Chapter 7

617 39 9
                                    

Chapter 7

"Ano itong sinasabi ni Kuya Asher sa balita na wala raw siyang girlfriend? Nag-away ba kayo? Ano'ng nangyayari, Rhyne? Diyos ko! Ang sakit niyo sa tiyan!" bungad ko agad sa kaibigan ko nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko.

Mariin ang hawak ko sa cellphone ni Yano. Kakalabas lang namin ng sinehan. Masaya na sana kung hindi lang niya nabanggit ang tungkol sa interview ni Kuya Asher na kasalukuyang viral pala.

Pinanood ko agad iyon. Ang sabi ni Kuya sa interview, wala siyang girlfriend. Nanggagalaiti ako sa inis. Alam ko naman na iyon talaga ang dapat na isagot, given the industry they were in. But he looked so serious that I got scared. What if it was true?!

"Umm..."

Namaywang na ako. Medyo lumayo ako kay Yano kaya okay lang kahit lakasan ko ang aking boses. "Ano'ng 'umm?' Kuya Asher told me to always check up on you! Nag-away ba talaga kayo?"

Doon pa lang, parang duda na ako, eh. Pakiramdam ko, may pinag-awayan ang dalawa at natatakot akong baka hindi ko na naman napansin. Kagaya noon na hindi ko man lang napansin na may gusto pala si Kuya sa kanya.

I have always had this tendency to be oblivious to what was going on around me kahit lagi ko naman silang nakakasama, and I was starting to hate myself for it. I realized that I should try harder to be more attentive. Ayokong may nakakaligtaan akong pinagdaraanan ng mga kaibigan ko. Ito pa namang si Rhyne, kung sa paglilihim lang din, panalong-panalo.

Wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya. Naiinis na pinatay ko na lang ang tawag.

I watched the interview again on Yano's phone. Naghalo na ang kaba at pag-aalala sa dibdib ko. I bombarded Kuya Asher with text messages, asking him what was up with his answer to that freaking interview. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kaya sa text ko siya kinulit.

"Hey... everything's okay?"

Nang marinig ko ang boses ni Yano ay saka ko lang naalala na magkasama nga pala kami ngayon. I got so easily distracted by Kuya's interview that I forgot where I was now and who I was with.

Hinawakan ako ni Yano sa siko at sinilip ang mukha ko. "Ayos ka lang? You look upset."

And he looked worried.

Umiling ako para hindi na siya mangulit pa. "Tinatanong ko lang si Kuya kung ano'ng mayroon doon sa interview sa kanya kanina."

His eyes flickered, as if my very words had suddenly intrigued him. "Bakit? May girlfriend ba siya at itinatanggi niya?"

Umiling ako ulit. "Wala naman. Kaso, masyado siyang seryoso roon at hindi ako sanay." Ngumisi ako para mawala iyon sa isip niya. "Tara! Kain!"

He chuckled as I held his hand to drag him to the nearest restaurant. Kahit saan na, basta makakain at mawala ang atensiyon niya sa nangyari kanina.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa klase ng tingin niya kanina nang banggitin ko si Kuya. Hindi ko rin alam kung imahinasyon ko lang iyon o hindi. But he looked... eager to fish for information.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. In fact, I had known him since college. Third year ako nang maging crush ko siya. At nasa huling taon na nang magpakilala siya at manligaw. Crush na crush ko siya noon kaya pinayagan ko. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko pa rin siya sinasagot hanggang ngayon kahit okay lang naman sa mga Kuya ko na mag-boyfriend ako. Siguro ay dahil hindi pa alam nina Mama at Papa. Ayokong mag-boyfriend nang hindi nila alam.

At saka, may mga naririnig din kasi ako noon na nilapitan lang daw ako ni Yano dahil gusto raw nitong maging miyembro ng Lyricbeat.

My brothers were famous during college. Guwapo kasi lahat at puro pa achievers at talented. Mukhang masungit si Kuya Iñigo pero napaka-gentleman kaya maraming nahuhumaling. Si Kuya Migo naman, talagang masungit at dahil nasa Nursing Department, marami ring may gusto at pinagtitilian pa lalo na kapag naka-white uniform siya.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now