Epilogue

1.3K 74 61
                                    

Epilogue

Nakaugalian ko nang sa tuwing natatamaan ako ng sikat ng araw, inaangat ko ang aking kaliwang kamay na may suot na singsing para pagmasdan ang pagkinang niyon.

I have had this Z ring ever since I couldn't remember and I still wore it every day.

I honestly had no idea why Mama got this ring for me. Bukod sa hindi ko na nga initial iyon, hindi pa iyon kasya sa tamang daliri. I wore it on my pinky finger. Mukhang luma at matagal na talaga dahil doon na lang nagkasya. Parang panlalaki pero wala namang may pangalan na nagsisimula sa letter Z sa mga kuya ko.

Maybe because I had three Zs in my name?

Czeila Aryeza Suarez...

Oh, well. Hindi ko na lang poproblemahin iyon dahil may ibang issue akong dapat unahin.

"Gutom na ako, mga bru!" reklamo ko habang patuloy pa rin sa pagtitig sa singsing. Napangiti ako nang masaksihan ang muling pagkinang niyon sa tama ng sikat ng araw.

"Akala ko ba, gutom ka na?" masungit na tanong ni Rhyne nang makita ang ginagawa ko. Halata agad sa boses nito na parang nauubusan na ng pasensiya.

Nang lingunin ko silang dalawa ni Princess, hindi nga ako nagkamali at kunot-noo na ito habang nakapamaywang.

Humagikhik naman si Princess. "Kung makangiti ka naman diyan, akala mo ay jowa ang nagbigay."

Ngumuso ako sabay baba ng kamay. As I walked down the stairs, for the nth time, I told them why I was still a little bit confused and bothered about the ring.

"Come on. Get over it! You've had that for years. Hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin?"

Mas lalo akong napanguso. She was right. Rinding-rindi na rin siguro ang mga ito sa dalas kong sabihin iyon sa kanilang dalawa. Hindi ko naman maiwasan. Sa tuwing tinatanong ko kasi si Mama, ang sinasabi lang nito, sobrang tagal na raw no'n na hindi na nito maalala kung bakit Z ang nasa singsing. Ganoon naman lagi ang sagot nito pero... hindi pa rin ako convinced. Ako lang naman kasi ang may ganitong singsing. Ang mga kuya ko, wala.

"Gutom na talaga ako, mga bru! Tara na!" pag-iiba ko na lang sa usapan habang yakap ang braso ng dalawa.

Pumalatak si Princess. "Ano ba'ng bago? Kailan ka ba hindi nagutom, Czeila?"

"Baka kasi butas 'yang bituka mo kaya hindi ka nabubusog," kontrabidang sabi naman ni Rhyne.

Napahagalpak ako ng tawa sa reaksiyon ng mga ito. "Ang sama niyo!" sabi ko bago sila hinila at patakbong pumunta sa cafeteria. "Tara na nga't sumugod sa canteen!"

Pumila kami agad pagpasok. Pero habang nag-iisip pa ako ng o-order-in namin ay umalis ang dalawa sa linya at tumabi na lang sa akin. Tatlong mini siopao, dalawang apple juice at isang iced coffee ang in-order namin. Tinanggihan ng dalawa ang siopao kaya ang ending, sa akin napunta lahat. Not that it was a problem. Blessing pa nga!

Princess was happy with her apple juice, whereas Rhyne, kahit halos nakasimangot ay mukhang masaya na rin sa kape nito. Sa aming tatlo, ito lang ang nagkakape. Simula yata nang magkakilala kami, umiinom na iyan ng kape.

I opened my bag after the cashier told me the exact price of our orders. Masaya pa ako noong una dahil nailapag na sa tray namin ang mga pagkain at inumin pero nang matanto kong kulang ang pera ko, nawala ang ngiti ko at nagsimula nang mag-panic.

Piso pa talaga ang kulang kung hindi ka nga naman minamalas. Ang sakit sa tiyan!

I was about to give up one siopao when suddenly, a large tanned hand put a coin on the counter beside my tray.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now