Chapter 6

639 45 11
                                    

Chapter 6

"Eeww! No way!"

Isinubsob ko ang aking mukha sa yakap kong unan at doon sumigaw sa sobrang inis. Hindi maalis sa utak ko ang poker face ni Dalmatian nang tanungin niya ako kanina. Dilat man o nakapikit, hindi ko pa rin mabura iyon at panay ang sulpot na parang nang-iinis pa.

Nakakayamot at nakakahiya! Hindi na ako nakapag-react nang tama sa magkahalong gulat at hiya at inis. Bago ko pa masabing "over my dead body" ay inunahan na ako ni Ardo. Inisip agad nila na tama ito na crush ko si Troy. Tawang-tawa na sinuportahan naman ni Kuya Asher.

"Pagkatapos, ang ginawa mong bruha ka, sa halip na tumanggi, tumakbo paalis!" natatawang sabi ni Princess sa group video call namin nina Rhyne. "Eh di mas lalong inisip ng mga iyon na guilty ka!"

I felt so helpless. Tumakbo nga ako paalis kanina para makatakas sa pang-aasar nila. Nakipagsiksikan ako sa mga tao para lang makalabas sa hall na iyon.

Kay Kuya Asher na ako sumabay pauwi dahil ayoko nang makita ang pagmumukha ni Troy. Baka masapak ko lang ang Dalmatian na iyon kapag nagtanong siya ulit. Huwag lang talaga niyang sabihin na naniniwala siya kay Ardo dahil baka mabugbog ko siya sa susunod na magkita kami.

Mangiyak-ngiyak na tiningnan ko ang dalawang kaibigan sa cellphone. "Over my dead body! Alam niyo iyan! Kahit isipin nga lang ang possibility na ganoon, never ko ginawa. Ako, magkaka-crush sa kanya? Baka naman I'll crush him to bits sa sobrang inis, puwede pa!" I cringed in disgust.

"Hmm... Huwag masyadong defensive," maarteng panunudyo ni Princess. "Magsilbing lesson sana sa iyo kami ni Keeno noon. Halos isumpa ko rin ang lalaking iyon. That moron! But then look at us now, happily engaged. And then look at our friend here and your brother."

Sumimangot si Rhyne sa sinabi nito pero mas piniling huwag na lang pansinin iyon. Nagpatuloy siya sa kung anong binabasa sa laptop.

Napanguso ako.

Minsan, hindi ko talaga alam kung pareho ba sila ng nararamdaman ni Kuya. Sigurado na ako ngayon na head over heels in love si Kuya sa kaibigan ko. Pero sa kanya, may pag-aalangan ako nang kaunti. Hindi kasi siya vocal na tao. Mula nang magkakilala kami, ganito na talaga siya. Ni hindi siya nagkukuwento kung nag-aaway ba sila ni Kuya. Boto ako sa kanya para sa Kuya ko pero minsan ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kaya lang, sa tuwing magkasama naman sila ay may iba akong nakikita sa mga mata niya. Hindi ko lang matukoy kung ano.

"Mas bagay naman talaga kayo ni Troy, sa totoo lang," Rhyne said, poker-faced.

"Eeww, Rhyne! Ang sakit mo sa tiyan! I have Adriano," sagot ko bago napairap. Hindi ko pa nga pala iyon nare-reply-an hanggang ngayon.

"I never liked your boyfriend, Czeila. To be honest," masungit na sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "He's not my boyfriend."

"Pero inaangkin? You have Adriano? Wow! Ilang taon nang magkasama at magkausap, hindi mo pa rin sinasagot? Ganda ka, girl?" Tinaasan ako ng kanang kilay ni Princess. "Huwag mo nang sagutin. Tanginang lahi iyan! Maganda ka nga kahit bansot at walang dede!"

"Lait pa more," irap ko sa kanya.

Mas lalo itong natawa. "Sana all, Rhyne, 'di ba?"

"Tangina," malutong na mura ni Rhyne. "Kung hindi mo naman pala boyfriend ang lalaking iyon at wala kang balak gawin, eh 'di si Troy na lang. Mas gusto ko iyon kaysa roon."

"What? Ba't ko naman tatalikuran ang crush ko? Sayang naman at ang tagal ko nang crush iyon." Napanguso ako.

Kumunot ang noo niya. "Tanginang dahilan na iyan. Eh bakit sa tono mo, parang naging excuse mo lang ang pagkakaroon ng Adriano? Paano kung walang Adriano?"

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now