Chapter 3

728 45 36
                                    

Chapter 3

Natigilan ako sa pagkuskos ng aking buhok nang mamataan ko ang isang magazine sa tapat ng pinto ng kuwarto ko. Isinabit ko ang tuwalyang ginamit sa aking balikat bago nilapitan at dinampot iyon.

"Lyricbeat," kunot-noong sambit ko nang makita ang official logo ng banda. It was another limited edition of their repackaged album.

Ano na naman kaya ang nakain ni Kuya Asher at biglang may paganito? Hindi ko naman birthday.

Dati kasi, sa tuwing kaarawan ko ay nakakatanggap ako ng regalo galing sa hindi kilalang sender. I had received cookbooks, cat key chains, cute ballpens, colorful diary notes, iba't ibang klase ng hair clips... But he or she had stopped when I reached senior high school. Hanggang sa magkolehiyo ako ay wala na akong natanggap ulit.

On my twenty-second birthday, though, may nagbigay ulit pero hindi na katulad ng mga natatanggap ko noon. It was always a limited edition of Lyricbeat's album every release, so I assumed that it was from Kuya Asher. Hindi ko lang siya tinatanong dahil alam kong hindi naman iyon aamin.

Noon, sa tuwing birthday ko lang. Ngayon ay sa tuwing may bago na silang album. Ang shelf sa tapat ng aking study table ay puno na ng kanilang mga albums. Nilapitan ko iyon para ilagay ang dagdag sa koleksiyon ko. Pinapatugtog ko lang naman ang mga iyon sa tuwing nagge-general cleaning ako sa kuwarto. Mas madalas ko pa ring marinig ang mga iyon sa mga concerts at gigs nila sa bistro.

Pagkatapos kong i-blowdry ang aking buhok at i-braid iyon nang magkahati, lumabas ako ng kuwarto para maghanda na sa ibe-bake kong cake.

I had an online pastry shop—Nam Aryeza's—where I accepted orders from all corners of Metro Manila at sa mga karatig-bayan. Nitong mga nakaraang linggo ay masyado akong naging abala dahil puro mga bulk orders ang na-cater ko. Kapag ganoong bulk orders ay within Metro Manila lamang ang tinatanggap ko.

Mahilig ako sa sweets at pastries kaya sa baking ko piniling mag-venture pagka-graduate. Simula pa noong high school ako ay nagpapaturo na akong mag-bake kay Mama. She was a chef back in her country. She could bake and cook, but she was more into cooking. Iyon naman ang skills na namana ni Kuya Inigo mula sa kanya.

I learned to bake cupcakes and cookies in high school and all kinds of pies and breads in college. After graduating, I took an online class for baking cakes. Wala pa akong physical pastry shop kaya nagkasya muna ako sa online at doon kumukuha para sa pag-iipon. Bukod doon, ang isa pang focus ko ngayon ay ang paggawa ng sarili kong mga recipe at design. Ang ultimate goal ko ay ang magawan ng wedding cake sina Rhyne at Princess.

Today, I was going to bake an eggless dark chocolate truffle cake. It was a three-layer anniversary cake. Kagabi ko pa ginawa ang chocolate frosting at kaninang umaga naman ay natapos ko nang i-bake ang tatlong chocolate sponge cake na gagamitin ko. Ang gagawin ko na lang ngayon ay ang decoration. Usually kasi, mas natatagalan ako sa decorating. Lalo na dahil kinukuhanan ko rin iyon ng video para sa vlog.

Pagkasara ko ng pinto ng kuwarto ko ay nagawi ang tingin ko sa music room nang marinig kong may tumutunog mula sa loob. Bukas yata dahil soundproof naman ang kuwartong iyon.

Nang lapitan ko ay nakita ko ngang hindi naisara nang maayos ang pinto at may kaunting siwang doon. Isasara ko na sana pero mas na-curious ako kung sino ang tumutugtog. Bahagya kong itinulak ang pinto para mas malinaw kong marinig. The sound was from an electric guitar kaya nagkaroon na ako agad ng ideya kung sino ang nasa loob.

Sumilip ako at hindi nga ako nagkamali. Troy, in his white hoodie and black cargo pants, was playing Jonas Brothers' Sucker on his favorite black Fender Player stratocaster.

Binuksan ko pa lalo nang kaunti ang pinto para mas makita siyang tinutugtog iyon sa kanyang gitara. Iyon din ang kantang gustong-gusto kong tinutugtog sa drums. It was one of the first few songs Kuya Asher taught me.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now