Chapter 5

703 50 22
                                    

Chapter 5

Nasa hagdan pa lamang ako ay kumunot na ang noo ko nang marinig ang malakas na halakhak ni Kuya Asher mula sa kusina. I could also hear the rest of my brothers' voices. Himala at nandito silang lahat ngayon. Ano'ng ganap?

Masakit ang ulo ko dahil tinanghali ako ng gising. Mabuti na lamang at weekend ngayon kaya wala akong gagawing supply ng pastries para sa APH.

Limang lalaki ang naabutan ko sa hapag pagpasok ko sa dining area. Wala sina Mama at Papa. Ang nakaupo sa kabisera ay si Kuya Iñigo. Nasa magkabilang gilid niya sina Kuya Mico at Troy. Sa tabi ni Troy nakapuwesto si Kuya Migo at katapat naman nito ang humahalakhak na si Kuya Asher. Panay ang hampas nito sa katabing si Kuya Mico.

Pansamantala kong nakalimutan ang sakit ng ulo nang makita ko ang mga nakahain sa mesa. Kuya Iñigo brought us soegogi! Naka-set up na sa gitna ng hapag ang portable grill at kasalukuyang ginugupit ni Kuya Mico ang karne.

"'Morning, Czei. Long time no see, bunso," bati sa akin ni Kuya Iñigo nang mapansin ako sa bukana ng dining room. Abala naman siya sa paghahain ng mga side dishes habang may suot pang apron.

Napanguso ako. Ilang linggo nga siyang hindi nagawi rito. Wala namang kaso iyon dahil may sarili na rin siyang bahay. Bukod doon, alam kong abala rin siya sa restaurant niya kaya nakakapagtakang umagang-umaga ay nandito na siya kahit Sabado pa lang naman. Effective ba ang pangungulit ni Mama sa kanya kaya siya biglang napauwi?

Napalingon sa akin ang tatlo ko pang Kuya maliban kay Troy. May kung anong galit yata siyang kinikimkim sa Korean beef dahil kunot ang noo niya roon.

Bumunghalit ulit ng tawa si Kuya Asher nang mapatingin ako sa kanya. "'Tangina, Kuya! Biglang hiningi ang kamay! Parang gusto ko tuloy na malasing 'to araw-araw and 'group call' us every time! Sayang at busy ako kagabi kaya hindi ko nasagot. Gusto kong marinig ulit iyon, Troy. Puwedeng paulit?"

"Gago," Troy mouthed.

I saw it when I went to sit beside Kuya Migo. Tinawanan lang siya ng mga kapatid ko. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero mukhang pinagkakaisahan nila ang nakasimangot na si Dalmatian.

"I was in the middle of a procedure when he called. Akala ko ay emergency kasi bihira lang tumawag iyan. I let the nurse answer it. On loudspeaker. Narinig ng buong pedia team." Naiiling pa si Kuya Migo sa tabi ko.

"Sayang at hindi ko narinig!"

"Narinig mo rin naman dahil ni-record ni Mico, hindi ba?" nangingising tanong ni Kuya Iñigo.

"Iba pa rin 'yong live!"

"Gago kasi, tawang-tawa ako. Tinalo pa itong si Asher sa pambabakod. Gusto na agad pakasalan kahit hindi pa nagpapahaging. Ligawan mo muna at baka maunahan ka na talaga," sagot ni Kuya Mico, sabay baling kay Troy.

Wait, they were really talking to Troy? And about him? Sino'ng liligawan? Naalala ko tuloy bigla 'yong picture frame na nakita ko kagabi.

Nakakailang subo na ako pero wala pa ring pumapansin sa akin. Na kay Troy lahat ng atensiyon nila at wala akong maintindihan.

Tumawa na naman si Kuya Asher. "Pero 'di ba, may boyfriend na iyon? Na dine-deny naman niya. Pero kahit ganoon..." Sumubo muna ito bago nagpatuloy. "Dadaan ka muna sa limang tulay bago mo siya malapitan. Actually, dapat ay anim, eh. Kaso pasado ka na agad sa isa. Ang boring!"

"Kailangan mo ng napakahabang pasensiya, Troy." Tinapik pa ni Kuya Iñigo ang balikat niya na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. "Kapag siya. Kung talagang sigurado ka sa kanya."

"No way... Seryoso ka ba talaga?" Kuya Mico asked.

"So what if I am?"

Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa sila sa sagot ni Troy. Para silang nanalo sa pustahan sa basketball game sa ingay nila. Kuya Migo smirked, as if satisfied with Troy's words. Kuya Iñigo laughed when both Kuya Mico and Kuya Asher stood up and hugged each other in happiness.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now