Chapter 2

854 45 20
                                    

Chapter 2

"What the fuck?" He breathily whispered.

Pakiramdam ko, hindi lang buong mundo ang tumigil sa pag-ikot dahil sa nangyari kundi pati na rin ang tibok ng puso ko. At ang pagtama ng hininga niya sa aking pisngi at leeg ang nagpabalik sa huwisyo ko.

Mabilis pa sa alas kuwatrong nabitawan ko ang suot niyang sweatshirt kasabay ng pag-alis din ng kamay niya mula sa kinahantungan niyon. Bumalik din ang kabog ng dibdib ko at naramdaman ko agad ang pag-akyat ng init sa mga pisngi ko.

Tinulungan niya akong tumayo at sabay naming pinagpagan ang harinang kumapit sa mga damit namin.

Hindi ko siya magawang tingnan dahil sa nangyari. Nakakahiya ang dibdib kong maliit. Shit! Sana all, parang Rhyne, 'di ba? Pero buwisit! Ano ba itong pinag-iisip ko? Ako na nga itong aksidenteng nahawakan, iyon pa ba ang concern ko?!

He cleared his throat. Hindi rin siya makatingin nang diretso sa akin. Mas lalo tuloy naging awkward.

Jeojang was nowhere to be found. Parang alam na alam na may ginawa itong kasalanan.

"I'm sorry. Gago kasi 'yang pusa mo."

Nagpanting agad ang mga tainga ko sa itinuran niya. Tumikwas pataas ang kilay ko at hindi na napigilang pamaywangan siya. "Ano'ng gago? Hindi niya kasalanan kung bakit takot ka sa kanya!"

"Ano'ng nangyari rito?"

Sabay kaming napalingon sa bukana ng kusina nang marinig ang singhap ni Mama.

She started scanning through the shambles and almost frowned, but when she saw what a mess we looked like—or rather, who I was with—she immediately smiled, her eyes twinkling. "Good morning, lovebirds! Ang aga niyo naman at nagbe-bake pala kayo!" Halatang-halata pati sa boses nito kung gaano ito kagalak sa nakikita.

"What lovebirds?" naiinis na react ko.

Si Mama talaga, ang aga-aga, itong pagma-matchmake agad ang inaatupag! Kung sa ibang pagkakataon nito siguro akong naabutang ganito ang ayos ng kusina, sigurado akong sermon agad ang inabot ko. Pero dahil nandito si Troy ngayon kasama ko, siyempre ay wala na itong pakialam sa kalat. Kahit pa siguro gumuho ang kusina, hindi ito magagalit. Si Troy lang naman ang mahalaga para rito.

I rolled my eyes.

Kaya ayoko munang sagutin si Yano kasi natatakot ako na kapag ginawa ko iyon at nalaman nito, baka itakwil ako bigla. Si Troy lang naman kasi ang malakas para rito, eh. Hindi ko rin alam kung bakit. Alam naman ng buong pamilya na aso't pusa kaming dalawa lagi at kung magkasundo man ay paminsan-minsan lang at hindi pa nagtatagal.

"Good morning, Tita," Troy greeted her, which made her smile wider and creepier.

I made a face. Mas mahal pa talaga niya 'yang Dalmatian na iyan kaysa sa akin!

Mama hummed a wedding hymn when she helped me clean up my mess. Tutulungan sana kami ni Troy pero itinaboy na niya ito at sinabihang magpahinga na lang dahil galing daw ito sa pagja-jogging. Aba't may favoritism! Wow! Eh 'di, siya na ang anak!

Wala naman nang nagawa si Troy kundi sumunod lalo na nang makitang bumalik si Jeojang para makiusyoso.

"Mama, ano ba?" angal ko nang magpatuloy siya sa ginagawa.

She wouldn't stop humming her wedding hymn and it was pissing me off already. May malaking ngiti pang nakapaskil sa mga labi niya na kunwari pang pinipigilan. Asa pa siyang magkakatuluyan kami ni Troy! Asa pa more!

"What?" natatawang pagmamaang-maangan niya.

I rolled my eyes and continued with my work. It took me almost three to four hours to finish everything. I placed the minicakes in rainbow-colored paper cupcake liners, and the cookies were packed in a translucent mini pouch. Nang matapos ay inilagay ko na ang mga iyon sa malalaking kahon. I had four boxes for the cupcakes and two boxes for cookies. Medyo natagalan pa nga ako dahil kinuhanan ko pa ng video ang mga iyon para may ma-upload ako mamayang gabi sa Youtube channel ko.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now