Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa school.

"Mag behave kayo ha. Then later, we will go to the mall. Okay ba yun?" Tanong ni Asher.

"Yes, daddy!" Masayang sabi ng dalawa.

"Oh, tara na." Tinaggal na niya ang seatbelt niya at lumabas na ng kotse kaya lumabas na rin ako.

Kinuha ko si Ashley sa car seat niya at si Asher naman ay binuhat si Crystal.

"Good morning, ma'am and sir!" Masiglang bati sa amin ng adviser niya.

"Good morning, Ashley! Good morning, Crystal!" Bati niya sa dalawa nang ibaba namin sila.

"Good morning din po, teacher!" Sabi ng dalawa.

"Ma'am, kayo na po ang bahala sa kanila ha." Bilin ko at tumango naman siya.

"Yes po, ma'am. Wag po kayo mag alala dahil safe ang mga anak niyo dito." Nakangiti niyang sabi.

Tumango ako at lumuhod kaming dalawa ni Asher para makapantay ang mga bata.

"Behave kayong dalawa ha. Mag aral ng mabuti." Bilin ko habang hawak ang mga pisngi nila.

"Opo!" Sagot nila.

"Good. Oh, goodbye kiss na." Sambit ko at hinalikan sila sa mga pisngi nila.

"Papakabait kayo ha. We love you." Sabi ni Asher at hinalikan ang dalawa sa ulo.

"We love you too, daddy!" Sabi ni Ashley.

"See you later, babies!" Sabi ko at tumayo na ng diretso.

"See you later, mommy Ava!" Sabi ni Crystal at hawak kamay sila ni Ashley nang makapasok sila sa loob ng classroom.

"So, saan tayo?" Nakangiti niyang tanong habang pabalik kami ng kotse.

"Kahit saan. First day of school ni Crystal, hindi man lang ba nag abalang pumunta ang nanay niya?" Tanong ko.

"Nope. I don't even know where she is. Paggising namin kanina ay wala na siya sa bahay. Sabi ng mga maids ay umalis daw ng maaga pero hindi nagsabi kung saan pupunta." Sagot niya at nakapasok na rin kami sa loob ng kotse.

"Ano bang klaseng ina yan si Irish? Ni hindi niya maasikaso ang anak niya." Naiinis kong sabi.

"Ewan ko rin sa kanya kung ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon." Iling-iling niyang sabi.

"Hays, wag na nga natin siyang pag usapan. Umiinit lang ang ulo ko." Dugtong niya kaya tumango na lang ako at sinuot ang seatbelt ko.

Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na rin kami sa condo niya. Pagdating namin sa kanyang unit ay nanood na lang muna kami ng movie sa sala para magpalipas ng oras.

"Nga pala, Asher. Baka hindi muna kayo makapagbonding ni Ashley next week." Sabi ko.

"Oh, why?" Tanong niya habang nainom ng kape.

"Isasama kasi ako nila mama sa States ng ilang araw para matulungan kona sila sa mga negosyo nila kaya hindi ko siya mahahatid sayo." Sabi ko.

"Pwede bang iwan mo muna sakin ang bata?" Tanong niya.

"Paano si Irish?" I asked.

"Ako na ang bahala dun. Gusto ko lang talaga makabonding ang prinsesa natin eh. Ilang taon ko yun hindi nagawa." Sabi niya at bigla naman akong sinampal ng kunsensya ko.

"Pwede naman." Sabi ko na ikinangiti niya.

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman. May tiwala ako sayo, hindi mo naman siguro papabayaan ang anak natin eh." Sabi ko at tumango siya.

...

"Absolutely no!" Mariing pagtanggi ni mama.

"Ma, gusto rin ng bata na manatili sa ama niya ng ilang araw." Sabi ko naman.

"Kahit na! Baka nakakalimutan mong nasa iisang bubong lang sila Irish at Asher. Baka mamaya, saktan ng babaeng yun ang apo ko eh!" Galit niyang sambit.

"Hindi niya naman siguro gagawin yun, ma. At kung kaya niya gawin yun, nandyan naman si Asher para protektahan ang anak namin." Depensa ko.

"Ava, hindi mo ako naiintindihan eh. Ang hirap ng sitwasyon niyong mag ina. Noon pa man ay sinabihan na kita na tigilan mona si Asher. But what did you do when we're away? Nakipagkita ka sa kanya at sinama mo pa si Ashley! Paano na lang kung malaman ito ni Irish? You know she's crazy enough to hurt the both of you. And we don't want that to happen." Paliwanag niya.

"Ma, si Ashley ang pinag uusapan natin. Bakit tayo napunta dun? Ma, gets ko naman kung anong pwedeng mangyari dahil sa ginagawa ko eh. Pero ma, ginagawa ko ito para sa anak ko. Kawawa si Ashley ma, hindi niya nakasama ng ilang taon ang ama niya. Ayoko naman ipagkait yun sa kanya habang buhay. Kahit ngayon lang ay sasamantalahin kona na hindi maayos ang pagsasama nila Asher at Irish para kay Ashley. Natatakot ako na baka bukas o kaya sa makalawa ay wala na si Asher sa tabi ni Ashley. Kaya mas mabuting lubos lubusin na ang pagbobonding ng mag ama para sakaling may hindi magandang mangyari, at least nagkaroon ng quality time ang mag ama ko." Tila naintindihan naman ni mama ang paliwanag ko dahil niyakap niya ako.

"Fine. I will let you decide what to do. But always remember, we're here by your side. Wag mong sarilihin ang problema, anak." Payo niya at tumango ako.

"Thank you, mama."

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Där berättelser lever. Upptäck nu