Chapter 15

598 47 19
                                    

Chapter 15

"Faded pictures in front of me, trying to see what happened to me and you..."

For the next two and a half years, I became busy with my baking vlog, weekday supply of pastries to August Publishing House, and being Kuya Asher's substitute drummer for the band every weekend at Mico Moco.

Araw-araw akong abala at gupo sa pagod. Hindi pa nakatulong ang text message na natanggap ko kanina galing kay Yano bago kami sumalang sa itaas ng entablado.

"Are you still busy? Got no time to hang out with me anymore?"

I had no idea what made him think na puwede niya akong sumbatan sa kawalan ko ng oras para sa kanya. Hindi ko mapigilang mairita. Masyado na nga akong busy ngayon at halos hindi na mapirmi sa bahay, dadagdag pa siya? Abala rin naman siya sa pagbabanda niya at alam niyang ganoon din ako kaya bakit parang siya pa itong hindi makaintindi?

Sa pag-alis ni Kuya Asher para sa kanyang mandatory military service sa South Korea, tumigil muna ang Lyricbeat sa pagdalo sa malalaking musical events. Pangit mang pakinggan pero dahil doon kaya nagkaroon ng big break ang Zodiac. Although they still couldn't beat Lyricbeat's record and level, aminado akong malaki nga ang naging improvement ng banda sa pagdaan ng mga taon. Kilala na sila ngayon ng halos lahat sa loob at labas man ng industriyang ginagalawan.

Kabi-kabila ang kanilang mga gigs at projects. Ilang lakad na rin ang hindi namin natuloy dahil sa biglaang pagbabago ng schedule niya sa banda. May ibang naipapaalam pa niya sa akin, may iba ring nakakaligtaan na niya. At ganoon din ako. Hindi ko naman iyon ipagkakaila. Pero bakit parang sa akin niya lang gustong isisi ang lahat?

Sa loob ng mahigit dalawang taon na lumipas, I honestly had no idea anymore kung ano nang mayroon sa aming dalawa. Hindi ko na alam kung nanliligaw pa rin siya. We never had the time to talk about it, and I didn't have the energy to ask about it or even to care anymore. Parang sa tuwing nagkikita kami, nauuwi na lang sa away. Napapagod na rin ako.

Sa dami ng mga nangyari, pakiramdam ko ay wala na akong pusong maibibigay pa para sa mga ganitong bagay. O kung may natira man, hindi ko alam kung may espasyo pa ba akong mailalaan para sa kanya.

Nakita kong gumilid si Troy para masulyapan ako. Nakaharap na siya ngayon kay Ardo, his right side towards the crowd and his left towards me, habang patuloy sa pag-strum sa gitara niya. Kunot ang noo niya sa akin pero pinili kong lampasan na lang ang tingin niya.

Napapikit ako sabay yuko bago sinimulan ang pagpukpok sa mga drums.

Days after Kuya Asher left, XYZ released an official statement that he had to temporarily leave the band for his mandatory enlistment in his birthplace. Kasunod niyon, nalaman ko ang balak nilang mag-hiatus. They were already preparing for a live press conference when I found out about it.

Hindi ako pumayag sa plano nila. I had been with Lyricbeat even before they debuted. I had witnessed how they found their place in the music industry. I was aware of all the sleepless nights, rejected music pieces, and late-night rehearsals. They had sacrificed so much in order to get to where they were now. Hindi ako papayag na pati ang banda ay maapektuhan sa pag-alis ni Kuya.

That was how I became the drummer of the band. For the meantime. At least, until my brother comes back. Which I honestly had no idea if he ever would. I knew in my heart that he just used his enlistment as an excuse to run away.

Sa halip na ihinto ng Lyricbeat ang kanilang mga activities, nagdesisyon silang ipagpatuloy namin ang weekend gig sa bistro ni Kuya Mico. Hindi man kasing-active kagaya noon, pero paminsan-minsan ay nagri-release kami ng digital single at least once every six months.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now