Prologue

2.2K 79 99
                                    

Prologue

"You are so impatient!" sabay iwas sa akin ng kamay niyang may hawak na litrato nang tinangka kong kunin iyon mula sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Patingin nga," giit ko. And yes, he was damn right. I could feel my patience fading into thin air.

"Sandali nga lang! Gago 'to, eh!" sambit niya habang hindi inaalis ang tingin sa litrato.

My lips formed into a thin line in annoyance. "I'm two years older than you. Mag-Kuya ka nga. Kanina ka pa gago nang gago riyan."

He only made a face playfully and ignored what I said. Pero sa huli, nang makuntento ay ipinakita rin naman niya sa akin ang hawak. "Czeila looks better this way, hindi ba? Short hair makes her look more like me. I like her hair like this."

His sister was wearing her high school uniform in the picture. She was hugging her books, and her perfectly white teeth were visible in her smile. Hanggang balikat lamang ang straight nitong buhok at braided sa bawat gilid.

"Eh 'di, mukhang lalaki," puna ko, hindi maalis ang tingin sa ngiti ng kapatid niya.

"Ano'ng sabi mo?" He sounded offended. Kunot ang noong binawi niya sa akin ang litrato. "Tingnan mo nga. Saang banda ang mukhang lalaki rito? Ang ganda nga ng kapatid ko, oh!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at muling inagaw mula sa kamay niya ang litrato. Saan ba ang maganda rito? Mukhang siopao ang pisngi sa laki.

Sunod kong narinig ang pagpakawala niya ng malalim na hininga. "I can't wait for our graduation, 'Tol. Gusto ko na talagang umuwi. Do you think she will be okay now? It has been many years since..."

Marahang tapik sa balikat na lang ang naisagot ko sa kanya nang hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Dalawang buwan na lang din naman at graduation na namin. Grade ten siya at ako naman ay grade twelve. Kaunting panahon na lang, and then we would go home. Finally...

"You really are impatient!" reklamo niya. Sinamaan niya ako ng tingin nang muli kong iniwas sa kanya ang litrato ng kapatid niya nang akmang kukunin niya ulit iyon mula sa kamay ko. "Baka mamaya niyan, gusto mo pala ang kapatid ko, ha?"

"What the fuck?!" Ibinalik ko agad sa kanya ang picture.

"Yes! What the fuck?! Hindi ako papayag!" Inangat niya agad ang kanang kamao at ipinakita iyon sa akin bilang warning.

Days after that, I had a guitar competition. Mama and Papa had an important meeting on that same day, and he had finals, so they couldn't come.

Before leaving the house, he ran after me and handed me a ring while beaming so wide. "Her ring is still with you, right? Suotin mo rin itong akin. Lucky charm! Good luck, 'Tol!"

It was a lucky charm, indeed. I won the competition, but it turned out to be the unluckiest day of my life. I ended up going back to the Philippines on my own the following year.

"Wait lang, Troy. Hintayin mo ako sa labas ng canteen. Malapit nang matapos ang klase."

Kunot-noong tiningnan ko ang text message ni Asher. I hit reply and sent an "Alright." Pagkatapos ay napasandal ako sa dingding malapit sa pinto ng canteen.

"Gutom na ako, mga bru!"

Habang binubulsa ang aking cellphone, napaangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Isang maliit na babaeng nakasuot ng unipormeng pang-senior high ang nakatayo sa tuktok ng hagdan. Natatamaan siya ng sikat ng araw at nakaangat ang kanang kamay. At first, I thought that she was shielding herself from the sunlight. Pero inikot-ikot niya lang iyon at ilang segundong pinagmasdan na tila namamangha.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon