about your dad" Seryosong sabi niya sa akin. Now what about my dad? Lalong gumulo ang utak ko.

"W-what happened to him?" Kabadong tanong ko sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko.

"He's at the hospital right now" Pakiramdam ko ay lalong nadagdagan ang gumugulo sa isip ko dahil sa narinig ko.

*****

Author's Note:

Yung naka-italic sa story ay Flashback. Basta alam niyo na yun. Paki intindi na lang. Parang ang chaka kasi kapag may nakalagay pang "FLASHBACK" at "END OF FLASHBACK" ahaha. Anyways, new story sa External Link: Taming his Cold Heart.

Salamat sa inyo <3

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now